Kabanata 15

958 21 0
                                        

"Patay na 'yang baboy, mas lalo mo pang pinatay. Ano bang problema mo at bakit ka nakasimangot diyan?" natatawang sabi ni Ate Selma.

Napakurap ako. Bumaba ang tingin ko sa karneng lasog-lasog na nga talaga. Nagpakawala ako ng hininga. Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na tinapos 'yong kinakain ko kahit masarap pa 'yon. Tumayo ako at nilagay na sa lababo ang pinagkainan ko.

Iichecheck ko ulit si Rahim kung ayos na ba talaga siya. Paakyat na sana ako, pero natigilan ako nang may marinig akong nagtatawanan malapit dito sa hagdan. Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na tawang 'yon.

Tahimik akong naglakad para sundan at hanapin kung saan nanggagaling ang mga boses na 'yon. Malapit na sana ako nang biglang may humila sa braso ko.

"Zari!" nakangiting sabi ni Helena, pero halata sa mga ngiti niyang pilit lang 'yon.

"Helena? May kailangan ka?" takang tanong ko.

Nawala na ang atensiyon ko sa pupuntahan ko sana. Wala na rin naman akong narinig na tawanan kaya hindi na ako nag-abala pang isipin at puntahan kung saan man 'yon.

Umiling siya. "Wala naman... Nakita kasi kita kaya nilapitan kita."

Her gaze drifted past my shoulder, fixating on something behind me. Just as I began to turn out of curiosity, she suddenly hauled me toward her, catching me completely off guard. The sheer proximity sent my heart into a frantic rhythm. Since she stood slightly taller than me in her heels, I was forced to tilt my head up to meet her eyes—which were now searching mine with a heavy, unwavering seriousness.

"Don't..." bulong niya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Huh? Bakit? A-Anong... May problema ba, Helena?" bulong ko rin sa kanya.

Ngumiti siya ng maliit. "Just don't, Zari."

Her intoxicating scent enveloped me, a direct result of our breath-stealing proximity. In our current stance, we were practically locked in an embrace. Her hands were anchored firmly at my waist while mine rested tentatively on her shoulders. Despite the intimacy of the moment, a heavy sense of discomfort weighed on me.

"What are you doing?" seryosong tanong ko.

She just smiled at me and slowly letting me go. "Solanna, Niro... Andyan pala kayo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Mula sa pagkakatalikod, dahan-dahan akong humarap para makita sila. Sumikip bigla ang dibdib ko sa pinaghalong kirot at lungkot habang nakatingin kay Solanna at Niro.  Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Niro na nakahawak sa baywang ni Solanna. Ramdam ko ang namumuong inis sa dibdib ko kaya pairap akong umiwas ng tingin.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa. Walang gustong bumitiw sa titigan naming dalawa. Kung hindi lang siya niyaya ni Niro na bumalik kung nasaan ang mga kasama niya, hindi pa kami matitigil. Buong araw masama ang loob ko hanggang matapos ang araw.

Foundation day came. First day pa lang, pero nakakapagod na. Tatlong araw lang naman gaganapin ang foundation. Iniisip ko pa lang, nakakapagod na. Maraming activity events ang puwedeng salihan, pero ni isa wala akong sinalihan. Sa booths lang ako nagparticipate dahil mas magaan na trabaho 'yon kaysa sa ibang activity na masasayang lang ang oras ko.

"Ayaw mo bang sumama sa office, Zari?" tanong ni Naia habang nagliligpit ng gamit niya dahil babalik na siya sa office nila.

Umiling ako. "Hindi na. Dito na lang muna ako. Wala rin naman akong gagawin at maitutulong doon."

"Okay. Message mo ako pag may kailangan ka, ha? Sorry, hindi kita masasamahan ngayon. Masyadong busy sa office."

"Ano ka ba! Sige lang. Bilisan mo, mamaya hinahanap ka na nila!"

Illicit LoveWhere stories live. Discover now