"Zari, andito ka lang pala. Bakit hindi ka makijoin sa booth natin?" tanong ni Naia nang makalapit siya sa banda ko.
Hindi ako umimik o gumalaw. Nanatili akong tulala sa malawak na field. Gusto ko ng tahimik at mapag-isa, mas lalo lang akong nagkaka-anxiety sa ingay sa booth namin kaya umalis ako kanina.
"Okay ka lang ba, Zari?"
Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Naia sa tabi ko, pero hindi ko siya nilingon. Gusto kong magsalita at mag-open up sa kanya. Gusto kong ilabas lahat ng mabigat na dinadala ko, sabihin lahat ng tumatakbo sa isip ko... Dahil hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam ang iisipin. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa bigat na nararamdamn ko. Kung siya ba ang nasa kalagayan ko. Anong gagawin niya?
Pinilit kong ngumiti sa kanya at dahan-dahang tumango. "O-Oo naman... Hindi ka busy, ah? Wala ka bang gagawin sa council?" mahinang sabi ko.
Tuluyan ko siyang nilingon at sinalubong ang mga seryoso niyang tingin sakin. Kunot ang noo niya tila binabasa ang kung anong tumatakbo sa isip ko. Kaya nginitian ko siya ng matamis.
"Ano bang tingin 'yan, Naia? Problema mo? Baka mamaya magselos na naman si Patricia sakin, ah?" natatawang biro ko sa kanya.
Hindi siya nagreact sa sinabi ko kaya napangiwi na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Alam kong alam niyang may hindi ako sinasabi sa kanya. She's my best friend after all. She knows when I am okay and not okay. Gusto kong magsabi sa kanya, pero ayaw kong makaabala ng ibang tao para sa problemang mayroon ako. Habang kaya kong dalhin, sasarilin ko.
"I respect your boundaries, Zariah. If you aren't ready to tell me, that's okay," she whispered, exhaling deeply. She slowly placed her hand over mine, which was still gripped tightly to my bag. "But please... just know that I've got your back. You can be completely honest with me. I won't judge you—not even a little bit."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumayo na siya at naglakad na paalis. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko namang mabait at mapagkakatiwalaan sa maraming bagay si Naia kahit na minsan may saltik siya, totoong kaibigan siya. She's my human diary. Pero sa problemang mayroon ako ngayon, hindi ko alam kung kaya ko bang magsabi sa kanya. Hindi dahil wala akong tiwala, kundi dahil ayaw kong kaawaan niya ako.
"Are you okay?"
I slowly fluttered my eyes open, emerging from the darkness. It came as no surprise to find her sitting directly in front of me. Once again, she was holding me in that grave, unyielding stare of hers. I blinked, my gaze locking onto hers, unable to find the strength to look away. A heavy sense of exhaustion had settled deep into my bones, leaving me too weak to even turn my head.
I find myself wondering what thoughts are racing through her mind. Is she navigating a storm of her own? And if she is, I wonder if the weight she carries is as heavy as mine. If I were to open up and confess everything—to tell her that I'm drowning and that I'm far from okay—would she truly understand? If I laid all my burdens bare, would she be able to help me carry them?
Ngumiti ako sa kanya ng maliit. "O-Oo naman..."
Tinaasan niya ako ng kilay, pero hindi siya umimik. Pinanood ko siyang dahan-dahang tumayo. Sa kabila ng mabigat na narararamdaman ko, bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang pinapanood siyang maglakad palapit kung nasaan ako nakaupo.
"Would you mind if I ask you a question?" seryosong tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko.
Kahit papaano, pansamantalang nawala ang mga iniisip ko habang kasama at kausap ko siya, pero agad ring bumigat ang loob ko nang maalalang baka ito na ang magiging huling pagkakataon na makausap o makasama ko siya ng ganito kalapit.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomansaPUERTO DEL SOL SERIES 5. "I'd willingly let everything else slip through my fingers, but I refuse to lose you. I've already lived through the hell of losing you once. I won't survive it a second time..."
