SAYZIA'S POV
________
"Hi..."
"...Linus, long time no see. Na-miss ko kayong lahat." Sabi ko, pilit na ngumiti sa kanya
May takot na gumagapang sa dibdib ko. Alam kong nabura na ang lahat ng alaala nila, na posibleng isa na lang akong estranghero sa kanilang mundo. Ngunit umaasa pa rin ako. Umaasa na kahit kaibigan man lang. Kahit anino ng dati ay maalala nila ako.
"Who are you?" Nagtataka nyang tanong.
Parang may biglang humigpit sa aking dibdib. Inasahan ko na ito. Pinaghandaang mangyari. Ngunit kahit kailan, hindi pala masasanay ang puso ko sa ganitong sakit. Iba pa rin kapag narinig mo na mismo.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi, parang bula na biglang pumutok. Ibinaba ko ang aking paningin, pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.
"You know me more than I know you," mahina kong sabi. Tumingin ako ulit sa kanya at napansing mas lalo lang siyang naguluhan. Hindi ko kayang sabihin ang totoo. Gusto kong kusa nilang maalala. Hindi dahil sinabi ko, kundi dahil naramdaman nila. Muli akong ngumiti, kahit masakit.
"Can I be friends with you?"
"No."
Umiwas siya ng tingin bago muling dumukdok sa armchair at ipinikit ang mga mata, wari'y babalik sa pagtulog. Marahan akong napabuntong-hininga.
Buong klase akong nakinig, kahit alam ko na ang bawat aralin. Ang isip ko'y wala sa harapan kundi nasa mga alaalang ako lang ang may hawak.
Muling bumalik sa akin ang mga salitang sinabi ni Ophelia bago ako makabalik sa aming panahon...
"Sayzia..."
Napalinga-linga ako. Napapalibutan ako ng dilim ito ay makapal, mabigat, at tila unti-unting sumasakal sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako.
"Sayzia, tumingin ka sa akin." Biglang lumiwanag sa aking harapan. Napapikit ako sa tindi ng liwanag, ngunit dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nasa harapan ko si Ophelia.
"Sayzia..."tawag niya, banayad ang kanyang boses.
"Maraming salamat, Sayzia. Dahil sa iyo, nakawala sa dilim ang aking kaluluwa." Ngumiti ako sa kanya.
"Ako dapat ang magpasalamat sayo, Ophelia. Dahil tinulungan mo kaming mawala ang sumpa." Sabi ko. Ngunit ang kanyang ngiti ay napalitan ng lungkot. Isang lungkot na hindi ko agad naunawaan.
"Hindi nawala ang sumpa," marahan niyang sabi.
"Kinulong mo lamang ito, Sayzia. Ngunit hindi ito tuluyang naglaho." Natigilan ako sa sinabi nya.
"Pero huwag kang mag-alala dahil malabo na itong makawala pa." dugtong niya
"Ano ang ibig mong sabihin? Asan nakakulong ang sumpa?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakakulong ang sumpa sa puso mo, Sayzia. Hangga't namamayani sa iyo ang pagmamahal at kabutihan, mananatili itong bihag." Gulong-gulo ang isip ko. Ang akala ko ay wala na ang sumpa. May mali ba akong nagawa sa misyon ko?
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HororPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
