Kabanata 28

15 1 0
                                    

"Pasensiya na ho kayo, Ma'am ito lang po ang mai-ooffer naming matutuluyan ninyo"

Nakarating na kami ngayon sa kanilang hindi kalakihang barangay hall, nakakatuwa nga kaninang pagkarating namin ay may nakahandang mga pagkain para saamin. Sobrang welcoming ng mga tao dito, at halata mo sakanilang masayang masaya sila sa presensiya naming lahat.

"Ayos lang po ito, ang mahalaga ay may matutulugan" nakangiting sagot ko sa kausap.

Kausap ko ngayon si Kapitan Alas, siya ang umasikaso saamin kanina at ngayon ay sinamahan niya kami papunta sa bahay na tutuluyan namin. Ang ibang team ko ay nasa isang bahay rin kaso hindi kami kasiya kaya ngayon ay nandito kami sa bahay nila Kapitan Alas, katabi lang naman ng bahay na tinuluyan ng iba naming kasama.

Ang masama ay kasama ko ngayon ang mga doctors ng team namin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako oh hindi.

"Tara Ma'am pasok muna tayo"

Sumunod na kami papasok ng kanilang pinto, malaki ang bahay nila Kapitan at halatang hindi basta basta dahil narin sa disenyo nito. Ang sabi nito ay tatlo lang silang nakatira sa bahay na ito, ang kaniyang asawa at nag iisang babaeng anak na senior high palang.

"Pa!"

Sabay sabay kaming napatingin sa sumigaw, halatang natigilan ito nang mapansin niya kami dahil nahihiyang napaatras ito.

Napangiti naman ako dahil sa kacute'an nito, nakikita ko sakaniya ang ugali ko noong mga panahong ganiyan ang edad ko.

"Magandang gabi, Mrs. Salazar" magalang na bati ko sa asawa ng kapitang may magaang ngiti ngayon habang nakatanaw saamin.

"Magandang gabi rin ho, halina't maupo muna kayo"

Anim kaming nandito ngayon, si Helena at Wandang magkatabi kasama si Patricia at Naia ewan ko ba bakit kasama iyang si Naia. Nagulat nalang ako kaninang kasama ito ni Patricia.

Napatingin ako sa huling taong katabi nila ngunit agad ring pinamulahan ng pisngi nang magtama ang mga mata namin, hindi parin mawala saakin ang nangyari kanina. Ramdam na ramdam ko parin ang mga maiinit na hawak nito sa aking baywang, napanguso nalang ako at inayos ang aking pagkakaupo nang mapansing palabas na ang mag asawang Salazar mula sa kanilang kusina. May hawak silang tray ng juice at kung anong pagkaing nasa plato.

"Mag meryenda muna kayo" alok ni Kapitan Alas.

"Thank you, Kapitan" pasalamat ni Helena dito na ikinangiti lang ni Kapitan.

Inabutan ako ng juice ni Mrs. Salazar at tumabi saakin, she's staring at me that made me feel uneasy.

"Ngayon palang ay magpapasalamat na ako saiyo, Eng. Bautista" sinserong sabi nito, may kislap pa ang kaniyang mga mata.

Tila may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa aking dibdib, sobrang magaan ang loob ko sa mga ganito bagay. Ibinaba ko ang hawak kong baso ng juice bago tumango dito.

"I'll help as song as I can, helping people is one of my dream" magaan kong sagot.

"Napakasaya namin nang malamang may mag Memedical Mission dito sa aming isla, simula pagkabata ko'y kahit isang Medical Mission ay wala kaming naranasan"

Nakaramdam ako ng lungkot. May mga tao parin talagang kahit anong yaman na ay hindi magawang tumulong sa ibang tao, I pity those people. They can't even take their wealth into their graves.

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ko, "I'm also one of those people who are incapable of such things before, so I'm just returning it" makahulugan kong sagot.

"Tatlo nalang ang libreng kwarto namin dito, ayos lang ba sainyong magkakasama?"

Napangisi naman ako, malamang ayos na ayos sa apat iyan. Ngunit agad ring nawala ang mga ngiti ko nang mapagtanto ang tinuran ng ginang, ibig sabihin?

Illicit LoveWhere stories live. Discover now