Kabanata 20

8 0 0
                                    

I was running fast into the white tiled floor of this huge building, people are staring at me confused why am I running.

Pagod na pagod na ako para sa araw na ito pero hindi ko magawang magpahinga dahil sa sobrang daming nangyayari, sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Nawawasak, at patuloy na nawawasak habang tinatahak ang daan patungo sa kwartong kinalalagyan ng kapatid ko.

I can still heared what my Mom said earlier.

"Nak! Ang kapatid mo, asan ka? Isinugod namin si Liah.."

Hindi ko alam ang gagawin ko kanina nang marinig iyon, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Lahat ng ala-ala nang gabing mawala ang Tatay ay biglang bumalik saakin, kakaibang kaba at sakit ang naramdaman ko nang marinig iyon. Halo halong pakiramdam ang nagdadagsaang pumaloob sa dibdib ko.

Mabuti nalang at nadoon si Helena kanina dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko, namanhid ata ako sa lahat ng nangyayari.

"Nay!" tawag ko nang makapasok sa kwartong kinalalagyan ni Liah.

Halos madurog iyong puso ko nang makita ang hitsura ng nakababata kong kapatid, nakahiga ito sa puting kama at sobrang daming nakakabit sakaniya. Nanikip iyong dibdib ko at nag iinit ang bawat sulok ng mga mata ko sa nakikita.

I can't endure seeing her laying on that clinical bed with those aparatus, my knees gets weak after seeing it. Mabuti nalang at may sumalong mga braso saakin, napalingon ako sa babaeng nasa tabi ko.

It's Helena, her eyes are hurt and sad. Tuluyan na akong naiyak sa bisig nito, tahimik ang buong silid walang umiimik. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman ngayon, sobrang sakit, halo halong pakiramdam na hindi ko na alam kung paano ko ba haharapin.

Ganito ba talaga? Palaging may kalakip na sakit ang saya? Akala ko kaya kong harapin ang ganitong sitwasiyon dahil nakaya ko naman na noon, ngunit heto ako ngayon. Ubos na ubos na ako.

Lahat ng pagod na nararamdaman ko ay iniyak ko ng gabing iyon, lahat ng kinimkim kong pakiramdam ay ibinuhos ko sa pag iyak. Pagod na pagod na ako na kahit anong gawin kong pahinga at pagtulog ay hindi mawala wala.

*

"Sabi ng doctor ay Acute Lymphocytic Leukemia ang sakit ng kapatid mo.." simula ni Nanay.

Namamaga ang mga mata ko ngayon dahil sa labis na pag iyak, nang kumalma ako kanina ay agad akong lumapit at naupo sa tabi ng kapatid kong payapang nakatulog. Namumutla ang labi nito habang may bendahe sa kaniyang ulo.

Noong nakaraan pa raw ito nilalagnat, at kaninang umaga'y bigla itong natumba at dinugo ang kaniyang ilong kaya sa sobrang taranta nila'y agad nila itong isinugod sa malapit na center saamin, ngunit trinansfer rin agad dito sa NLAF.MC dahil hindi kaya ng center namin ang lagay ni Lia. Hindi nila ako agad natawagan dahil sa tanging nasa isip nila'y maisugod sa hospital ang kapatid ko. At doon na nga nila nalamang may sakit ito.

"Bakit siya pa? Ang bata bata niya pa para maranasan ang ganito" nag uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko.

Napakagat ako sa ibababang labi ko't napayuko upang pigilan ang namumuong pag iyak, hindi ko kayang makitang nagkakasakit ang mga kapatid ko. Paano pa kayang sa ganitong sitwasiyon na? Bakit siya pa? Andami daming masasamang tao diyan, bakit ang kapatid ko pa? Sobrang bata pa niya para magkaroon ng sakit na ganito.

"Malaki laking pera ang kakailanganin natin para sa pagpapagamot niya, h-hindi ko alam kung saan kukuha.." sobrang sakit makita't marinig ang bawat hikbi ni Nanay.

Alam kong siya ang pinaka nahihirapan ngayon, dahil masakit sa isang inang makitang ganito ang lagay ng kaniyang anak, walang inang gugustuhing magkasakit at mahirapan ang kanilang mga anak. Mahina ang loob ni Nanay, noong si Tatay ang nasa hospital at nag aagaw buhay ay halos hindi nito kinaya.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now