Kabanata 18

5 0 0
                                    

"I'm not riding that thing, we're not kids anymore!" reklamo nito habang hinihila ko siya papunta sa slide.

Nandito kasi kami ngayon sa park na malapit lang sa bahay nila, noong nakaraang buwan ko lang ito nadiscover dahil explorer talaga ako. Sa baryo nga namin e halos na libot ko na lahat ng bawat sulok doon e.

"Tara na, eh ano naman? Hindi lang naman bata ang pwedeng maglaro sa park e" pilit ko.

"And look at those ladies they looking at us!" nakasimangot pa ito habang masamang nakatingin sa mga kabataang nakatingin saaming dalawa mula doon sa bench hindi kalayuan saamin.

"Hayaan mo lang silang tumingin. Huwag mo silang pansinin, inggit lang sila" sakin naman ito nakatingin ng masama.

Gusto kong matawa dahil sa nasa isip ko ngayon.

"What?"

"Inggit sila, kasi..." pigil na pigil akong huwag tumawa dahil halata sakaniya ang pagtitimpi.

"Kasi?" ginaya pa niya iyong boses ko, lord help me! Tawang tawa na talaga ako sa kalokohan ko.

"Kasi akin ka"

Parehas kaming natigilan dahil doon, ewan ko ba bakit ko naisip iyong iconic lines ni rico at claudine. Nakakahiya, halata sa mukha nito ang gulat. Napakurap kurap pa ito sandali bago tumikhim.

"So where do we ride?" namumulang umiwas ito ng tingin at nagtingin sa mga rides na nasa harap namin.

Naiiling na sumunod nalang ako sakaniya, halata namang excited itong subukan iyong slides kaya hinila ko na ito palapit doon. Noong una ay nag aalangan pa ito ngunit nang masubukan niya ay enjoy na enjoy na itong mag slides, tinatawanan pa siya ng mga batang nag sslides rin kasama siya. Halata sa mukha nito ang labis na tuwa, nakatayo lang ako sa gilid habang hinahayan siyang makipag laro sa mga batang gustong gusto rin siyang kalaro.

Paanong ayaw niyang makipag laro kay Rahim? Eh halos magmukhang bata narin siya ngayon habang kalaro ang mga batang sa tingin ko ay kaedaran lang ni Rahim. Mybe she's not used by it, I can see that she loves Rahim but many things are stopping her too.

The way she smile and laughed while playing with those kids is like she's trying to heal her inner child, I'm enjoying the view of her smiling and laugh out loud. Suddenly, things got slowed as she glanced at me. For a long period of time, I just now felt what they were saying slow motions.

Sandaling bumagal ang paligid, siya lang at ang mga magaganda niyang mga ngiti ang tanging nakikita ko ngayon kasabay ng bawat pagbugso ng aking dibdib. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang ang mga ngiti nito ay hindi nawawala sa kaniyang magagandang mga labi.

Sobrang ganda mg mga ngiting iyon, bagay na bagay sakaniya. How can a woman be a wonderful like her? Her beauty is incomparable, even the goddess are going to bend when they see her smiles like that.

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ito, nakangiti parin ito. Amoy na amoy ko ngayon ang mabango niyang amoy dahil sa lapit naming dalawa sa isa't isa, pawis na ito sa lagay na iyan ngunit sobrang bango parin niya.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko.

"Yeah, we should go now. It's getting dark now"

Ngayon ko lang napansin na nagdidilim na pala, hindi pa naman ganoon kadilim bukangliwaylay lang ba.

"Tara"

Sabay kaming naglakad pabalik ng bahay nila, 3 minutes lang naman ang lalakarin mo. Nang makarating ay binitiwan ko na ang kamay nito bago ito nilingon, nandito na kami back door dito sa kusina. Ayaw niyang dumaan sa main door, ewan ko ba sakaniya.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now