Chapter 39

59 17 1
                                        

Pagbalik namin sa hotel, agad din kaming naghiwa-hiwalay para bumalik sa aming mga silid at makapagpahinga. Kahit halatang pagod ang lahat,bakas parin sa expresyon nila ang excitement para sa bonfire party mamayang gabi.

××××××××××××××

Pagsapit ng gabi, nagliwanag ang beach sa makukulay na ilaw at masayang musika na bumabalot sa lugar. May mga bonfire na nag-aapoy at mga mesang puno ng pagkain at inumin. Lahat ay nagtipon-tipon, may kanya-kanyang kwentuhan, at ang tawanan ay parang hindi matatapos.

Habang abala kami sa kasiyahan, nilapitan ako ng ilang kaklase namin.

"Seah! It's so good to see you again!" sabi ng isa sa kanila,saka niyakap ako ng mahigpit.

"Yeah, we missed you! Grabe, ang tagal mong nawala. Halos dalawang taon kang parang naging bula!" dagdag pa ng isa, nakangiti ngunit halata ang curiosity sa kanyang mga mata.

Nagpilit akong ngumiti kahit kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang pagkawala ko noon. "I... had to deal with some things," sagot ko nang maingat. "Pero okay na ako ngayon, and I'm really happy to be back with you guys."

Nagbigay sila ng ngiti. "We’re glad you’re here, Seah. Masaya kami na makakasama ka ulit."

Habang tumatagal ang kwentuhan, pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang bigat na dala ko simula ng dumating kami dito.

Ang gabi ay tuloy-tuloy at puno ng tawa, sayawan, at musika. Para akong bumalik sa mga panahong wala pang alalahanin—puro saya lang at simpleng kasiyahan kasama ang mga taong kinasanayan ko noon.

Sa kalagitnaan ng party, nagtipon-tipon kami sa paligid ng bonfire. Hawak ang aming mga baso, naghanda para sa isang toast.

"Woooo,layag para sa muling pagkikita at sa pagbabalik ng ating presidente,Seah Altravo!" saad ni Rai,saka ngumisi.

Napangiti ako, pakiramdam ko ay espesyal talaga ang gabing ito. Sabay-sabay naming tinaas ang aming mga baso habang nagtatawanan at nagsasalo sa kwento ng nakaraan.

"To friendship and unforgettable memories!" sigaw ni Irene, at nag-echo ang hiyaw niya.

Habang tumatagal ang gabi, tila muling nabubuo sa isipan ko ang mga piraso ng alaala ng nakaraan. Naalala ko ang mga tawanan, kulitan, at maliliit na sandali na hindi ko noon napapansin kung gaano ka-espesyal.

Lumingon ako kay Frea, na tahimik lang na nakangiti sa gilid ko. "Grabe, ang daming nagbago, no? Parang ang tagal na ng lahat," sabi ko.

Ngumiti siya at tumango. "Pero andito pa rin tayo, Seah. Some things don’t change."

Napangiti ako. Sa mga salitang iyon, parang nagkaroon ako ng panibagong appreciation sa mga taong nasa paligid ko—ang mga taong hindi bumitaw kahit anong nangyari.

Pero hindi doon natapos ang kwento ng gabing iyon.

Habang nag-iinuman kami, unti-unti kong naramdaman ang tama ng alak. Masaya akong nakikisabay sa kwentuhan at tawanan ng grupo. Pero maya-maya, naramdaman ko ang tawag ng kalikasan.

"Guys, I'll just go to the restroom," sabi ko sa kanila bago tumayo at naglakad palayo sa bonfire.

Suot ko pa ang swimsuit ko na may tapis, kaya kahit medyo tipsy na ako, kumpiyansa akong mag-isang maglakad. Madilim ang daan papunta sa CR, pero tahimik ang paligid—o akala ko lang. Malayo narin ako sa mga kaibigan ko pero kahit ganoon kinig ko parin ang hiyawan at kantahan nila.

Sa di kalayuan, napansin ko ang ilang lalaking nakatambay. Malapit sila sa dadaanan ko patungo sa CR. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit nang malapit na ako sa pinto ng CR, bigla kong narinig ang isang boses.

"Hi, miss! Mukhang nag-iisa ka ah?" sabi ng isang lalaki na may ngiti sa labi—isang ngiting nagdulot sa akin ng kakaibang kaba.

Pinilit kong huwag magpakita ng takot, ngunit nang biglang humarang ang isa pa sa daraanan ko, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wag ka namang snob, miss. We're just trying to be friendly," dagdag pa ng isa, lumalapit nang masyado.

"Excuse You?! Who dare you to block my way? If you wanted to be friendly, I'm not interested. So get out of my way or else." pagsusungit ko pang saad,pero kabaliktaran sa tunay kong nararamdaman.

Hindi ko alam ang gagawin. Napapalibutan ako ng kaba at takot. Ngunit bago pa ako makapagsalita ulit, isang malalim na boses ang narinig ko sa aking likuran—malamig ngunit may awtoridad.

"I heared she said she’s not interested."

Halos mapalingon ako agad. Tumambad sa paningin ko ang isang lalaki—matangkad, broad shoulders, at tila kalmado pero nakakapanindak ang presensya. May suot siyang simpleng itim na shirt, pero ang tindig niya, parang bida sa sundalo.

"So maybe it’s best if you leave her alone."

Kita kong nag-alangan ang mga lalaking nambastos sa akin. Tila ba natakot sila sa tindig niya, kaya agad silang umalis.

Pagkahila niya sa braso ko, tumingin siya sa akin. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala. "You okay?"

Tumango ako, kahit medyo nanginginig pa rin. "Yeah... thank you."

Ngumiti siya nang bahagya, pero seryoso ang tono niya. "Always be careful. Let me walk you back."

"Wait! I.... I need to pee muna.." saad ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya,nagmadali na akong pumasok sa loob ng banyo.

Napabuntong hininga nalang ako.

Nang makalabas ako ng cr. Nakita ko siyang nakasandal sa isang poste.

"Hinintay niya talaga ako?" bulong ko sa aking isip.

Nang makalapit ako sa kanya,tahimik niya akong sinundan pabalik sa mga kasamahan ko. Ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin. Sa bawat hakbang ko,tila ba nakamasid siya kung ligtas ang aapakan ko—kahit hindi ko naman siya kilala.

Pagdating namin sa bonfire, tumigil siya sa dikalayuan sa akin. Tiningnan niya ang mga kaibigan ko at na parang iniabot niya ako sa kanila.

"Take care of her." saad niya kay Frea bago niya ibinaling ang atensyon sa akin, seryoso ngunit may bahagyang ngiti. Bago siya umalis, tumingin siya sa akin, ang mga mata niya,tila may sinasabi na hindi ko matukoy.

Napangiti ako, ramdam ang ko ang paginit ng pisngi ko. "Thank you... and..."

Tumango siya bago tuluyang naglakad palayo,bastos hindi pa ako tapos mag salita,ei.

Pagkaalis niya, agad akong nilapitan ni Frea. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Seah, what happened? Saka sino yun?"

Huminga ako nang malalim at saka nagkwento. "May mga lalaking nantrip sa akin habang papunta ako sa CR... pero mabuti na lang, dumating siya."

"Siya?!" tanong ni Frea, biglang na-excite. "Sino nga 'siya'?"

Umiling ako. "Hindi ko siya kilala... pero grabe, Frea. Ang lakas ng dating niya. Parang siya yung knight in shining armor na dumating out of nowhere."

Napatawa si Frea habang pinipigilan ang kilig. "Oh my gosh, Seah! Destiny kaya ‘to?"

Habang nagkukulitan kami, hindi ko maiwasang isipin ang lalaking iyon. Sino siya? At bakit parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag?

Dangerous Love Where stories live. Discover now