AURORA'S POV
________
Hindi kami dumiretso pauwi.
Bago pa man kami makalabas sa
gusali, alam na namin, hindi na siya si Sayzia. Kahit kanina ko pa lang sya nakasama para bang sa puso ko matagal ko na syang kilala.
Nalilito ako sa mga sinasabi nya kanina. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Akala ko isa lang sa amin ang kinakausap nya, pero nung bigla syang lumutang sa ere. Doon ako nakaramdam ng takot. Alam kong hindi lang ako, lahat kami lalong lalo na si Linus.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba talaga to? Nakalutang talaga sya.
"Shit!" Sabi ni Gavin.
"Putangina, bakit sya lumutang?" Kinakabahang sabi ni Nicko.
"Ahhhh! Ayoko na, umalis na tayo." Sabi ni Saphira.
"Fuck! Fuck! Do something." Nagpa-panic ang boses na sabi ni Linus. Tatakbo sana sya papunta kay Sayzia pero parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa amin para makagalaw sa aming pwesto.
"Putangina! Ano to? Bakit hindi ako makagalaw?" Inis na sigaw ni Linus.
"Hindi rin ako makagalaw." Naiiyak kong sabi.
"Shit!"
"TAMA NA!" Napatingin kaming lahat kay Sayzia ng sumigaw sya.
Ako ang unang nakapansin.
Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagsasalita. Nakaupo lang siya sa likod ng sasakyan, tuwid ang likod, nakatitig sa kawalan. Hindi kumukurap. Kahit isang beses. Kahit nung muntik na kaming mabangga dahil nanginginig na ang kamay ni Linus sa manibela.
“Sa simbahan,” sabi ko. Hindi na ako nagtanong. Utos na iyon.
“Ngayon na, Linus.” Tumango-tango lang si Linus na parang isang bata. Walang tumutol sa mga kasama ko, tahimik lang sila. Lahat nakikiramdam sa paligid.
Pagdating namin, bukas pa rin ang simbahan, may iilang kandila, may amoy ng insenso, at ang tahimik ng lugar. Pero nang bumaba si Sayzia, nabasag ang katahimikan. Tumakbo na agad si Gavin at Nicko para puntahan ang pare na kanina ko pa tinawagan para mag-exorcist kay Sayzia.
“HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! AYOKO DITO!” Sumigaw siya bigla, sobrang lakas na napa-echo sa buong simbahan. Dalawa ang boses na lumalabas sa bibig nya. Isa ang sa kanya. Isa ang paos, galit, at...
parang hindi tao.
Napaatras si Saphira. Napamura si Linus. Pinilit naming hawakan si Sayzia pero para siyang hindi normal na tao, sobrang lakas. Sinipa niya ang bangko, tumilapon. Nabagsak ang isang candle stand, at nagkalat ang waks sa sahig.
“Lumabas kayo,” sigaw niya, tumatawa.
“Hindi ito ang lugar ko.” Napatingin ako sa mukha niya. Hindi ko na makita si Sayzia. Itim ang ugat sa leeg niya. Namumula ang mata. Nanginginig ang panga na parang pinipigilan ang halimaw sa loob.
“Sayzia, ako ’to,” sabi ko, umiiyak na.
“Aurora. Tingnan mo ako.” Bigla siyang huminto. Ngumiti siya. At doon ako pinakanatakot.
“Aurora,” sabi niya, malambing. Sobrang lambing.
“Ikaw ang pinakaunang tumalikod.”
Parang may kutsilyong bumaon sa dibdib ko.
Nasa canteen ako, hinahanap ko kasi si Linus. Malapit na kasing dumating ang teacher namin e.
"Miss, excuse me? Pwedeng magtanong alam nyo ba kung saan ang next room ni Mrs. Agapito? Sorry, transferee kasi ako." Rinig kong sabi ng babae sa likod ko. Tumingin ako sa kanya at para bang may kung ano sa pakiramdam ko dahil parang kilala ko na sya dati pa.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HororPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
