I looked down at the envelope Solanna gave me yesterday, a sad smile tugging at the corners of my mouth. Tonight was her engagement party, yet it was also the night of my flight to Thailand with Beatrice. Our schedule was tight. Immediately following the hearing, we would rush home to finalize our packing and then proceed directly to the airport to catch our flight.
"Ready?" nakangiting tanong ko kay Beatrice.
Nasa harap si Jewel habang pinagdri-drive niya kami. Kasama namin siya ngayon, maiiwan siya dito sa Pilipinas para asikasuhin lahat ng trabaho ko para isunod sa Thailand. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili doon. Bukod sa gusto kong samahan si Beatrice sa pagbubuntis niya, gusto ko rin makapag-isip at makalimot doon. Kung kaya ko ba talagang makalimot. Hindi ko rin alam.
"I've never truly felt ready for anything in my entire life—not until today," she said, a tender smile gracing her lips as she looked down at her growing belly. "For her... I am ready."
"Her? Four weeks pa nga lang siya sa tiyan mo, alam mo na kung anong gender?" nakangising biro ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Kahit si Jewel na busy magdrive ay natawa rin. Totoo naman kasi. Hindi pa namin alam kung babae ba o lalaki 'yong pinagbubuntis niya, pero siya alam na agad. Ganoon ba talaga pag naging nanay ka?
"Mas marunong ka pa sakin, Zariah. Bakit, ikaw ba ang buntis?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Hindi, pero—"
"Hindi naman pala, e. Basta nararamdaman ko babae siya..." Ngumiti na ulit siya kaya napangiwi na lang ako.
Noong nakaraang araw pa siya paiba-iba ng mood. Minsan umiiyak siya sa maliit lang na bagay, minsan naman sa sobrang saya niya naiiyak pa rin siya. Palagi rin siyang sumusuka tuwing umaga. Tulad kanina bago kami byumahe papunta ng hearing nagsuka ulit siya. Hindi ko maiwasang matakot at mag-alala dahil ngayon ko pa lang naman mararanasan na mag-alaga ng buntis, pero sabi naman ng doctor niya kahapon normal lang daw ang morning sickness niya.
Pinaalalahanan din ako ng doctor na mag-iingat palagi sa sasabihin o mga mangyayari dahil masyadong sensitive ang pinagbubuntis niya. Kaya hindi ko maiwasang mag-alala para sa mangyayaring hearing.
"I got your back, Beatrice. You don't need to be scared, okay? I am just here," nakangiting sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng courthall.
"I know, thank you, Zariah. I can do this. For my baby... For your godchild."
Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Tahimik kaming naglakad papunta kung saan ang upuan ni Beatrice. Nadaanan pa namin si Niro na masama ang tingin sakin, pero hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. Ayaw ko siyang patulan dahil baka magkagulo at hindi pa matapos ang hearing na 'to.
Nagtaka ako nang biglang huminto sa paglalakad si Beatrice. Nagtataka ko siyang nilapitan, pero agad ring natigilan nang makita ang Mommy niyang seryosong nakatingin sa kanya. Kasama niya ang asawa at step-sister ni Beatrice.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nakikipaghiwalay kay Niro? Hindi ba, napag-usapan na natin ang bagay na 'to? Ano na namang kadrahaman 'to, Beatrice?" malamig na sabi ni Tita Venine kay Beatrice.
"M-Mom..."
"No. Stop this now, Beatrice. Tigilan mo kung ano man ang binabalak mo."
Gusto kong sumagot, pero nanatili akong tahimik sa tabi ni Beatrice. Wala akong karapatan para sumagot sa usapan nilang mag-ina. Hinawakan ko ang braso ni Beatrice para alalayan siya. Alam kong kalmado at mahinahong tao si Beatrice, pero iba ang sitwasyon ngayon. Buntis siya at hindi maganda sa kalagayan niya ang mastress ng sobra.
YOU ARE READING
Illicit Love
RomantizmLA FUERTE SERIES 1. "I'd willingly let everything else slip through my fingers, but I refuse to lose you. I've already lived through the hell of losing you once. I won't survive it a second time..."
