Chapter 39: Downfall

180 13 3
                                    

Chapter 39: Downfall

ISANG linggo na ang nakararaan magmula ng pumunta sina Callus at Cadmus sa Heinrich Duchy. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ng dalawang prinsipe at pagpaplano kasama ang mga knights at si Carson ay muling nagsimula sa pag-eensayo si Selene. Tuwing umaga o kaya hapon ay madalas na si Apollo ang kasama niya sa sword fighting. Kahit abala ito sa mga pagpupulong at sariling trabaho ay gusto rin nito na personal na tutukan ang kaniyang pagsasanay.

Maganda naman ang gamit niyang espada. Ngunit sa tuwing napapatingin siya sa espada na hawak ni Apollo ay hindi niya mapigilan ang sarili na umasam na sana ay magamit din niya ito balang araw. Sa tuwing nagkakaroon naman siya ng pagkakataon para malapitan ito ay nagdadalawang isip naman siya na hawakan ito.

Mula sa malalim na pag-iisip ay napakurap na lang si Selene nang biglang tumilapon ang hawak niyang espada.

Apollo let out a deep breath as he shook his head. “This is enough for now. It seems that youʼre not focused enough and lost in deep thoughts. If you continue being like that on the battlefield, youʼll be killed in an instant.”

Selene rolled her eyes. “But of course you wouldnʼt let that happen. And most importantly, I wouldnʼt let myself be killed in a battle.”

Dumaan ang ilang segundo ng nakabibinging katahimikan. Kinagat na lang ni Selene ang ibabang labi nang mapansin na seryoso pa rin ang ekspresyon ni Apollo. Sa pagkakataong ʼyon ay itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa kanilang argumento.

“Fine. Iʼm sorry. Iʼll be more focused for now.” Akmang kukunin niya ang tumilapon na espada nang muling nagsalita si Apollo.

“No. You have been training non-stop this whole week. So you better get some early rest for today, or youʼll get exhausted.”

Napanguso na lang si Selene at hinayaan si Levi na kunin ang kaniyang espada sa utos na rin ni Apollo.

Pagkapasok nila sa loob ng mansyon ay sakto naman silang sinalubong ng head butler na si Emil. Agad itong tumungo at bumati bago mayroong iniabot na kulay puting sobre kay Apollo. Selene frowned when she saw the royal crest on the seal.

“A letter from the second prince has arrived for you, Your Grace,” Emil informed.

Seleneʼs eyes widened. It seems that Callus has already made a move.

“Thank you, Emil. You can go back now.”

Pagkaalis ng butler ay dumiretso na sila sa opisina ni Apollo upang basahin ang nilalaman ng naturang sulat. Nakabantay naman sa labas sina Levi at Finn.

Halos pigil ni Selene ang hininga nang mapansin ang pagkunot ng noo ni Apollo habang nagbabasa.

“What is it? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong.

Napailing naman ito. “No. Rather, it seems to be good news.” Ibinaba nito ang hawak na papel bago sinalubong ang kaniyang nagtatanong na mga mata. “You rest for now, then get ready later. Mayroon tayong pupuntahan mamayang gabi.”

PAGKABABA sa karwahe ay agad na inilibot ni Selene ang tingin sa paligid. Alas-otso na ng gabi at tanging ang mga ilaw na nagmumula lamang sa mga poste ang nagsisilbi nilang liwanag sa lugar na ʼyon.

“What is this place?” takang tanong niya nang magsimula na silang maglakad. Kasunod naman nila sina Levi at Finn.

Napapalibutan kasi ang lugar na ʼyon ng mga nagtataasang puno. Habang sa kanilang harap naman ay mayroong nag-aabang na mataas na hagdan na hindi niya alam kung saan ba patungo.

“Youʼll see once we get up there,” makahulugang sagot ni Apollo bago nito hinawakan ang kaniyang kamay.

It was an isolated place. Kaya hindi na rin nakapagtataka na sa lugar na ʼyon pinili makipagkita ng ikalawang prinsipe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon