Kabanata 34

977 22 0
                                        

Huminga ako ng malalim habang naglalakad papunta sa kwarto ni Beatrice. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang bodyguard na nagbabantay sa kanya. Gising na raw siya kaya napanatag na ang loob ko. Thankfully, kanina nag-respond na rin sa wakas sakin ang secretary ni Attorney Lim.

"Good evening, Ma'am Zariah. Kanina ka pa po hinihintay ni Ma'am Beatrice sa loob," nakangiting sabi nito sakin nang makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Beatrice.

"Thank you."

Tumango lang siya at pinagbuksan na ako ng pinto. Seryoso akong naglakad papasok ng kwarto niya. Napabangon si Beatrice nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya.

"Zariah!" nakangiting tawag niya sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You bitch! Why you didn't tell me about this, huh? Paano kung may nangyaring masama sayo? Paano kung hindi ka tumawag? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang nangyari sayo? Muntik ka ng mawala, pati 'yang dinadala mo!" galit na sabi ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik, pero nanatili siyang nakangiti ng matamis. 'Yan ang nakakainis sa kanya. Sa sobrang bait niya, nagagawa ng ibang taong itake advantage ang kabaitan niya. Hindi ko pa nga yata siya nakitang magalit kahit minsan, na parang galit nasasaktan na siya ng sobra nakakayanan niya pa ring ngumiti ng totoo at matamis.

"I know... I'm sorry, Zari. I am really sorry. I'm okay now, you don't have to worry," marahang sabi niya.

"I've told you before... You need to leave that husband of yours. Why are you still letting your parents dictate every move you make? This is your life, Beatrice. You need to choose yourself and prioritize your own well-being above everyone else—especially now that you're going to be a mother. Do you really want your child growing up with a monster father? Because if it were up to me, I'd be the one to personally put that demon behind bars," I said, unable to hide the growing frustration in my voice.

Hindi siya nakaimik. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Wala na akong pakealam kung masaktan siya sa mga sinasabi ko, dahil kailangan niyang magising sa katotohanan.

"Zariah, you know how much I want that..." she began, her gaze flickering away from mine. "But I'm terrified of what he might do... the moment he finds out I'm pregnant. I have no idea what he's capable of doing to me—or to my child. I'm scared. I'm just so lost, Zariah." Her voice began to fracture, trembling with every word as she protectively cradled her stomach.

Huminga ako ng malalim bago siya hinila para yakapin. Dahan-dahan kong hinaplos ang likod niya para patahanin. "Shh... I understand, Beatrice. You don't need to worry, okay? I'll protect you and your child. Hindi ko hahayaan na makalapit siya ulit sayo. Hindi hanggat nandito ako. Ako ng bahala sa lahat, okay? Magpahinga ka... At mas lalong-lalo na, ingatan mo 'yang baby mo," bulong ko.

"Thank you, Zari. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Hindi ko na alam..." nabasag ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko lang siyang umiyak habang nakayakap sa kanya. Alam kong mas mabigat ang nararamdaman niya ngayon kumpara sa nararamdaman ko. Isinantabi ko muna ang problema ko at dinamayan si Beatrice.

Huminga siya ng malalim. Kumalas siya sa yakap ko para punasan ang basa niyang pisngi. "Can you do me a favor, Zari?"

"What do you want me to do?" My gaze lingered on her as I gave a slow, deliberate nod, a small, weary smile tugging at my lips. 

"Take me away, Zari. Somewhere far from here after all of this is done. Please... I just want to disappear for a while. I need to get away from everything for the sake of my child. Would you do that for me?"

Illicit LoveWhere stories live. Discover now