She's staring at me darkly, oh how I love her pupils when it becomes delicates like this. Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa init na nararamdaman ngayon, hindi ko alam kung sa lagnat ko lang ba or may iba pa.
All I want now is to kiss her and feel her soft lips on mine, damn those lips for making me feel this. Hindi na ako makapag isip at ako na mismo ang humila sa batok nito upang maglapat ang mga labi naming dalawa, naramdaman ko ang pagkatigil nito.
Wala na akong pakealam sa mangyayari kinabukasan.
Ilang minuto pang magkadikit lang ang labi naming dalawa at tanging naririnig ko lang ay ang bawat bugso ng malalakas na tibok ng puso ko, napapikit ako nang maramdaman ko ang pagkalas ng labi nito saakin.
"Sleep" sobrang lamig ng boses nito kasing lamig ng panahon ngayon.
My heart shattered into pieces, she rejected me. How can I forget that she's straight and have a boyfriend, gusto kong sampalin ng paulit ulit ang sarili ko, hampasin ng paulit ulit itong puso ko dahil sa nararamdamang kirot. Ngunit ano bang karapatan ko? Hindi ko na alam kung anong mukha ang maihaharap oo sakaniya sa mga susunod na araw.
*
Days passed and I'm feeling better now my fever doesn't last for a day, but the pain on my heart isn't. She's avoiding me, kahit sulyap ay hindi nito magawa pati ang pag-utos nito dito sa bahay ay kay ate Selma o'di kaya sa bagong kasama dito sa bahay siya nag-uutos.
Aware naman akong mangyayari ito, pero hindi ko alam na ganito kasakit. It's my fault anyway and I have no one to blame but my own stupidity , I cross the line.
Kauuwi ko lang galing University at huling araw ng exam namin ngayon kaya pwede kaming umuwi na, nagtaka ako dahil pagkarating ko sa bahay nila Doc ay busy'ng busy si ate Selma kasama ang isa naming bagong kasama dito.
"Anong mayroon Ate?" tanong ko nang makalapit saakin si ate Selma.
"Oh andiyan ka na pala, hinahanap ka ni Madam pumunta ka muna sakanya" nakangiting pahayag niya.
Agad naman akong kinabahan, ngayon lang ako pinatawag ni Madam. Anong kailangan niya saakin? Isinantabi ko muna ang aking mga gamit bago dumiretso sa loob ng bahay nila dahil nasa sala raw ito ngayon.
"Zari, wala ka na bang pasok?" magaan ang awra ni Madam ngayon at halatang nasa mood.
Mabait naman ito kahit papaano, ayon lang may pagka-masungit talaga ang mukha nito ngunit siguro ay defense mechanism niya lang iyon. Noong nalaman niyang ako ang umaasikaso palagi kay Rahim ay gumaan ang pakikitungo nito saakin.
"Opo, Madam. Pinapatawag niyo raw ho ako?" tanong ko.
Ngumiti ito ng tipid saka tumango, mukha namang hindi ito galit kaya agad na nawala ang nararamdaman kong kaba.
"Oo aalis kasi ako ngayon kasama si Rahim, hanggang linggo kami doon at gusto niyang sumama ka. May pasok ka ba bukas?"
Agad akong natigilan at napatingin kay Rahim na nakangiti saakin, saan naman sila pupunta?
"Wala naman po, Ma'am" tumango ito.
"Come with us, mag ready ka ng mga gamit mo hanggang linggo tayo sa Baguio. Sige na"
Gaya ng sabi nito ay nag dala lang ako ng pang tatlong araw kong, siguro mabuti narin ito para hindi kami nag kikita at makalimutan ko narin ang nararamdaman kong ito para sakaniya.
Hanggang ngayon ay mabigat parin ang dibdib ko sa pinaghalong lungkot at pag-kamiss sakaniya, sana pala hindi ko nalang ito hinalikan ng gabing iyon. Edi sana ayos parin ang pakikitungo niya saakin, pakiramdam ko ay nabastos ko siya. Hinalikan ko siya ng walang pasabi, pagkahalong saya at lungkot.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 5. "My love for you is so beautiful to be a secret, this feeling is too good to be true to be hidden. I wanna show you how much I adore you, I wanna make you feel how much you mean the world to me.. You're my Illicit love that I...