Chapter 59

62 15 1
                                        

Kinabukasan, Nagising ako dahil sa narinig kong pag uusap ng mga tao sa labas ng bahay. Kaya agad akong bumangon at sumilip sa bintana para tingnan kung ano ang nangyayari.

“Pano nalaman ng mga tauhan ng Del Frado kung nasaan kami?! Hindi nila malalaman kung walang nagsalita o baka nasundan naman kayo?!” sigaw ni Travis sa mga tauhan niya.

"Boss nagkalat sa syudad ang mga tauhan ng Del Frado para hanapin si Ms. Altravo.” sambit ng isa sa mga tauhan niya.

“Tumawag ka sa office at mag request ng ilang mga tao para i secure ninyo ang buong Paradise cove na walang ibang makakapasok. Kung kinakailangan isara muna,gawin nyo!"  Utos ni Travis.

Umalis ako sa bintana at nag disisyon na bumaba at pumunta sa kanila.

—————

“Travis?!, What's happening?” i gently asked.

Nabigla siya at humarap sa akin na may seryosong expression.

“We're just having a talk, Seah.”

“ Can i talk to you alone?” — sambit ko sa kanya. Kaya sinenyasan niya ang mga tauhan niya at agad naman lumayo ang mga ito.

Pag kaalis ng mga tauhan niya ay hinila ko siya papunta sa gilid ng bahay.

“Travis, Hanggang kelan ako mag tatago?” tanong ko sa kanya ng walang pag dadalawang isip.

“Why are you asking that?” he said, in a cold voice.

“I need your answer Travis!No more questions.” i said.

“Kapag nakarating na ang mga tauhan ko, babalik tayo ng syudad.” sambit niya.

“Travis! alam ko na lahat naalala ko na lahat! Alam ko na kung bakit ako nandito kung anong nangyari sa past ko! May kinalaman ang mga Del frado sa nangyayari ngayun. Si Matteo? Sh*t  Namatay siya ng dahil sa akin Travis, Bumalik na tayo sa syudad please kailangan kong ayusin lahat ng ito binabagabag ako ng konsensya ko Travis!” naluluha kung pag tatapat sa kanya.

“Seah, Calm down, Leave everything to me!” He replied, niyakap niya ako dahil sa hindi ko na napigilan ang pag buhos ng mga luha ko.

“Travis, please tell me everything! Naguguluhan na ako.” pag mamakaawa ko sa kanya.

“Seah, hindi ganon kadali sabihin lahat, saka na kapag okay na kapag maayos na ang lahat."

“Fvck! Kailan pa yun?” sigaw ko sa kanya at saka bumitaw sa pag kakayapos niya sa akin.

“Boss! Pupunta na sila!” sigaw ng isang tauhan niya na papalapit sa amin.

“Sinong sila?” tanong ko kay Travis habang tinitingnan ko sya sa kanyang mga mata.

“Mga tauhan ko dala ang mga gamit na kakailanganin natin!”

“Gusto kong ma contact sila dad!” tuwiran ko.

“ Don't worry Seah, Alam ng Dad mo na nasa akin ka.” kompyansa niyang sagot.

“What? What do you mean?” i asked. Nalilito sa mga nangyayari.

“Plano namin ng Dad mo ang lahat ng ito para mapanatili kang ligtas. All i need is your cooperation, so please stay with me and trust me ako nang bahala sa lahat!”

Paliwag niya halos wala akong masagot dahil sa nalaman ko.All this time alam niya pala ang lahat pero he'd never mentioned about this! Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o mag papasalamat kasi niligtas nya ako ng ilang beses.

“Why didn't you tell me about this?” i asked, Habang hindi ko parin alam kung ano ang emosyon ang nararamdaman ko.

“Dahil ayaw ko na hilahin ka muli ng masamang nakaraan mo!” mabilis niyang sagot.

Halos wala akong kibo dahil sa aking mga narinig hindi ako makapaniwala na ganun na may sabwatan sila ni Dad sa lahat ng ito.

“Kung nag aalala ka sa pamilya mo, Don't worry they know that you're with me.” he said.

Natahimik ako at napaupo sa buhangin dahil hindi padin nag sisink in sa akin ang lahat ng mga sinabi niya. Oo gusto ko malaman ang lahat pero bakit may kung anong kirot ang naramdaman ko ng marinig ko ang mga sinabi niya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan ako makatayo. Niyakap niya ako. “ Don't worry about anything, I'll protect you. I won't let them to hurt you" bulong niya sa akin saka hinalikan ang aking noo.

“Travis, Kailan ba matatapos ito? Pagod na ako tumakbo at mag tago sa kanila.” naluluha kung sabi.

“Shhh, Don't cry baby, Everything will be alright.” sambit niya.

“W-what did you call me Baby?” gulat kong tanong sa kanya.

“ Yes, What's wrong about that? You flustered Seah!" he said while teasing me.

“Nakuha mo pang magbiro!” sambit ko sabay hampas sa kanya.

“Shhh, Tara na sa loob mag breakfast na tayo!” aya niya sa akin.

He held me on my waist na ikinabigla ko naman. “ Travis! Your hand placement is pretty nice huh!"

“Yeah, I like it, wifey!" sambit niya saka ako Nginitian.

“Anong wifey ka diyan! kung sampalin kaya kita?” nakataas kilay kong sabi sa kanya.

“Chill Seah, I just remembered that you said last time that i am your territory.” he said at tumawa ng may pang aasar.

“Huy! Travis!” sabay tingin ko sa kanya ng masama.

“Mag almusal na tayo baka mapikon ka pa mahirap na.” he said in his playful voice.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, hindi ko rin maintindihan itong lalaking ito kahit na nasa panganib kami nagagawa padin akong landiin. Hayst!

—————

Nang matapos kaming mag breakfast ay may narinig akong tunog ng bangka na papalapit.

“Travis! Nasundan yata tayo ng kaaway!" pag aalala kong sabi sa kanya.

“Relax, Mga tauhan ko sila Seah.” kalmado niyang sagot saka tinitigan ako sa mata.

“So pupunta na tayo ng syudad para harapin ang panganib?” tanong ko sa kanya.

“Tomorrow, Seah.” he gently said.

Tumayo siya sa pag kakaupo niya at dumiretso sa labas ng bahay para harapin ang mga padating na tauhan niya. Hindi ko alam kung ano ba talagang trabaho niya kasi sobrang dami niyang tauhan feel ko napaka mysterious ng lalaking ito.

——————

“Ready na ba lahat?” rinig kung tanong niya sa mga dumating.

“Everything is ready Boss.” sambit ng isang lalaki na may bitbit na malaking baril sa kanyang balikat.

“Status sa syudad? Bukas din ay tatapusin natin ang problemang ito.” dagdag ni Travis.

“Boss, Mainit ang pangalan ni Ms. Altravo,Nagkalat din ang nga tauhan ng mga Del Frado.”

“Mag pakalat din kayo ng tauhan kung kinakailangan na damihan ay gawin ninyo!” Sambit ni Travis ng may diin sa kanyang boses.

Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang sarili ko. Muling nanumbalik ang mga alaala ng nakaraan sa akin. Gusto akong makuha ng mga Del frado para makaganti sa pagkawala ni Matteo. Hindi ko alam ang kakahantungan ng mangyayari bukas. Natatakot ako sa posibleng masamang mangyari, lalo na kay Travis walang ibang inisip kundi ang kaligtasan ko. Ayaw kong may mapahamak ulit ng dahil sa akin. Tama na ang nangyari kay Matteo ayaw ko na madagdagan muli iyon.

Dangerous Love Where stories live. Discover now