"You can talk to me, Zari. I'm still your friend, hindi nagbago iyon sa ilang taon nating hindi pagkikita, I'm still here and always be here for you. You're my sister in heart, Zari remember that" she's caressing my hand by her thumb finger that made me feel warm inside my chest.
"I-It's so hurt, Naia.." tuluyan ng kumawala ang mga hikbing pilit kong pinipigilan.
Parang sa ilang taong pagpipigil ko ay ngayon lang ito lumabas, halo halo ang nararamdaman ko. Pagod, sakit at lungkot sa lahat, I'm so empty and tired. At dahil sa presensiya ngayon ni Naia ay mas lalo kong naramdaman ang lahat, dahil sa mga tinuran nito ay parang kinatok bigla itong matagal ng natutulog kong pagod na kaluluwa.
"Pagod na pagod ako.. Pero hindi ko alam-hindi ko alam saan ba tatakbo upang sabihin ang lahat ng nararamdaman ko." niyakap niya ako, bumaon ang mukha ko sa dibdib nito at doon na ako naiyak ng tuluyan.
Pra akong batang naagawan ng laruan o nadapa dahil sa kalampahan na nag susumbong sa kaniyang magulang habang umiiyak.
"Shh I'm here, you can tell me everything. I'm here, everything will be fine" bulong na alo nito saakin.
"N-Noong nalaman kong sinugod sa hospital si Lia, h-hindi ko alam ang gagawin ko Naia.. Pagod na pagod na ako sa school at sa trabaho, tapos-t-tapos sabi ni N-Nanay nasa hospital si Lia.." ansakit parin pala habang inaalala ang lahat ng nangyari, kahit nakaraan na ito.
Hindi parin pala ako nakaka move on sa lahat, nandito parin ang sakit kahit ayos naman na ang lahat. Naka move on na sila samantalang ako ay nandito parin, nasasaktan parin, napapagod parin, hindi magawang hanapin ang sinasabi nilang pahinga.
"H-Hindi ko alam kung anong uunahin Naia.. Walang wala kaming pera-pagod na pagod na ako pero wala akong magawa.. Lia's condition getting worst day by day-kaya umalis ako dahil hindi ko na kayang pagsabayin ang pag aaral at pag tratrabaho habang ganoon ang lagay ni Lia.." tahimik lang si Naia, basang basa na ng luha ko iyong damit niyang puti.
"Hanggang sa nalaman naming namatay ang Lola dahil sa heart attack nang malaman ang lagay ni Lia.. Naia ang sa-sakit sakit, hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkawala ni T-Tatay, ang Lola naman? Hindi ko alam kung saan ko ilulugar lahat ng sakit na nararamdaman ko.. gusto ko ng sumuko pero may kapatid pa akong nag aagaw buhay... Kailangan pa nila ako, kaya wala akong nagawa kundi isakripisyo ang lahat. Kahit hindi pa nakakarecover si Lia at hindi ko pa natatanggap na wala na si Lola ay umalis ako ng bansa kahit ayoko kahit nasa murang edad paranhg ako.."
Nang kumalma ako ay humiwalay ako sa yakap nito ngunit nakayuko parin ako habang humihikbi, ang bigat bigat ng dibdib ko ngayon. Ngunit kahit papano ay gumaan ito dahil nailabas ko na ang ibang tinatago kong sama ng loob. Hindi man lahat pero atleast nabawasan.
"Wala akong kilala sa New York Naia.." umiiling ako habang dahan dahang sinalubong ang mga mata nitong puno narin ng luha, "Halos gabi gabi akong umiiyak dahil miss na miss ko na sila Nanay, gustong gusto kong umuwi Naia. Ang kaso paano kami? Anglaki ng utang namin dahil sa pagpapagamot ni Lia.. Lahat ng sakit at pagod tiniis ko, kahit sobrang sakit na, kahit hinang hina na ako.." nanginginig ang mga kamay ni Naia na itinaas iyon at dahan dahang hinaplos ang pisngi ko upang punasan ang basang basa kong mga pisngi, mas lalo pa akong naiyak.
"Pero paano naman ako? Sa nga panahong ako lang mag isa? Sabi ko sanay na akong mag isa, pero ang hirap pala Naia.." huminto ako upang huminga dahil para na akong kakapusin ng hininga, "Sa mga oras na pagod na pagod na ako sa lahat, gustong gusto ko ng yakap. Na sa mga panahong ambigat bigat na ng lahat, gusto ko ng makakausap. Selfish ako? Siguro oo, kasi hindi ko na kayang makita pang maranasan nila ulit ang lahat ng pinagdaanan ko"
She nooded at me, "Naiintindihan ko, pasensiya kana kasi wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ng kasama" her eyes are reflecting mine.
*
YOU ARE READING
Illicit Love
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 5. "My love for you is so beautiful to be a secret, this feeling is too good to be true to be hidden. I wanna show you how much I adore you, I wanna make you feel how much you mean the world to me.. You're my Illicit love that I...