Kabanata 2

1.1K 25 0
                                        

"So you're studying at WUC, Zari? How is it that I haven't seen you there?" Ate Helena asked me, sounding puzzled.

Nasa kusina kami. Tahimik kong inaayos ang mga pagkaing isusunod ko sa study room. Tama nga ang hula ko. May gagawin silang project kaya mag o-over night sila dito. Hindi ko namalayang sumunod kanina sakin dito sa kusina si Ate Helena.

"Baka kasi first year pa lang po ako, Ate. Ang lawak rin naman po kasi ng school, kaya impossibleng magkita o magkasalubungan man lang tayo," sabi ko, pero nasa ginagawa pa rin ang tingin.

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Napalingon tuloy ako sa kanya habang nakataas ang kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi naman 'yon joke, ah?

Nagkibit ako ng balikat at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko kanina para matapos na ako. Baka kanina pa 'to hinihintay ni Ma'am Driana. Mukhang bad mood pa naman siya kanina. Well, ano pa bang bago? Parang bad mood naman siya araw-araw. Pinaglihi kasi 'yon sa sama ng loob.

Muntik na akong matawa sa iniisip ko, mabuti na lang napigilan ko. Kasama ko pa nga pala 'yong kaibigan niya. Baka mamaya isipin niya pang baliw ako dito dahil tumatawa ako mag-isa.

"You have point. Oo nga naman, paano nga tayo magkikita kung sobrang lawak ng WUC... I bet you're an Accountancy student?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. "Your uniform says it, Zari."

Napatango ako sa kahihiyan. Bumaba ang tingin ko sa suot kong uniform. Napangiwi na lang ako nang maalalang hindi pa nga pala ako nakakapagpalit ng damit.

Nakakahiya. Hindi ko alam kung maayos pa ba ang amoy ko. Samantalang itong kasama ko, kanina ko pa naamoy 'yong mabango niyang pabangong halata ring mamahalin. Ganoon ba talaga pagmamahalin 'yong pabango? Sana all. Samantalang pabango ko pulbo lang, e.

"Do you need my help, Zari? Tulungan na kita," nakangiting alok niya.

"Hala, hindi na kailangan. Kaya ko naman, Ate," sabi ko at umiling.

"You know what, you should stop referring to me as 'Ate.' It annoys me, and we're not even sisters," she said with a raised eyebrow and followed it up with a roll of her eyes.

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko na siya at naglakad na papasok ng bahay habang hawak ang tray ng laman ng mga pagkain. Nag-init ang pisngi ko nang pagbuksan ako ng pinto ni Helena. 'Yan ang gusto niyang itawag ko sa kanya, e. Masunurin tayo dapat.

"T-Thank you..." pabulong na sabi ko.

Ngumiti siya sakin. Pinauna niya akong pumasok ng study room. Biglang nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang lamig nang makapasok ako sa loob. Hindi ba nilalamig ang mga 'to? Kung ako nag tatambay sa ganito kalamig na kwarto baka kanina pa ako sinipon.

Medyo madilim ang loob ng study room kaya wala akong makitang tao. Saan naman kaya sila? Nakapatay ang mga ilaw at sarado ang mga kurtina kaya madilim. Ang tanging nagsisilbing liwanag lang ng study room ay ang nakabukas na flatscreen TV kung saan may naka play na movie.

"Sabi na nga ba, e. Hindi project ang gagawin ng mga 'to," rinig kong bulong ni Helena.

Hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin siya. Tahimik akong naglakad palapit sa sofa bed. Nakita ko doon si Ma'am Driana at Patricia na mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan kong nilapag sa lamesa ang tray bago humarap kay Helena. Nagliligpit na siya ng mga kalat sa lamesang puno ng kalat. Mukha namang gumawa talaga sila ng project kanina at nakatulog na kakahintay sa pagkain na hinahanda ko.

"Ako na diyan, Helena!" pigil ko sa kanya.

"I can handle this. Don't worry about me."

Wala na akong nagawa. Hinayaan ko na siya sa gusto niya. Nagpaalam na ako sa kanya na lalabas na. Binilin ko na lang sa kanya ang pagkaing niready ko kung sakaling mang magigising sila Ma'am Driana.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now