Nang kumalas kami sa yakap ay parehas kaming nagpupunasan ng aming mga luha habang may mga ngiti sa labi.
"Hindi ka nagpasabing parating kana, 'nak. Edi sana nasundo kita"
"Gusto ko ho kayong isurpresa, ang dalawa? Gising na ho ba?" masayang tanong ko.
Umiling ito, "Masarap pa ang tulog, gigisingin ko na sana dahil may pasok pa sila ngunit dumating ka"
Agad kong inabot sakaniya ang dala kong chocolate cake na ikinagulat nito, ngumiti lang ako sakaniya ng matamis bago ko inihanda ang dalawang stuff toys na binili ko para sa dalawa kong nakababatang kapatid.
Nagpaalam akong pupuntahan ko ang dalawa sa kwarto upang gisingin, dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Dito sila natutulog simula nang umalis ako upang hindi raw nila maramdamang wala ako sa tabi nila.
Pag-bukas ko ng pinto ay sinilip ko sila kung gising na ba, nakahinga ako ng maluwag nang makitang mahimbing pa ang tulog ng dalawa. Napangiti ako dahil magkayakap pa talaga sila, para silang kambal ngunit isang taon ang pagitan nilang dalawa.
Inilapag ko muna ang dala kong stuff toys sa carpeted na sahig upang hindi nila iyon makita agad, nang masigurong hindi na ito makikita ay tahimik akong humiga sa espasiyong libre. Kasiya naman ang dalawang tao sa kama ko noon at maliliit pa ang katawan ng dalawang nakakabata kong kapatid kaya hindi ako nahirapan upang makahiga sa tabi nila.
Halos matawa ako nang magreklamo si Lia'ng nasa tabi ko, nakapikit pa ito at nakanguso."Treah, ang sikip urong ka doon" nakapikit na reklamo nito habang tinatanggal ang mga braso kong nakayakap sa kanilang dalawa.
"Ih inaantok pa ako, Lia naman eh" reklamo din ng isa at pumupungas pungas pang nagmulat.
Sa una ay hindi nito ako nakilala kahit na napansin niya na ako at halatang antok pa talaga, pumikit itong muli at ilang saglit pa ay napasigaw itong bumangon kaya napabangon narin si Lia'ng katabi ko.
"Ate Zari? Ate Zari ikaw ba iyan?" naluluhang sigaw ni Treah kaya hindi ko maiwasang matawa kahit na nagbabadya na ang mga luha ko.
"Nagbilang ba kayo ng 15 mornings?"
Tumutulo ang luha nilang tumango bago ako sinunggaban ng yakap, mahigpit ko rin silang niyakap at hinalikan parehas ang kanilang mga ulo. Sobrang saya ko dahil kasama ko na ulit sila at nayayakap ng ganito, isang buwan akong nag tiis para sa araw na ito.
"Miss na miss ka namin, Ate" umiiyak nilang sabi, ramdam ko ang pagkamiss nila saakin dahil halos ayaw na nila akong bitawan.
"My surprise si Ate sainyo" masayang pahayag ko.
Halata sa mga mata nila ang excitement, "Talaga Ate?" sabay nilang tanong, tumango ako.
"Pikit muna ang mga mata"
Sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata at nang masigurong hindi na sila mumulat ay mabilis kong kinuha ang pasalubong kong stuff toys sakanila, "Open na"
"Wow, Ate stuff toys?" tili ni Treah habang masayang nakatingin sa hawak ko.
"Para saamin iyan, Ate?"
May luhang pumatak sa pisngi ko habang pinagmamasdan ang kanilang masasayang mukha, ang sarap sa pakiramdam na makita ang ganito nilang reaksiyon.
"Nagustuhan niyo ba?" tanong ko sakanila nang parehas na nilang nilalaro ang hawak nilang stuff toys.
Nakakatuwang pagmasdam at isipin na sa simpleng bagay ay kontento at masaya na sila, sana lumaki silang ganoon parin ang pananaw at paniniwala.
"Opo Ate, sobrang saya namin. Thank you po, we love you so much" niyakap nila ako parehong muli.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 5. "My love for you is so beautiful to be a secret, this feeling is too good to be true to be hidden. I wanna show you how much I adore you, I wanna make you feel how much you mean the world to me.. You're my Illicit love that I...