Kabanata 9

14 0 0
                                    

Friday ngayon at nandito ako sa study room kasama si Rahim, tinawag niya ako kanina nang malaman niyang nakauwi na ako galing school.

May assignment pala itong hindi pa niya nagagawa, nalaman kong humingi ito ng tulong sa kaniyang Ate ngunit hindi raw siya nito pinansin. Tignan mong babaeng iyon, anlakas akong tulongan pero sarili niyang kapatid hindi niya matulongan.

"You're so smart talaga ate Zari" papuri ni Rahim saakin habang namamanghang nakatingin sa booklet nitong sinagutan namin pareho.

"Ikaw din naman, kayang kaya mo ngang computin iyan"

He just smiled at me and just shrugged his shoulders, "I wish you were my sister" malungkot na saad nito habang nakatingin sa librong hawak niya.

Nakaramdam naman ako ng lungkot, he's still a kid who's fond of her parents and siblings care and presence. I can feel it by his expressions and actions, I put my hands on his shoulders and caress it gently.

"I'm your Ate naman talaga ah?" pagpapagaan ko ng loob nito.

Naramdaman ko ang pagdantay ng ulo nito sa dibdib ko, "They are all busy when it comes to me, am I hard to love Ate?" ako ang nasasaktan sakaniya.

"No, you're lovable. Mybe they are just busy of their work, they doing it for your future Rahim. If the times come you'll understand it"

Hindi ko alam kung napapagaan ko ba ang loob nito o naiintidahan niya ang sinasabi ko, but knowing him. He's bright kid, he will understand it easy.

"I understand, but sometimes I can't stop thinking those things Ate" niyakap ko nalang ito at hindi na nagsalita.

Ilang saglit pa ay kumalas na ako sa yakap dahil may naisip ako, wala naman ang parents niya dahil sa Martes pa ang dating ng mga ito. Habang ang Ate niya ay wala dahil magaang umalis kanina.

"You want to eat ice cream while watching a movie?" masayang aya ko sakaniya.

Agad na lumiwanag ang mukha nito dahil doon, tumango ito at masayang pumayag. Kaya ngayon ay kumuha ako ng dalawang galon ng ice cream, ang isa ay chocolate na para sakaniya habang ang saakin ay matcha.

"This is my favorite movie Ate, let's watch it again" may plinay itong disney, the name of the movie is Encanto.

Gumaan naman ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Rahim, mas gusto kong nakikita itong ganiyan kaysa sa kaninang paiyak na.

I'm treating him as my own brother, despite the differences of our life. That's why I feel hurt while thinking that his thoughts are like that, he's still young to feel those things.

Gabi na nang matapos ang pinapanood namin, nakatulog na ito kaya hindi na ako nag abala pang gisingin ito dahil sa himbing ng pagkaka tulog niya, napalingon ako nang may marinig akong mga boses sa labas ng study room. Hindi pamilyar saakin ang ibang boses kaya agad akong nakaramdam ng kaba, pero hindi naman nagpapapasok ng kung sino sino lang ang guard nila dito.

Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto ng study room at tumambad doon ang mga mukha nila Ma'am Driana kasama ang dalawa niyang kaibigan, may kasama silang apat pang kataong hindi pamilyar saakin.

"Oh hi, Zari!" bati saakin ni ate Helena.

Tumango lang ako dito bago binalingan si Ma'am Driana, kumunot ang noo ko nang mapansin ang lalaking katabi nitong nakahawak sa baywang nito. Nakaramdam ako ng kung anong sakit sa aking dibdib, agad akong umiwas ng tingin sakanila.

"We'll use this room, just wake up Rahim" iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod na kasama ang lalaking katabi nito kaya sumunod narin ang iba pa nilang kasama.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now