"NAKABALIK ka na pala, Zari"
Napalingon ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Ate Selma, nginitian ko ito bilang pag bati.
"Kanina lang Ate, kape?" alok ko sa kapeng hawak ko.
Tumango ito at dumiretso na sa lababo, habang nag titimpla ng kape namin ni Ate Selma ay may narinig kaming dalawang boses na palapit kung nasaan kami.
"Nakakamiss talagang umuwi dito sa probinsiya" I heared a manly voice coming near us.
"Oh Ate Selma, aga natin ah"
Hindi ko pa nakikita kung sino ang mga iyon dahil nakatalikod ako sakanila, pero may idea na ako kung sino ang mga ito.
"Sir Drenzel nakarating na pala kayo? Gusto niyo bang kumain? Ipag hahanda namin kayo"
That makes sense, gusto ko silang lingunin ngunit mas lamang ang hiyang nararamdaman ko ngayon.
"Sure, Ate Selma sakto at nakakagutom ang byahe namin" masayang sagot naman ng tinawag ni Ate Selma'ng Sir Drenzel.
"Zari halika tulungan mo akong mag luto, mamaya kana mag kape"
Nahihiyang tumango ako dito bago dahan dahang naglakad palapit sakaniya, wala na sila Sir Drenzel dahil nagpaalam na ito kaninang mag lilibot muna sila ng kasama niya.
"Sino iyong kasama ni Sir, Ate?" kuryosong tanong ko, hindi ko nakita ang mga mukha nila dahil nakatalikod na ang mga ito kanina nang lingonin ko sila kanina.
"Ah iyon? Si Sir Presly iyon, pinsan nila Sir Drenzel. Sa Maynila rin nag aaral ito dahil Lawyer ang kinukuha niyan" namangha naman ako.
Mabuti pa ang mayayaman ay walang kahirap hirap nilang nakukuha ang gusto nilang kurso, samantalang kaming mga kapos ay kailangan pa namin iyong pag hirapan. Ilang pursyento lang ang mayroon kaming makakapasok sa paaralang gusto namin, kung wala kang diskarte at talino ay walang mangyayari.
"Ganoon ba.."
Nang matapos kaming makapag luto ay sa Lanai raw kakain ang mga amo namin, kaya doon kami nag ready. Maganda ang ambience dito, napapaligiran ng iba't ibang halaman. Ang cozy tignan dahil sa kulay ng mga lamesa at upuan, minsan na akong kakatambay dito ng gabi at masasabi kong sobrang ganda dito.
Halos matigilan ako habang hawak ang isang pitsel ng orange juice nang makitang nandoon na ang dalawang lalaki kanina, kahit si Ma'am Driana ay nandoon narin kasama nila. Masaya silang nag uusap at natigilan lang nang makita akong palapit.
"Magandang umaga ho, Ma'am, Sir" bati ko habang nakayuko.
Dahan dahan kong inilapag ang hawak kong pitsel sa gitna ng lamesa.
"Hindi mo naman nasabing may maganda pala kayong katulong dito, Drenzel" rinig kong sabi ni Sir Presly sa pinsan niya.
"I also didn't know" mahinang sagot nito.
Naiilang na ako dahil sa mga tingin nila, yumuko nalang ako bago nagpaalam ng aalis. Hindi kasi ako komportable sa mga tinging binibigay ni Sir Drenzel saakin.
Tumambay nalang muna ako sa kusina at si Ate Selma naman ay siyang nag seserve ng mga kailangang hinihingi ng mga amo namin, Sunday ngayon at paniguradong completo ang mga ito.
"Ate Zari, is my Mommy already down here?" pupungas pungas na tanong ni Rahim habang palapit saakin.
Mejo magulo ang buhok nitong mahaba kaya ngumiti ako't sinenyasan ko itong lumapit saakin.
"They already there at Lanai, you want me to accompany you?" malambing na tanong ko habang inaayos ang buhok nito at tinali ng marahan.
Gwapong gwapo ito at masasabi kong kamukha niya ang Kuya Drenzel niya, little version kumbaga.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 5. "My love for you is so beautiful to be a secret, this feeling is too good to be true to be hidden. I wanna show you how much I adore you, I wanna make you feel how much you mean the world to me.. You're my Illicit love that I...