Kabanata 8

1K 23 0
                                        

Nanatili akong tahimik habang naghihintay ng jeep dito sa waiting shed sa tapat ng University. Paminsan-minsan ay napapalingon ako kay Ma'am Solanna na seryoso lang na nagcecellphone. Gusto niyang sumabay pauwi, pero hindi ko alam kung sanay ba siyang magcommute o kahit pamilyar ba siya sa jeep na sasakyan namin.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako. Gusto kong magtanong, pero pakiramdam ko wala akong karapatan. Minsan talaga may sapi 'tong si Ma'am Solanna. Sala sa init, sala sa lamig.

"Are we seriously going to ride that thing, Zariah? Is it even safe to ride?"

Napalingon ako sa kanya nang marinig 'yon. Bakas sa mukha niya ang pagkadisgusto habang nakatingin sa sasakyang nasa harap namin ngayon. Ngayon pa talaga siya nagreklamo? Puwede naman siyang magpatawag ng driver sa bahay nila kung gugustuhin niya talaga.

Tumaas ang kilay ko. "Ayaw mo ba? Puwede namang—"

"Did I say I don't like? Let's just go so we could go home already," sabi niya at walang lingong naglakad pauna sa jeep.

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Parang kanina lang ang bait niya? May expiration time yata ang kabaitan ng isang 'to. Huminga ako ng malalim bago naglakad na pasunod sa kanya. Kahit naman masama ang ugali niya, amo ko pa rin siya at responsibilidad ko ang kaligtasan niya.

Inalalayan ko siya nang mapansin kong nahihirapan siyang umakyat sa jeep. See? Paano hindi tutulungan kung simpleng mga bagay na ganito, hindi sanay? Paano na lang kaya ang buhay niya kung naghirap sila, 'di ba? Pero impossibleng mangyari 'yon. Kahit yata hindi na sila mag-aral o magtrabaho ay mabubuhay sila dahil sobrang yaman ng pamilya nila.

Mabuti na lang, walang masyadong karga ang jeep kaya hindi siksikan. Nilingon ko si Ma'am Solanna nang makaupo kaming dalawa. Kanina pa siya tahimik habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kamay. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi pa man kami nagtatagal dito sa loob ng jeep, pero tagaktak na ang pawis niya sa noo at leeg dahil sa init.

"Ayos ka lang ba, Ma'am?" hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

"Do I look like I'm not?" she asked with a raised eyebrow. I pouted and shook my head. "Then I am. Stop asking questions."

Sungit talaga.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, pero agad ring kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang lalaking malagkit ang tingin sa banda namin. Sinundan ko ang mga tingin niya hanggang sa huminto 'yon sa legs ni Ma'am Solanna.

Unti-unti akong nakaramdam ng kakaibang inis. Medyo umangat ang skirt na suot ni Ma'am Solanna dahil sa pagkakaupo niya. Hindi katulad ng sakin na black pants. Mas lalo lang na lumitaw ang makinis niyang balat dahil hindi naman siya nagsusuot ng stockings.

Minsan talaga hindi ang suot ng isang tao ang mali, e. Minsan nasa pag-iisip ng isang tao. Kung manyak, manyak talaga. Walang pinipiling oras o lugar. Bwesit na mga lalaki 'to.

I furiously turned my gaze to the man. The way he was staring at Ma'am Solanna was absolutely spine-chilling. Even though his eyes weren't fixed on me, I felt like I was the one being harassed. Driven by the intense irritation I felt, I couldn't think clearly anymore. I reached out and covered her left leg, hoping to at least conceal that area. I felt Ma'am Solanna stop immediately and turn her attention toward me.

She was gazing intently at me, her eyebrow arched in question. "What exactly do you think you are doing? Making physical contact with someone without their explicit permission is an utterly unacceptable action, Zariah."

Napalunok ako. Sobrang seryoso. Galit siya at nararamdaman ko 'yon sa tono ng boses niya dahil sa biglang paghawak ko ng legs niya ng walang permiso. Pero wala na akong choice. Kung ipapatong ko sa legs niya itong bag ko, mas magagalit siya dahil mabigat 'yon. Mas magaan ang kamay ko kumpara sa bag ko. Besides, wala namang problema at masama dahil parehas naman kaming babae.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now