Lumipas ang ilang araw, at halos nagkulong lang ako sa kwarto. Kahit inaaya ako ni Frea na gumala, hindi ko siya napagbigyan siya, dahil wala talaga akong gana sa lahat ng bagay. Bukas ay may pasok na. Paano ko kaya sasabihin kay Matteo ang lahat ng mga nalaman ko at sinabi sa akin ni Dad? Pinapalayo na ako sa kanya dahil kung hindi ko iyon gagawin, baka kung anong masama ang gawin ni Dad sa kanya.
Sobrang pagod na ang isip ko. Gusto ko lang naman sumaya,bakit ipinagkakait nila sa akin?
Hindi ko alam kung susundin ko ba si Dad. Nakatatak parin sa isip ko ang mga banta niya. Litong lito na ako.
Lumipas ang ilang oras,mas pinili kong magmukmok dito sa kwarto ko. Kahit na paulit ulit na kumakatok sa pintuan ko si manang na nag dadala ng pagkain. Hindi ko parin talaga sila pinagbuksan. May kung anong pwersa ang pumipigil sa akin. Hindi man lang ako makaramdam ng gutom.
Napamulat ako sa init na aking nararamdaman sa aking balat.
Nang mapalingon ako sa orasan ay agad nagising ang dugo ko ng makita ko ang oras.
"Shocks! I'm Late." I uttered. Mabilis akong tumayo sa higaan ko at dumiretso sa banyo.
Ilang minuto lang ay lumabas nadin ako ng banyo. "Gags, It's already7:45 AM. Seah,Fvck! You're late na." paninisi ko sa aking sarili,habang natataranta na ako sa paglalagay ng sintay sa aking sapatos.
Nang matapos,agad akong lumabas ng kwarto ko at hindi na nag almusal pa. Tumakbo ako papunta sa garage para magpahatid na kay manong Gilbert.
———
Nang makarating ako sa school,ramdam ko parin ang bigat ng mga nalaman ko. Pagdating ko sa room ay sinalubong ko ang mga tingin ng mga kaklase ko at agad kong nakita sina Frea, Irene, at Raizen na nag-uusap sa isang sulok. Habang naglalakad ako patungo sa kanila, napansin ko ang saya sa kanilang mga mukha. Medyo naiinggit ako. Buti pa sila nakakatawa pa.
“Did you see how Matteo looked that night?” tanong ni Irene, ang mga mata niya ay nagniningning sa pag-alala. “He was so handsome in his mask! I couldn’t take my eyes off him!”
Frea, na tila sumasang-ayon, ay tumango. “Yeah! He looked so charming. It’s no wonder everyone was talking about him!”
“Don’t worry, we all had fun,” sabi ni Raizen, na tila relaxed sa kabila ng mga pangyayari. “The important thing is we enjoyed the night.”
Umupo ako sa tabi nila, nakikinig sa kanilang kwentuhan. Sinasalamin ng mga alaala ng Masquerade Ball ang saya at ang mga nangyari nang gabing iyon ngunit sa likod ng ngiti ko, may lungkot at takot na sumisiksik.
“Hey, Seah!” tawag ni Frea. “You’re just in time! We were just talking about Matteo.”
Nagmakaawa ang puso ko na sana hindi nila malaman ang totoo. “Bakit sya ang topic nyo?” sagot ko, kahit na may pag-aalinlangan sa aking boses.
“He looked... great.” sagot ni Irene,bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
“Are you okay?” tanong ni Frea, na napansin ang pagtahimik ko. “You seem a bit off today.”
“Just... thinking about some things,” sagot ko, ngunit sa totoo lang, nag-aalala ako kung paano ko sasabihin kay Matteo ang lahat ng ito. Hindi ko maalis sa isip ko na ang mga susunod na araw ay magiging mas mahirap, at kailangan kong maging handa.
————
Dumating ang adviser namin kaya bumalik na kami sa aming mga upuan. Nahinto narin ang usapan namin tungkol nung Masquerade ball.
“Good Morning class!" masayang bati ni ma'am.“Kamusta ang event? Nag enjoy ba ang lahat?"dagdag niya.
"Yes, Ma'am! Super enjoy po!" sagot ng isa sa mga kaklase ko, sabay hagikgikan ng ilan sa likod.
"Good to hear! Sana nakatulong 'yon para magrelax kayo kahit sandali," nakangiting sabi ni Ma'am habang iniisa-isa kaming tinitingnan. "Pero ngayon, balik na tayo sa ating regular na aralin."
Biglang natahimik ang klase, lahat kami ay naghahanda sa magiging lesson para sa araw na ito.
“Okay, get your books and open them to page 45. May mga important concepts tayong pag-aaralan ngayon. I expect everyone to participate, ha?” Mahigpit pero may halong lambing na sambit niya.
Sa pagbalik ng normal na klase,naging normal na ulit ang lahat. Kahit pa may mga kwentuhan at tawanan pa rin na naiisip ang ilan tungkol sa nangyaring Masquerade ball.
Habang nagbubuklat kami ng libro, napansin ko ang mga kaklase kong pasimpleng nagbubulungan pa rin tungkol sa mga nangyari sa ball. May ilang nagtatawanan habang may iba namang tinutukso ang mga nagkatambalan noong gabing iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti, naaalala ko rin ang mga nakita at narinig ko doon.
“Class, alam kong marami kayong kwento, pero focus muna tayo,” ani ni ma'am, pero halata ang pagiging seryoso. “Huwag kayong mag-alala, magkakaroon pa naman ng time para magkwentuhan mamaya.”
Tumahimik kami at muling ibinalik ang atensyon sa klase. May ilang bumubulong pa rin, pero si Ma’am lang talaga ang nagdala ng focus sa klase. Sinimulan niya ang pag-discuss ng bagong topic, at kahit marami pa rin sa amin ang nasa hangover ng Masquerade ball, unti-unti naming na-absorb ang lesson.
Habang nagtuturo si Ma’am, hindi ko maiwasang mapansin ang kaklase kong si Sarah na kanina pa nakatingin sa malayo. Parang lumilipad ang isip niya. Bigla siyang natauhan nang tawagin siya ni Ma’am para sumagot sa tanong.
“Sarah, anong sagot sa number three?” tanong ni Ma’am.
“Ah…po? Ano nga ulit ‘yung tanong, Ma’am?” Medyo aligagang sagot ni Sarah, dahilan para mapatawa ang ilang kaklase.
“Kailangan ng dagdag na pahinga ng iba sa inyo!” natatawang sabi ni Ma’am. “Sige, focus muna tayo. Promise, may kwentuhan time tayo mamaya.”
Napangiti kaming lahat sa sinabi ni Ma'am, at mas naging relaxed ang atmosphere ng classroom. Kahit papaano, tila nawala ang bigat sa pakiramdam ko, dahil parang may "after-party" pa rin sa kwentuhan mamaya.
“Okay, let's move on to the next topic,” sabi ni Ma'am, habang naglalakad papalapit sa amin. “But before we continue, I have an announcement."
Napatingin kaming lahat sa kanya, tila may excitement sa bawat isa. Baka tungkol sa susunod na event na naman ito, naisip ko.
“We will be having a group project na related sa subject natin, and… it will be in pairs.”
Nagkaroon ng mumunting sigawan at bulungan sa klase, halata ang excitement sa lahat. Pero biglang nanlamig ako. Sino kaya ang magiging kapartner ko?
“Don’t worry, I’ll be the one choosing your partners,” dagdag ni Ma'am, dahilan para bumagsak ang balikat ng karamihan.
"Bukas ko i-aannounce ang pairing niyo, so be prepared,” huling sabi niya bago ipagpatuloy ang lesson.
Habang nagpapaliwanag si Ma'am, di ko maiwasang isipin kung sino kaya ang magiging partner ko.
Kahit papaano ay naalis naman ang isipin ko tungkol sa pinag usapan namin ni dad.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
