Kabanata 21

919 23 0
                                        

"Aalis ka na ba talaga, Zariah? Paano ang pag-aaral mo? Sigurado ka na bang titigil ka na? Sayang naman kung hindi ka magpapatuloy," seryosong sabi ni Doctor Jimenez.

Marahan akong tumango habang nakangiti ng maliit sa kanilang dalawa ni Madam Claudiana. "Opo, doc. Kailangan po kasi naming lumuwas ng Maynila... Maraming-marami pong salamat sa lahat ng tulong ninyo sakin, lalong-lalo na po sa pagpapatuloy sakin dito."

"Hindi mo kami kailangang pasalamatan, Zariah. Malaki rin naman ang naging tulong mo samin, lalo na sa pag-aalaga kay Rahim pagwala kami kahit na hindi mo naman 'yon trabaho. Kami nga ang dapat na magpasalamat sayo... Thank you so much, Zariah," nakangiting sabi ni Madam Claudiana.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko si Rahim. Kahit gusto kong makausap at magpaalam sa kanya kahit sa huling pagkakataon, hindi ko magawa dahil wala na akong oras. Kailangan na naming umalis mamaya. Baka hindi ko rin kayanin na makitang umiyak siya. Ayaw ko ng dagdagan pa ang bigat na dinadala ko.

"Our door is always open for you, Zariah. Sa oras na maisipan mong bumalik, tawagan mo lang kami."

Tipid akong ngumiti. "Maraming salamat po, doc, Madam..."

Kahit mabigat sa loob, pinilit kong maglakad palabas ng bahay nila Solanna ng hindi lumilingon. Ayaw kong lumingon dahil baka hindi ko kayanin. Kahit gustong-gusto ko siyang puntahan sa kwarto niya para makita o makausap siya kahit sa huling pagkakataon, kahit pa masaktan ako ng paulit-ulit, tinatagan ko ang sarili kong huwag gawin. Ayaw kong magkaroon ng dahilan para magbago ang desisyon ko.

"Are you okay?" mahinang tanong ni Helena habang nagdri-drive papuntang hospital sa Manila kung saan iaadmit si Lia.

Hindi ako umimik. Nanatili akong tulala sa kawalan, iniisip kung anong mangyayari mamaya, bukas, at sa susunod pang mga araw. Hindi ko alam kung paano ipro-process ang lahat ng pangyayari, kung paano matutulog ng walang mabigat na iniisip at nararamdaman, kung paano gigising at babangon kinabukasan para harapin ang problemang mayroon ako.

"Zari, you can sleep and rest first. Please, stop thinking too much. Don't stress yourself and let your mind take a rest... Noong isang araw ka pa walang pahinga. Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo sa hospital, okay?" marahang sabi ni Helena.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan siyang nilingon. Hindi siya nakatingin sakin at nakafocus lang siya sa pagdri-drive. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong dahilan ni Helena kung bakit sobrang bait niya sakin at bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to.

"Helena..." mahinang tawag ko sa kanya.

Napakurap siya at napalingon sakin nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Kahit nanghihina, sinubukan kong hawakan ang kamay niyang nasa gear. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Nanatili siyang tahimik at nakatitig sakin tila hinihintay ang gusto kong sabihin kaya nginitian ko siya ng matamis.

"I f-find myself struggling to find the right words, as 'thank you' feels far too small for the impact you've had on my life. I am deeply moved by your kindness and will never forget what you've done for me... Thank you kasi hindi ka umalis sa tabi ko kahit na alam mong nahihirapan na ako. Thank you kasi nandiyan ka... Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung wala ka kaya maraming salamat," nahihirapang sabi ko.

Tumango siya ng marahan at hinawakan pabalik ang kamay ko. "I'll do anything for you, Zariah."

"Pero Helena... Bakit?"

Natigilan siya, pero agad ring nakabawi. Ngumiti siya ng maliit. Binitiwan niya na ang kamay ko para bumalik sa pagdri-drive nang umusad na ang trapiko. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang seryoso siyang nagdri-drive.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now