Alas sais na ng hapon. Dalawang oras na rin kaming nanood ng concert ng December Avenue ni Oliver. Sa totoo lang, masaya siyang kasama. He's really kind and gentleman. Tulad ng sabi niya kanina, sinundo niya ako at siya ang gumastos ng lahat. Talagang presensya ko lang ang ambag ko.
Nagkatinginan kami habang nagtatawanan. Kami lang yatang dalawa ang tumatawa kahit na broken ang kinakanta ng December Avenue. Samantalang ang mga kasama namin dito ay umiiyak na habang sumasabay sa kanya.
"Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin...!" pagsabay namin ni Oliver sa kanta kaya mas lalo kaming nagtawanan.
"Grabe, I didn't know that you have this kind of energy, Zari!" nakangising sabi niya.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit mo naman nasabi?"
"You know... You always have this aura na ang hirap lapitan at kausapin. I didn't expect na magiging close tayo ng ganito."
"Che! Sumama lang ako sayo kasi nasasayangan ako sa ticket. Assuming 'to," nakangising biro ko sa kanya.
"Aray ko... Minsan talaga foul 'yang bibig mo, Zariah. Pasalamat ka gusto kita... ng kasama," aniya at kumindat.
Napailing na lang ako. "Ewan ko sayo, Oliver."
Nanahimik na ulit kaming dalawa nang biglang mag water break. Nangangalay na talaga 'yong mga paa ko dahil dalawang oras na kaming nakatayo, pero okay lang dahil hindi naman masyadong crowded. Nag-eenjoy naman ako so far.
Napalingon ako kay Oliver nang marinig ko na naman ang pagtunog ng cellphone niya. Kanina ko pa napapansin na may tumatawag sa cellphone niya, pero hindi niya 'yon pinapansin.
"Hindi mo ba sasagutin 'yang phone mo, Oliver? Kanina pa tumutunog. Baka mamaya importante pala 'yan. Sagutin mo muna kaya?"
Huminga siya ng malalim bago tumango at ngumiti ng maliit sakin. "Sorry, ha? Sandali lang 'to. I'll just take this call, Zari."
Tumango ako at hinayaan siyang sagutin muna ang tawag. Nasa limang minuto rin siyang may kausap. Ngumiti ako sa kanya nang mapansing tapos na ang tawag, pero halata sa mukha niyang hindi maganda ang naging usapan nila ng kung sino mang kausap niya kanina sa cellphone.
"Zari... Sorry, but I need to go right now. May emergency kasi sa bahay, e. Gusto ko mang magstay pa, pero kailangan ko na talagang umuwi. Gusto mo na bang sumabay na sakin pauwi? Ihahatid na muna kita bago ako umuwi," sabi niya.
Nakaramdam ako ng lungkot. Sayang naman kung uuwi na ako agad. This is a once in a lifetime opportunity. Pero kailangan ng umuwi ni Oliver. Hindi ko naman siya puwedeng pilitin na magstay. Kaya ko naman umuwi. Mabilis lang ang sakayan.
Umiling ako. "Sige na, Oliver. Mauna ka na. Kaya ko namang umuwi. Sayang naman 'yong binili mong ticket para sakin kung iiwan ko na lang 'tong concert. Huwag mo akong isipin, okay lang ako. Mas mahalagang umuwi ka dahil emergency 'yan," sabi ko at ngumiti sa kanya ng matamis.
"Sure ka ba? Baka wala ka ng sakyan mamaya, hah?" pilit niya, pero umiling lang ako kaya wala na siyang nagawa kundi ang huminga ng malalim. "Okay, then. Babawi na lang ako next time. Sorry talaga, Zari."
"Ayos lang, ano ka ba! Ingat ka sa pagdrive, Oliver."
Tumango siya at ngumiti. "Thank you. Ikaw rin, ingat ka mamaya. Message mo ako pagwala kang masakyan mamaya, ha? Promise pupuntahan kita."
Nginitian ko lang siya habang pinapanood maglakad paalis. Kasabay ng pag-alis niya, unti-unti na namang tumunog ang speaker. Mag sisimula na ulit ang concert.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomancePUERTO DEL SOL SERIES 5. "I'd willingly let everything else slip through my fingers, but I refuse to lose you. I've already lived through the hell of losing you once. I won't survive it a second time..."
