Kabanata 6

992 23 0
                                        

Lumipas ang linggo. Hindi na nasundan pang utusan o kausapin ako ni Ma'am Driana na ipinagpasalamat ko. Sa totoo lang ayaw ko talagang nagkakaroon kami ng encounter. Hindi naman sa ayaw at hate ko siya as a person, pero kasi... Mayroong kung ano sa mga titig niya na nakakailang at nakakakaba kahit na wala naman siyang ginagawa o sinasabi.

Kaya minsan pag nakikita ko siya dito sa bahay, ako na ang umiiwas. Baka mamaya, kapag nakita niya ako ay utusan niya na naman ako. Pakiramdam ko pa mandin, sa tuwing nasa paligid ko siya o nakatingin siya sakin ay palagi akong makakagawa ng katangahan tulad nang last na nangyari. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala na naman ang nangyari.

Bumalik na rin sa Manila ang magpinsang si Sir Drenzel at Presly. Mabuti nga, e. Ayaw ko talaga ang presensya ni Sir Drenzel. Don't get me wrong, I respect him because he's my boss son. But his stares and touches on mine makes me feel uncomfortable and shiver.

"Misis ko, gusto mo bang sumama?" tanong ni Naia.

Kumunot ang noo ko. "Saan na naman? Ayaw ko, wala akong pera. Tama na muna ang pagiging gastador. Marami pa tayong bayarin!"

"Napaka-oa naman ng misis kong 'to. Ang daming sinabi, e. Bibigay ko lang 'tong mga files sa office. Hindi naman tayo lalabas ng school. Dali na!" nakangising sabi niya. Pinakita niya ang mga hawak niyang folder. Masyado siyang busy lately. Sumali siya sa SSC. Secretary tuloy siya.

Tumaas ang kilay ko. Hindi na ako nakapalag nang hilain niya na ako patayo. Wala naman na akong gagawin kaya sumama at sumunod na ako sa kanya. Naglakad kami papunta sa kabilang building. Kumunot ang noo ko nang mapansing sa Medical Department kami papunta. Anong gagawin namin dito? Don't tell me...

Huminto kami sa kulay itim na pinto. Marahang kumatok muna sa pinto si Naia bago niya 'yon binuksan. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan nang marinig ang pamilyar na mga boses sa loob.

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang Power Puff Girls—este sila Patricia, Helena, at 'yong babaeng iniiwasan kong makita at makasama. Si Ma'am Driana. Masaya silang nag-uusap at natigilan lang nang mapansin nila kaming nakatayo sa harap nila.

"Naia? What are you doing here?" Patricia asked to Naia.

Naia just smiled slightly while presenting the folder she was holding. "Here are the files you requested, President."

That makes sense. Pero anong ginagawa ng dalawa dito? Don't tell me, member din sila ng SSC? Hindi ba sila busy sa course nila? Ang alam ko busy pag nasa medical field ka, ah? Sana lahat flexible, e, 'no?

Napatingin ako kay Helena. Nakangiti siyang kumakaway sakin kaya nginitian ko siya pabalik. Isang buwan na rin yata noong huli ko siyang nakita. Hindi rin naman kami nagkakasalubong dito sa school dahil magkaiba ng building ang bawat department. Ngayon lang din ako napagawi sa building ng Medical Department.

"Hello, Zari! You're also here!" sabi niya bago tumayo sa kanyang kinauupuan para maglakad palapit sakin.

"Hello..."

"Namiss kita! Tagal nating hindi nagkita, ah? Anong ginagawa mo dito?"

Nailang ako nang bigla siyang yumakap sakin. She's really clingy. Nabaling ang tingin ko sa banda ni Ma'am Driana. Nahuli ko siyang nakatingin sa banda namin habang nakataas ang kilay, pero nang mahuli niya akong nakatingin rin sa kanya ay pairap siyang umiwas ng tingin at binalik na lang ang tingin sa cellphone niya.

Luh? Hindi ba siya napapagod magsuplada? Nakatingin lang naman ako sa kanya dahil nakatingin siya. Tapos siya pa ang may ganang umirap? Oo, alam kong marami na akong atraso sa kanya, pero hindi naman ibig sabihin noon ay kailangan niya na akong malditahan aba. May sayad talaga siya minsan.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now