SPECIAL CHAPTER IV (Best Friend)

51 9 0
                                        

SAYZIA'S POV
________

20 years ago...

When you were here before
Couldn't look you in the eye
You're just like an angel
Your skin makes me cry
You float like a feather
In a beautiful world
I wish I was special
You're so fucking special

But I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here

“Mommy, where are we going?” tanong ng three-year-old naming anak na si Elira. Nakasandal siya sa car seat, hawak ang maliit niyang stuffed bunny, at inosenteng nakatingin sa akin gamit ang malalaki niyang mata.

“Pupunta tayo sa Lola Aikel at Lolo Rod mo, baby,” sagot ko habang inaayos ang seatbelt niya.

“Gusto mo bang mag-swim sa big pool nila?” I asked. Biglang lumawak ang ngiti niya, halos mapunit ang pisngi.

“Yes! Mommy! I want to swim!” sigaw niya habang nagtatalon-talon sa upuan.
Napatawa ako.

“Pero magsu-swim lang tayo kapag nag-behave ka, ha? Go back to your seat, baby.” Sabi ko, mahinahon. Hangga't maaari, ayokong sigawan ang anak ko kapag sinasaway ko sya.

“Okay, Mommy! I promise!” mabilis niyang sagot. Sumunod siya agad, ngumiti pa, saka ako hinalikan sa pisngi bago bumalik sa ayos.

“Good girl,” bulong ko habang hinahalikan ko ang noo niya.

Maya-maya, kinuha na naman niya ang sketch pad niya mula sa gilid ng bag. Automatic na niyang binuksan iyon, parang ritual na niya sa bawat biyahe. Hinugot niya ang crayons at nagsimulang mag-drawing, tahimik, sobrang focused.

Sa harap, saglit na lumingon si Linus sa akin.

“Ikaw, mahal. Magpahinga ka muna. Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi dahil sa drawing ni Elira. Magpahinga ka muna ngayon, ako na ang bahala sa kanyan.” Mahinahon ang boses niya. Tumango-tango ako kahit na parang ayaw parin ng sistema ko na matulog kahit saglit lang.

“Mamaya na kita gigisingin kapag nasa bahay na tayo nila Mommy at Dad. Sleep now, Mahal.” Ngumiti ako.

“Okay, Mahal.” Isang tingin pa sa salamin, nakita ko si Elira, nakayuko, abala sa pagguhit. Kung ano man ulit ang dino-drawing nya sana wag ulit yung ganun kahapon. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Limang taon na kaming kasal ni Linus. Hindi engrande ang kasal namin, walang bonggang reception, walang sobrang daming bisita, yung tama lang. Tahimik lang. Payapa. Mga kaibigan lang namin, ilang kamag-anak na malalapit sa amin pareho. Ganoon lang ang gusto namin.
At doon nagsimula ang pinaka-mahalagang parte ng buhay namin. Nagkaroon kami ng anak.

Si Elira.

Sa America ko siya pinanganak. Sakto kasing nagbakasyon kami roon noon. Surprise ang lahat. Ayokong magpa ultrasound kaya wala talaga kaming kaide-ideya. Akala namin simpleng sakit lang ng tiyan, dahil kumain nga din ako ng mangga at sinawsaw ko pa sa sila. Hindi ko alam na manganganak na pala ako. Kaya doon ko unang narinig ang iyak ng anak namin ni Linus.

“It’s a girl,” sabi ng nurse noon, nakangiti.
Natawa pa ako sa pagitan ng pagod at luha. Akala namin lalaki. Kasi yun ang bukang bibig ng mga parents namin ni Linus at ng iba pa naming kaibigan.

Baby pa lang si Elira. Sobrang sakitin na nya. Kaya madalas namin syang dinadala sa hospital. Nawawala saglit pero bumabalik din kaya dinala na rin namin sya sa albularyo. Ang sabi mababati daw at minsan naman nauusog.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon