Inayos ko na ang mga natitirang gamit ko at inilagay ito sa aking bag. Maraming naganap ngayong araw-halos hindi ako makapaniwala. Sa dinami-rami ng mga babaeng gustong maging partner niya dito sa campus, bakit ako pa? Bakit ako ang napili niya? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga nagkakandarapa na maging partner niya? Ayoko pa naman ng gulo.
"Hayst, ano ba itong iniisip ko? Puro negative." Napailing nalang ako at pilit pinapakalma ang aking sarili. Baka naman hindi ko dapat isipin iyon. Baka nga totoo lang na gusto niya akong makilala at wala siyang ibang intensyon. Pero hindi ko rin mapigilang mag-alala. Sigurado ako, hindi magiging madali ang sitwasyon kapag nalaman ng iba.
Habang naglalakad palabas ng classroom, naramdaman ko ang bigat ng iniisip ko, pero pinilit ko itong iwasan. Kailangan ko munang maging kalmado at hindi mag-overthink. Kung gusto ko ring maging totoo sa sarili ko, kailangan kong harapin ito ng maayos at walang takot.
Nang makalabas ako ng classroom, ramdam ko ang lamig ng hangin na sumasalubong sa akin, ngunit tila mas malamig ang nararamdaman ko sa loob. Habang naglalakad patungo sa gate, nakita ko si Frea na nag-aabang.
"Seah! Grabe ang tagal mo. Anong nangyari?" tanong ni Frea na agad kong nilapitan.
"Wala, inasikaso ko lang 'yung mga gamit ko." sagot ko, pilit na tinatago ang tunay kong nararamdaman.
"Hmm, parang hindi ako naniniwala. May iba pang dahilan yan," biro ni Frea, sabay tingin sa akin na parang nag-aabang ng kasunod kong sasabihin. "Si Matteo ba?"
Natigilan ako saglit, pilit kong tinago ang kaba na naglalaro sa dibdib ko. "Ano naman ang kinalaman ni Matteo?" sagot ko, sabay iwas ng tingin, pero alam kong hindi siya maniniwala.
"Eh bakit parang wala ka sa sarili mo kanina? Iba ang kinikilos mo, girl," sagot niya, sabay tawa. "O baka naman may nililihim ka na sa akin?"
"H-Hindi ah!" sagot ko, halos nauutal sa kaba. "Wala naman akong tinatago,kung meron man alam ko na kaya mong tukuyin yun."
"Hmm, sige na nga, pero kung ako sa'yo, Seah, relax lang. Kung anuman ang iniisip mo, 'wag mong dibdibin. Tsaka, mukhang mabait naman si Matteo, pero maraming may gusto sa kanya kaya ready mo nalang sarili mo."
Nagulat ako sa sinabi ni Frea. Paano niya nalaman? Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang nabasa niya ang iniisip ko. Tinapik ko siya sa balikat at nagbuntong-hininga. "Sana nga wala nalang."
Pagkatapos ng maikling usapan namin, napagdesisyunan ko nang umuwi. Iniisip ko pa rin kung ano ang dapat kong gawin. Tama si Frea-kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Ngunit sa likod ng aking isip, hindi ko mapigilang isipin kung paano uusad ang lahat.
Pagsakay ko sa sasakyan namin,sinubukan kong ibaling ang aking isip sa ibang bagay, ngunit patuloy pa rin itong bumabalik kay Matteo. Ano nga kaya ang mangyayari kapag nalaman ng iba? Sana lang, hindi ito maging sanhi ng problema, lalo na't malapit na ang party.
Habang nasa byahe ay inabala ko nalang sa pag s-scroll sa Facebook ang sarili ko.
Ilang minuto din ang lumipas nang matanaw ko na ang gate ng bahay namin.
Nang huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay,huminga ako ng malalim,bago bumaba ng sasakyan.
I rushed headed inside the house and as usual my parents are not home again.
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko dahil wala din naman mangyayari kong patuloy akong magrereklamo sa pagiging busy nila.
A few hours passed,i already ate my dinner but they're not here parin. So i decided na magayos na sa pagtulog.
Lumipas ang gabi ng hindi ko manlang sila nakita, super busy din kasi nila at ngayun naintindihan ko naman na kung bakit wala silang oras para sa akin.
----
Nagising ako sa liwanag ng araw na sumisilip sa bintana. Agad akong bumangon, bahagyang namumungay pa ang mga mata, pero naalala kong may klase pa pala ako ngayon-at bukas na ang party. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari, lalo na't kasama si Matteo sa iniisip ko.
Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at sumilip sa orasan. "Naku, baka malate na ako!" bulong ko sa sarili, kaya't kinuha ko na agad ang mga gamit ko at bumaba ng hagdan. Pagdating ko sa kusina, naroon si Manang, naghahanda ng almusal.
"Good morning, Ma'am! Maaga ka yata ngayon," bati ni Manang habang inilalapag ang kape sa mesa.
"Good morning! Manang. Kailangan ko na talagang magmadali!" mabilis kong paalam, sabay talikod at tumakbo palabas ng bahay.
××××××××××××××××××××××
Pagdating sa school, dumiretso agad ako sa classroom. Halos wala pang tao, pero ramdam ko na ang excitement ng lahat. Nadatnan kong nakaupo na sina Frea at Irene sa pwesto namin, busy sa pinaguusapan nila.
"Seah! Finally, andito ka na!" sabi ni Frea, na tila ba hinihintay ako, kanina pa.
"Oo nga, girl! Ready ka na ba bukas?" tanong naman ni Irene, sabay tingin sa akin na parang inaasahan ang sagot.
Napangiti ako, kahit medyo kinakabahan pa rin. "Ewan ko ba. Medyo kabado pa rin ako, pero bahala na. Kayo, ready na ba kayo?"
Nagpalitan kami ng kwento habang hinihintay ang tumunog ang bell, pero sa likod ng isip ko, paulit-ulit pa rin ang mga tanong.
Halos wala ng klase dahil abala ang lahat sa paghahanda para bukas. Ang mga kaklase ko ay hindi na mapakali, kanya-kanyang diskarte sa pag-aayos ng mga last-minute details. Yung iba, busy sa paghahanap ng susuotin o kaya naman ay nag-uusap tungkol sa magiging plano nila sa mismong party.
"Seah, napili mo na ba ang outfit mo?" tanong ni Irene habang nakaupo sa harap ko, abala sa pagtetext.
"Oo, ready na," sagot ko, kahit medyo kinakabahan pa rin sa magiging hitsura ko bukas. Iniisip ko kung sapat na ba ang simpleng gown na napili ko o kailangan kong gawing mas special.
"Basta confident ka, walang problema 'yan. Sigurado akong maganda ka bukas," dagdag ni Frea habang inaayos ang buhok niya. Siya rin ay mukhang excited sa magiging hitsura niya sa party.
Habang nag-uusap kami, biglang dumating si Raizen, dala ang ilang sample ng mga maskara.
"Guys, naisip ko baka pwede tayong mag-matching masks bukas. Themed night naman 'di ba? Mas astig 'yun!" sabi niya, sabay ipakita sa amin ang mga designs.
"Uy, ang ganda nga! Pwede, para may element of mystery tayo," sagot ni Irene, agad na humawak sa isang maskara at sinukat ito.
"Seah, try mo nga 'to," sabi ni Raizen, sabay abot ng isang eleganteng maskara na may gold and black designs.
Kinuha ko iyon at sinukat. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa maliit na salamin na dala ni Frea, napaisip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Matteo bukas. Hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti habang iniisip iyon.
"Sabi ko na nga ba! Pag sinuot mo 'yan, you'll steal the spotlight," biro ni Frea, na nagdala ng tawa sa aming lahat.
Habang pinag-uusapan namin ang final touches para sa gabi ng party, mas lalo akong naging excited. Hindi ko man alam kung anong mangyayari, pero sigurado akong magiging espesyal ang gabing iyon.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
