Chapter 19: Ang Pagdating ng Bagong Liwanag

1 0 0
                                    

Amara's POV

Pagkatapos naming makalabas ng Moonstone Cavern, ramdam ko ang kaluwagan sa bawat hakbang. Muli kong tiningnan ang mga kasama ko. Si Presley ay nakangiti ng bahagya, tila masayang nakalabas na kami ng ligtas. Si Wyatt naman ay tahimik pa rin, ngunit sa tingin ko, may kakaibang pagbabago sa kanyang presensya. Hindi ko maipaliwanag, pero parang mas malapit siya ngayon kaysa dati. Siguro dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan namin sa loob ng kweba.

Nagsimula na rin kaming maglakad pabalik patungo sa Shine Academy, at habang naglalakbay kami, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa loob ng kweba. Ang Moonstone ay naglantad ng aming mga pinakamalalim na takot, ngunit sa kabila ng lahat, naramdaman kong mas matatag kami ngayon bilang grupo.

"Amara," narinig kong tawag ni Wyatt mula sa likuran. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo, ang mga mata niya'y malamig tulad ng dati, ngunit may kakaibang kislap sa mga iyon.

"Tila magiging mas mahirap ang mga susunod na araw," sabi niya, halos hindi ako tinignan. "Maghanda ka."

Naglakad siya palayo bago pa ako makasagot. Alam kong tama siya. Hindi pa tapos ang mga pagsubok, at alam ko na magiging mas mahirap pa ang mga susunod.

Nakaramdam ako ng bigat sa sinabi ni Wyatt. Tama siya—hindi magiging madali ang mga susunod na araw.

Habang nagmamasid ako, naramdaman ko ang presensya ni Phoebe na biglang tumabi sa akin. "Parang biglang lumamig ang hangin, hindi ba?" tanong niya, nakangiti ngunit halatang may pag-aalala sa boses niya.

"Oo, at hindi lang ito dahil kay Wyatt," sagot ko, pilit na binabasa ang bawat galaw ng mga estudyante at ang galaw ni Wyatt.

"Iba ang kinikilos ng mga estudyante," sabi ni Presley, na ngayon ay tahimik na nakikinig sa aming usapan. "Lalo na si Wyatt. Para siyang mas nagiging misteryoso sa bawat araw."

Tumango ako, iniisip ang mga sinabi nila. Matagal ko nang napapansin ang pagbabago kay Wyatt, pero ngayon mas ramdam ko ang layo niya sa amin. Para bang may mga bagay na hindi niya sinasabi, mga sekreto na naglalayo sa kanya sa amin.

"Tara na, kailangan na nating maghanda," sabi ko, pilit na itinatago ang mga pag-aalala ko. Alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon para maging mahina.

Habang naglalakad kami pabalik sa mga dormitoryo, naramdaman ko ang bigat ng mga mata ni Wyatt na nakatutok sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero tila may gusto siyang sabihin—isang bagay na pilit niyang tinatago. Pero hindi ko na tinanong pa. Alam kong darating ang tamang oras para sa lahat ng ito.

Mabilis na dumaan ang oras, at bago pa man kami makapagpahinga, tinawag kami ng akademya para sa isang espesyal na pagpupulong. Kasama ang lahat ng mga bagong estudyante, at naroon din ang mga guro at tagapamahala ng Shine Academy.

Nagsimula ang pagpupulong sa isang pahayag ng Headmaster, isang matandang lalaki na kilala sa pagiging mahigpit ngunit makatarungan. "Alam ko na nakaraan pa dumating ang mga bagong prinsipe at prinsesa ngunit ngayon lang tayo nakapag pulong sa kadahilanan kayo ay busy sa inyong pag pagsubok at sa inyong pagdating ng mga bagong estudyante ay simbolo ng isang bagong yugto para sa akademya. Alam naming bawat isa sa inyo ay may kani-kaniyang talento at kakayahan, ngunit ngayon, ipapakita niyo kung sino talaga ang karapat-dapat manatili dito."

 THE ROYAL OF SHINE ACADEMY   Where stories live. Discover now