Chapter 16

70 20 1
                                        

Nagtataka pa rin ako kung paano nalaman ni Frea na nag kita kami ni matteo. Ang buong akala ko kasama niya si Irene at Raizen mula nung nag paalam ako.

"Frea! Pano mo naman nasabing nag kita kami ni Matteo?"i asked. My voice filled of curiosity.

"Huy, Nag bibiro lang ako! Bakit ka namumula? Totoo ba na nag kita kayo?" tanong niya sa akin na para bang nag iimbistiga.

"H-Hindi ah! Bakit naman kami magkikita?" Protesta ko, habang pinipilit na huwag mahalata ang kaba ko. Ngunit hindi ko mapigilan ang pagiinit ng aking pisngi.

"Seah, ang lakas mong mag-deny, eh halata naman!" asar ni Frea, sabay tawa. "Kailan kapa natutong magsinungaling sa akin?"

"Grabe ka, Frea! Hindi nga kami nagkita," sabi ko ulit, pilit na umiiwas sa usapan.

"Eh bakit ganyan ka mag-react? Tara na nga, baka lalo ka pang mahalata kung magpapatuloy pa ang usapan natin." saad ni Frea habang hinihila ako papunta sa upuan namin.

Kahit na pilit kong itinatago ang totoo, hindi ko rin maiwasang mapaisip. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Matteo? May kakaiba ba talaga, o nagkakataon lang? Sa mga oras na iyon, sinubukan kong kalmahin ang sarili at mag-focus sa pinaguusapan ng mga kaibigan ko.

Sumali na rin sina Irene at Raizen sa usapan. "So, Seah, ready ka na ba para sa themed night? May isusuot ka na ba?" tanong ni Irene, na halatang excited.

"Wala pa nga, eh." sagot ko, kunwaring walang iniisip na iba.

"Don't worry! Hindi ka nagiisa." saad niya,at bahagyang ngumisi.

Napangiti naman ako at pilit na iniiba ang usapan, pero may parte sa akin na umaasa na baka nga may mangyaring espesyal bago ang gabi ng party. Umaasa.

----

Vacant time namin ngayun at Bigla tumunog ang phone ko. At nakita kung nag chat si Matteo sa akin. Saan naman kaya niya nalaman ang account ko?

"Seah, pwede ba tayong mag-usap saglit? Nasa may courtyard ako."

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Dapat ba akong pumunta? Pangatlong beses na niya ako pinapapunta kung saan saan.

Ano kayang sasabihin ni niya at bakit gusto niya akong makausap nang ganito kaseryoso?

Nag paalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta lang ako ng comfort room.  Para hindi sila sumama.

"Punta lang ako sa cr, intayin nyo ako ha!" Paalam ko sa kanila, Bago ko sila tuluyang talikuran. Naglakad naman ako patungo sa may courtyard.

Habang papalapit ako, pakiramdam ko'y mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Matteo na nakatayo sa ilalim ng isang puno, tila may iniisip din. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-relaxed pero sa parehong oras, seryoso ang itsura niya. Nang makita niya ako, ngumiti siya ng bahagya at tinawag ako.

"Seah, buti nakapunta ka." sabi niya nang mas malapit na ako. "Let's talk."

"Uh, tungkol saan?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng hangin sa paligid namin. "Wala ba kayong klase. Gala ka ng gala." i quickly added.

"I want you yo be my partner." diretso niyang tanong, hindi na paliguy-ligoy pa.  "Kaya kapag may nagakit sa'yo,pwede tanggihan mo?" saad niya na para bang pag mamay ari na niya ako.

Nabigla ako. Hindi ko inaasahan na ito ang pag-uusapan namin. Nagulat ako at agad na namula ang pisngi ko.

"Huy! Hindi mo naman ako pag-aari!" sagot ko, halos hindi makatingin nang diretso sa kanya.

"I don't care! All i want is to be your partner for that night." Matigas na may halong lambing niyang saad saka siya ngumiti.

Biglang sumikip ang dibdib ko, at halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Si Matteo-ang nais maging partner ng halos lahat nang babae dito sa campus,ako ang gusto niyang maka partner sa party? Is this really happening? Or im in my dream again?

"Ah, Matteo, bakit ako?" tanong ko, pilit na inuunawa ang sitwasyon.

"Why not?" tanong niya pabalik, ngayon mas malalim ang boses. "Gusto kita. Hindi mo ba gusto na magkaroon tayo ng chance para doon?"

"G-gusto mo ako?" Nauutal kong tanong.

"Gusto kita maging partner sa ball." Saad naman niya.

Ouchii why i felt a bit of disappointment?

Parang natunaw ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita agad, at bigla kong naalala ang lahat ng mga oras na sinubukan ko siyang iwasan.

Napalunok ako at nang makabawi ng kaunti,bago nakapagsalita.

"Ahm,o-okay!"

Ngumiti siya, at sa ngiti niyang iyon, tila nawala lahat ng alanganin ko. Hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat ng ito, pero sa oras na iyon, alam kong may kakaibang bagay na nangyayari sa pagitan namin. Assuming.

Pagkatapos ng aming pag-uusap, iniwan ko si Matteo at naglakad na ako pabalik sa classroom. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Nang maklapit na ako sa pintuan ng room namin ay,agad din akong naglakad papasok sa loob.

Bago pa man ako makaupo, agad akong sinalubong nina Frea, Irene, at Raizen.

"Hoy, Seah! Ang tagal mo naman mag Cr?" tanong ni Frea habang tinutukan ako ng tingin.

"Ha? Ehh kasi nga..May nag c-cr din kaya naghintay ako." palusot ko, kahit alam kong hindi nila yun basta-basta papaniwalaan.

"Naghintay? Maraming cubicle beh!" saad bigla ni Irene, habang si Rai naman ay tumingin sa akin na para bang inaabangan ang isasagot ko.

"Ay basta!" mabilis kong sagot, pilit na itinatago ang kaba.

"Seah, huwag mo kaming gawing tanga. May something talaga sayo," pang-aasar ni Frea, sabay ngisi.

"Lalo na kanina, parang ang lawak ng ngiti mo." saad ni Irene,bago tumawa. "Sige na, spill the tea! Ano ba talaga nangyari?"

Napabuntong-hininga ako. Wala nang takas sa tanong nila. "Fine! Matteo asked me if pwede daw ba na maging partner niya ako sa ball." Napaamin na ako, pero hininaan ko ang boses para hindi marinig ng iba.

Napatingin silang lahat sa akin, parang hindi makapaniwala sa narinig.

"WHAT?! Si Matteo? Siya ang nagtanong?" halos sabay-sabay nilang tanong.

Tumango ako. "Sige isigaw nyo pa, bwiset." iritadong saad ko sa kanila.

Sabay-sabay silang kilig na kilig, halos hindi magkamayaw sa kanilang reaksyon.

"Oh my gosh, Seah! Ang swerte mo!" sabi ni Irene. "Alam mo ba kung gaano ka-reserved si Matteo? Kung ako yan, baka hindi na ako makahinga sa kilig!"

"Grabe! Baka naman ito na 'yun!" dagdag pa ni Frea, na parang may ibig ipahiwatig.

"Shut up! Hindi ito biro!" sagot ko, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit ano pang sabihin ko, hindi ko maikakaila na may kakaibang saya akong nararamdaman.

Habang patuloy silang nagkukulitan, ako naman ay natulala. Iniisip ko ang bawat sinabi ni Matteo-paano niya ako tinitigan, kung paano lumalim ang boses niya nang sabihin niyang gusto niya akong makilala. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kalakas ang epekto niya sa akin.

Nang mag-ring ang bell, tanda ng pagtatapos ng klase, agad kaming nag-ayos ng mga gamit. Pero sa likod ng isip ko, hindi mawala-wala ang tanong. Bakit ako? Bakit ako ang napili ni Matteo?

Dangerous Love Where stories live. Discover now