Kabanata 1

35 0 0
                                    

"Oh andiyan kana pala"

Ngumiti ako kay ate Selma bago lumapit upang mag mano dito, isang linggo ko palang itong nakakasama dito at mabilis ko itong nakapalagayan ng loob dahil para ko narin itong Nanay.

Kasing edad lang niya si Nanay kaya siguro magaan din ang loob ko dito ay nakikita ko ito sakaniya, bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkamiss sa aking Nanay.

"Andiyan na ba sila Madam?"

Sinilip ko ng bahagya ang salas nilang gawa sa salamin ang pader kaya kita ang loob, doon kasi madalas tumambay ang mga ito tuwing hapon.

"Wala pa, huwag kang mag alala. Oh siya mag bihis kana at samahan mo akong mag prepare sa kusina ng gabihan nila"

Tumango ako bago dumiretso na sa maids quarter, naka separate kasi ang tulugan namin sa mismong bahay nila Doc. Kahit pwede kaming pumasok sa kanilang bahay ay hindi ko parin ginagawa dahil narin sa respeto at hiyang nararamdaman, makakapasok lang ako doon tuwing mag didinner sila sa loob o kaya hindi naman ay tuwing mag lilinis lang ng loob ng bahay.

Nang matapos akong makapag-palit ng pambahay ay nagmadali na akong pumunta sa kusina, malawak ang bahay nila Doc. Jimenez. Noong bago ako dito ay halos maligaw ako sa sobrang lawak ngunit nang magtagal ay nasanay narin.

Tatlo ang anak ni Doc. ang isa ay wala dito dahil nasa Maynila na ito at nag aaral ng kaniyang doctoral residency, hindi ko pa ito nakikita. Ang pangalawa naman ay si ma'am Driana, iyong babaeng nakabunggo ko kanina sa corridor. At ang bunso nila'y si Rahim, pitong taon palang ito at close na close na agad kami.

Mabait ang batang iyon, kasing edad niya lang ang nakababata kong kapatid na si Thalia, nakaramdam ako ng pangungulila ngunit agad ko iyong isinantabi muna.

"Ansarap mo talagang mag-luto, Zari" papuri saakin ni ate Selma nang tikman niya ang aking nilulutong ulam.

"Nako, hindi naman Ate" tanggi ko.

"Sus, nahiya pa"

Maalam lang talaga akong magluto dahil narin ang Nanay ay palaging nag luluto sa bahay, masarap siyang mag luto iyon ang pangunahin niyang hanap buhay dahil sa maliit na kainan namin dati ngunit nang pumanaw ang Tatay ay isinara namin iyon dahil narin sa kakapusan ng pera.

Malungkot dahil narin iyon na ang naging buhay at libangan ni Nanay ngunit wala naman kaming magagawa, ganoon talaga ang buhay. Kaya nag susumikap ako upang sakaling maiahon naman kahit papaano sa kahirapan sila Nanay, upang maibalik ang dating maliit na kainan nito.

"Wow ambango naman, anong ulam natin ngayon?"

Sabay kaming napalingon ni ate Selma kay Doc. na ngayon ay nakangiting bumungad saamin, naka suot pa ito ng scrub suit niya at halatang kakarating lang galing trabaho.

Bakas na ang katandaan sa buhok nitong namumuti na ngunit nandoon parin ang kagwapohang taglay niya, pag kakaalam ko ay malapit na itong mag 60.

"Bicol express at pritong malaga po, Doc." sagot ni ate Selma sa tabi ko.

Nakatayo lang naman ako sa tabi nito at nahihiyang yumuko upang pag bati sa aming among kararating lang.

"Nagutom akong bigla, nandito na ba ang Madam niyo?"

Tumingin ito saakin kaya agad akong nailang at muling yumuko, hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako sanay sa kanila. Masiyado silang nakaka intimidate dahil narin sa larangan at propesiyong kanilang taglay.

"Hindi pa po namin napansin, Doc. Baka ho nasa opisina pa"

Tumango lang ito bago ngumiti saka tumalikod na saamin, tinignan ko ang relong nasa aking palapulsuhan at nakitang alas sais na ng gabi.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now