Chapter 9: Unang Pagsubok

3 0 0
                                    

Amara's POV

Ang pagbabago ng paligid ay nagdala ng kakaibang kabog sa aking dibdib. Ang dati naming silid-aralan ay naging isang malawak na parang-punong-puno ng mga burol, kabundukan, at ilang mga hadlang na hindi ko mawari. Alam kong hindi ito basta-basta magiging pagsubok. Kung ano man ang paparating, kailangang maghanda kami-at ito na ang simula.

"Ang unang pagsubok," sabi ni Professor Elysia, "Ay hindi tungkol sa kung gaano kayo kalakas. Ito ay tungkol sa tiwala-tiwala sa inyong mga sarili at sa isa't isa."

 THE ROYAL OF SHINE ACADEMY   Where stories live. Discover now