"Ma'am, alam niyo po... Wala pong 'I don't know' na pagkain," nakangusong sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay habang nakasalikop ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Just cook something that it's edible, Zariah."
Magrereklamo pa sana ako, pero wala na akong nagawa nang balingan niya ng tingin ang cellphone niya. Ano bang puwedeng iluto sa kanya ng hindi na siya magreklamo diyan? Wala naman akong masyadong alam tungkol sa kanya maliban sa pagiging maldita at suplada niya araw-araw.
Nagluluto na lang ako ng paborito kong ulam. Ang binagoongan. Hindi ako sure kung magugustuhan niya ito dahil halata namang hindi siya kumakain ng mga ganitong lutuin dahil masyado siyang high maintainance, pero gusto ko lang naman itry. Isa ito sa mga menu namin sa dati naming kainan na best seller.
"Aren't you done?"
Hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nasa tabi ko. Nakasilip siya sa niluluto ko. Bahagya ko siyang niligon. Nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa niluluto ko. Mukhang hindi siya pamilyar sa pagkaing nakikita niya.
"Malapit na. Gutom ka na ba talaga?" tanong ko.
"What are you chooking? Is that edible?"
Hindi ko na mapigilang matawa. "Of course, Ma'am. Don't worry, it's edible. Ang tawag sa pagkain na 'yan... Binagoongan," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Binagoongan?" clueless niyang sabi habang nagtatakang nakatingin sa niluluto ko.
Tumango ako. "Yup. Ginisang karne ng baboy lang po 'yan na hinaluan ng bagoong."
"Ahh..." aniya at mukhang nakuha na ang sinasabi ko kaya mas lalo akong napangiti, pero agad rin nawala nang magsalita ulit siya. "What's bagoong?"
Seryoso bang mag-eexplain ako sa kanya buong gabi dito? Tinitigan ko siya ng maigi, pero mukhang seryosong hindi niya alam ang bagoong. Napangiwi na lang ako sa kainosentehan niya. Akala ko ba matalino ang babaeng 'to, pero simpleng bagoong hindi siya pamilyar?
Hindi ko na siya pinansin pa at tinapos na ang pagluluto. Nang malapit nang maluto, agad akong kumuha ng kutsara para sumandok ng kaonti doon. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa, pero gusto ko lang ipatikim sa kanya at makita ang reaction niya. Marahan kong hinipan ang kutsarang may lamang binagoongan bago ito iminuwestra palapit sa harap niya.
"Here... Tikman mo muna," nakangiting sabi ko habang inaalalayan ang hawak kong kutrasa.
She raised an eyebrow, maintaining her posture as she stared at the spoon. For several agonizing seconds, her gaze stayed fixed on the spoon I held out, and a wave of embarrassment washed over me. Why on earth did I expect her to actually taste it? Just as I began to lower my hand in defeat, she froze me in my tracks Slowly, deliberately, she parted her lips and leaned in, closing her mouth around the spoon to accept the offering.
A wave of anxiety washed over me while I studied her face as she ate. She chewed slowly, her expression shifting into one of deep curiosity—it was evident that these flavors were entirely new to her. I waited, paralyzed by the uncertainty of her reaction, until her features softened and a glimmer of pleasant surprise took hold.
"Kamusta ang lasa?" kinakabahang tanong ko.
Tumikhim siya. "It's not that bad. Is it done? I'm starving."
"Not bad? Hindi ba masarap? O baka naman pangit 'yong lasa niya. Maalat ba?" Kumunot ang noo ko at sinubukang tikman ang niluto.
"Don't expect a compliment from me, Zariah. I wouldn't want you getting too full of yourself."
YOU ARE READING
Illicit Love
Storie d'amoreLA FUERTE SERIES 1. "I'd willingly let everything else slip through my fingers, but I refuse to lose you. I've already lived through the hell of losing you once. I won't survive it a second time..."
