Kabanata 24

12 1 0
                                    

"Ate!"

I heared Treah scream when she saw me approaching in our front yard.

"Stop running you might trip" natatawang suway ko sakaniya, dahil halos mangarera na ito sa bilis ng pagtakbo niya.

"Omg, you're here! Hindi ka nagsabi Ate"

Halata sa mukha nito ang halo halong emosiyon, ganiyan na ganiyan rin ang nararamdaman ko ngayon ngunit pilit ko lang pinipigilan gamit ang mga ngiti ko.

"Ano pang sense ng salitang surprise kung sasabihin ko rin naman, right?"

We embrace each other, I can hear her silent sobs so I caressed her back slowly. When I feel that she's already calm, I let go her.

"Tara sa loob Ate, wala si Nanay at Lia may pinuntahan. Ang Kuya Max naman ay nasa trabaho pa"

Hawak nito ang isang kamay ko habang papasok kami sa loob ng bahay namin, ngayon nalang ulit ako nakabalik dito, may kakaibang pakiramdam ang dala nito saakin.

Ito parin naman ang bahay namin dati, ngunit maraming nagbago. Ang dating maliit lang na bahay, ngayon may extension ng ikalawang palapag, mas naging moderno ito. Ayaw ni Nanay na magpagawa ng panibagong bahay dahil masiyadong mahalaga saamin ang bahay na ito, marami kaming memorya dito kasama ang aming yumaong ama.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad saamin ang pinaghalong makaluma't modernong loob, ang mahahabang sofang gawa sa leather. Ang marbol na sahig na nagkikintaban, ang mga bintanang gawa sa salaming mayroong naghahabaang mga kurtinang kulay krema, this is the home that I'm longging for a long time.

Napangiti ako nang makita ang isang picture frame na malaking nakasabit sa pader malapit sa hagdaan pataas ng ikalawang palapag. Ito ang huling family picture naming magkakasama, nandito pa si Tatay at buhay na buhay ang kaniyang mga ngiti habang nakayakap kay Nanay.

I smiled at his picture like I was the one he's smiling for, he really looks like me. Bago pa ako maiyak ay humarap na ako kay Treah na ngayon ay naka masid lang saakin.

"Antagal ka naming hinintay umuwi, Ate"

Hindi ako umimik, ngumiti lang ako dito bago ito inaya papuntang kusina. Balak ko silang ipagluto dahil sobra ko silang namiss, ang sabi ni Treah ay maya maya lang ay nandito na sila Nanay. Hapon narin kasi ako nakarating dito dahil sa haba ng byahe.

Suot ko parin ngayon ang blouse kong asul na tinupi ko hanggang siko at tinuck in sa aking puting pantalong sinuotan ko ng gucci belt.

"Ano itong naaamoy ko, Treah kailan ka pa natutong mag luto?"

Nagkatinginan kami ni Treah ngayon dahil sa narinig, mabuti nalang at tapos na kaming makapag ayos sa lamesa. Hinihintay nalang na maluto ang iniluluto kong pork kaldereta.

"Ate Zari?"

Kusang sumilay ang mga ngiti ko nang makita ang bunso kong kapatid na si Lia na ngayon ay patakbong lumapit saakin.

"I missed you" bulong ko nang mayakap ko ito.

"A-Ate you're here, totoo ba ito? Or nanaginip lang ulit ako?"

I chucked, "I'm here, shh tahan na. Papangit ka lalo niyan" asar ko dito na mas ikinaiyak niya lang.

Kahit na dumadalaw sila sa New York ay iba parin ang pakiramdam na makasama sila dito sa tahanan namin, kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon.

"Wala ba akong yakap diyan Nay? Parang hindi mo naman ako namiss" biro ko, kahit naluluha ito ay nagawa niya pang umirap saakin.

"Ikaw talagang bata ka, bakit hindi ka man lang nagsabing uuwi ka? Tignan mo nga't hindi ka pa nag bibihis, nag luto ka pa!" sermon niya saakin habang yakap yakap ako ng mahigpit.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now