Gabing-gabi na, pero nandito pa rin ako sa kusina. Inaayos ko pa ang mga hinugasan ko kanina habang naghihintay sa pagdating nila Madam Claudiana. Nagbilin kasi siyang hintayin ko ang pagdating niya ngayong gabi.
Umupo ulit ako sa upuan nang matapos sa pag-aayos para harapin ang mga papel at librong binabasa ko kanina. Habang nasa kalagitnaan ng pagsusulat, narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas ng gate. Hindi ko na kailangan buksan ang gate dahil may guard namang nakabantay doon.
Tuwing pumupunta kasi sa Baguio itong si Madam Claudiana, ang dami niyang mga inuuwi. Kaya kailangang babantayan para ilabas lahat ng mga dala niya, lalo na 'yong mga gulay at prutas. Ayaw na ayaw pa naman niyang hindi nasusunod ang lahat ng bilin at utos niya.
"Good evening po, Ma'am," bati ko nang makababa siya sa kanyang sasakyan.
Tumango siya sakin. "Ilabas mo na lang ang mga nasa likod ng sasakyan. May mga kailangang iref at ifreezer diyan," sabi niya.
"Sige po, Ma'am..."
Pagkaabot niya sakin ng susi ng kanyang sasakyan, naglakad na siya papasok ng bahay habang busy sa kanyang cellphone. Maglalakad na sana ako papunta sa likod ng sasakyan, pero napansin kong tulog si Rahim sa backseat.
Nilingon ko si Madam Claudiana para sana tawagin, pero nakapasok na siya sa loob ng bahay. Bumigat bigla ang dibdib ko nang tignan ko ulit si Rahim. Mukhang nawala na rin sa isip ng nanay niya na natutulog pa siya dito sa likod ng sasakyan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng backseat. Gusto ko sana siyang gisingin, pero nang makita kong sobrang himbing ng tulog niya ay nakaramdam agad ako ng konsensiya. Kaya ko naman siguro siyang buhatin, 'no? Hindi naman siguro siya ganoon kabigat.
Huminga ako ng malalim bago ko siya dahan-dahang binuhat. Sinugurado kong hindi siya magigising. Napangiwi na lang ako nang maramdamang mabigat pala siya. Kahit nahihirapan akong buhatin siya, sinubukan ko paring maging maingat habang naglakad papasok sa loob ng bahay.
Sandali akong tumigil nang nasa hagdan na. Napakagat ako ng ibabang labi ko nang titigan ko ang hagdan paakyat. Kaya ko pa ba? Grabeng pahirap 'to, ha? Sinusumpa ko na talaga ang lahat ng hagdan sa mundong 'to.
Halos tumalon ako sa tuwa nang makarating sa ikalawang palapag. Ramdam ko na talaga ang pagod para sa araw na 'to, pero hindi pa ako natatapos sa trabaho ko. Gusto ko na talagang magpahinga sa totoo lang. Mabuti na lang talaga, Sabado na bukas.
Malapit na ako sa pinto ng kwarto ni Rahim nang biglang bumukas ang pintong katabi noon. Natigilan ako nang bumungad sakin ang seryosong mukha ni Buttercup—este Ma'am Driana.
I almost lost my grip on Rahim when I saw her current state. Her hair was dishevelled while the strapless top she was wearing was clinging tightly to her curvaceous body. Her bottom half consisted of gray sweatpants.
"G-Good evening po, Ma'am Driana," bati ko sa kanya bago naglakad papunta sa pinto ng kwarto ni Rahim.
Hanggang ngayon tulog pa rin siya habang karga ko. Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Mukhang nananaginip na siya sa himbing ng tulog niya. Sana all tulog na, 'di ba?
Natigilan ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang pinto nang hindi ko naman binubuksan. Pagtingin ko, binuksan pala ni Ma'am Driana. Nagpasalamat ako sa kanya bago tahimik na pumasok sa loob ng kwarto. Maingat ko siyang nilapag sa higaabn niya bago dahan-dahang inayos ang kanyang pagkakahiga. Inayos ko rin ang pagkakabalot ng comforter sa katawan niya at sinindi ng katamtamang temperatura ang aircon.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makitang nakasandal sa hamba ng pinto si Ma'am Driana habang seryosong nakatingin sakin. Kanina pa kaya siya diyan? Aatakihin talaga ako palagi sa puso dahil sa kanya. Nakakatakot 'yong mga tingin niya, pero mas nakakatakot 'yong minsan bigla-bigla na lang siyang sumusulpot.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomancePUERTO DEL SOL SERIES 5. "I'd willingly let everything else slip through my fingers, but I refuse to lose you. I've already lived through the hell of losing you once. I won't survive it a second time..."
