Simula

607 40 4
                                        

Content Warning: This chapter contains scenes of gun violence, death, and family-related trauma. Reader discretion is advised.

Nagmahal ka na ba ng isang tao na alam mong ipinagbabawal sa'yo?

Sa dilim ng gabi, binalot ng sigaw ang katahimikan ng aming mansyon.

"Matteo, huwag!" Halos mabingi na ako sa sarili kong paghagulhol habang pilit kong kinakalma si Dad. Nakatutok ang baril niya sa taong mahal ko-si Matteo. Ang lalaking ipinagbabawal ng pamilya ko na mahalin ko, na makasama ko, kahit saglit lang.

"Seah! Ilang beses na kitang binalaan! Ang pamilyang 'yan ay kaaway natin!" Halos pumutok ang ugat sa leeg ni Dad, nanginginig ang boses niya sa galit. Pero alam kong may halong sakit iyon. Mahal ako ni Dad, pero alam kong hindi niya matatanggap si Matteo-hindi kailanman.

"Dad, mahal ko siya," umiiyak kong sabi habang pilit kong nilulunok ang takot. "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pero huwag mo siyang patayin. Hindi ko kakayanin, Dad. Please..."

Tinitigan niya ako, pero sa halip na maawa, nanatiling malamig ang boses niya. "Kung talagang mahal mo siya, aalis ka. Bukas ng umaga, aalis ka ng bansa. Bumalik ka sa Amerika. Iwanan mo siya. Iyon lang ang paraan para mabuhay siya."

Napatigil ako. Parang may kung anong pumutok sa dibdib ko. Hindi ko alam ang isasagot. Pero bago pa ako makapagsalita, isang malakas na putok ang bumasag sa katahimikan.

"Matteo!" Sigaw ko habang nakikita ang pagbagsak niya. Ang katawan niyang bumagsak sa lupa, parang pinatay din ang puso ko sa mismong sandaling iyon.

Hindi ako makahinga. Tila tumigil ang oras. Lahat ng pangarap ko-kasama siya, lahat ng plano ko para sa amin-natunaw, nawala. Pumatay si Dad, pero kasabay ng pagputok ng baril niya, namatay din ang kaluluwa ko.

Makaraan ang dalawang taon, nagising ako sa ospital, walang kahit anong maalala tungkol sa nakaraan. Wala akong ideya kung sino ako o kung saan ako nanggaling. Parang blangko ang lahat.

Pero kahit wala akong alaala, may kung anong madilim sa likod ng kawalang ito. Para bang may isang bagay na pilit gumagapang pabalik sa isip ko. Ang mga bangungot ko, ang mga sigaw na naririnig ko sa tuwing napapapikit ako... parang may gustong ituro sa akin.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ko si Travis.

Kabilang siya sa grupo ng mga taong dumukot sa akin. Pero sa halip na saktan ako, siya pa ang tumulong sa'kin makatakas.

"Why are you helping me?" tanong ko sa kanya, naguguluhan pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, may tiwala akong nararamdaman para sa kanya.

"Ayaw kong mapahamak ka," sagot niya, seryoso ang tono ng boses niya. "I may not know everything about your past, pero I can't let them hurt you."

Sa tingin niya, may kung anong lihim na hindi ko maipaliwanag. Pero sa bawat segundo na kasama ko siya, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na hindi ko kayang balewalain. At sa mga sandaling iyon, para bang may bagong kabanata sa buhay ko na unti-unting nagsisimula.

Dangerous Love Where stories live. Discover now