Chapter 57

60 16 1
                                        

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng mga ibon sa labas. Tumingala ako sa kisame at nag-isip tungkol sa mga nangyari kagabi. Sa pagbangon ko, naramdaman ko ang init sa aking leeg kung saan iniwan ni Travis ang bitemark niya. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad tungo sa harap ng salamin upang tingnan ang marka.

“Ang pula parin! Travis napaka—hays!” bulong ko sa isip ko, napansin ko pa ang maliit pang marka sa aking leeg.

Hindi nagtagal, ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at isinuka nito si Travis. "Hey, sleeping beauty” saad niya. Saka ngumisi.

"Sleeping beauty mo muka mo!" iritado kong usal. “Look at this!” sabi ko, lumapit sa kanya habang hinahawi ko ang aking buhok upang ipakita ang bitemark. “You did this!”

Tumingin siya sa marka at ngumiti, “Yeah, I see it. It’s pretty cute. But… why do you want me to add more?” tanong niyang diretso.

“Travis!” sigaw ko, nahampas ko siya sa dibdib dahil sa iritasyon na lumamon sa akin. “Why would I want more? This is already embarrassing!”

“Come on, Seah. Just think of it as my signature.” sambit niya, ang tono ay puno ng pang-aasar.

“Your signature?” sabay bulong ko. “I don’t need your signature on my body!”

Nakita ko ang ngiti niya na lumawak habang nakatingin siya sa akin. “But it would be a cool story to tell. ‘Look at this bitemark! It’s from Travis!’”

“Ugh! Stop teasing me! Manyak!”

“Maybe, but you like it,” sagot niya, at nilapitan ako, tinapik ang aking pisngi na nagbigay ng ibang pakiramdam sa akin. “And I like seeing you flustered.”

“Whatever,” sagot ko, ngunit sa kabila ng iritasyon, may ngiti pa rin sa aking labi. “Wag kana magiinom!”

“Why? Are you afraid that i might do something to you?” tanong niya.

"Why should i?" masungit kong sagot,inirapan ko siya bago ako tuluyang lumabas ng silid. Sumunod naman siya sa akin.

Pinauna ko siya kaya wala siyang nagawa kundi maunang maglakad.

Habang naglalakad siya,di ko mapigilan na pagmasdan siya, lagi siyang may paraan para mapatawa ako, at hindi ko maiwasang ma-fall sa kanya.

***

Nasa sala ako, naghintay kay Travis habang siya’y abala sa kusina. Nakasandal ako sa sofa, nagmamasid sa paligid at nag-aabang sa kanyang pagbabalik. Tahimik ang paligid, pero bigla akong nakaramdam ng hindi maganda.

Habang iniisip ko ang mga nakaraang araw, napansin ko ang anino mula sa bintana. Tumayo ako at lumapit sa bintana, nag-aalala. Nang mas malapitan ko na ito, nakita ko ang ilang kalalakihan na may armas, papalapit sa bahay. Agad akong natigilan.

“Travis!” sigaw ko,ang boses ko ay puno ng kaba. “May mga tao dito sa labas, mukhang delikado!”

Narinig niya ako mula sa kusina—agad na lumabas at lumapit sa akin. “What do you mean?” tanong niya, ang mukha niya ay nagiging seryoso. “What did you see?”

“May mga lalaki na may armas! Seryoso, Travis! N-nakita ko sila!” sagot ko, nanginginig ang boses. Ang takot ay dumapo sa akin, at hindi ko alam kung anong gagawin.

“Okay, stay here.” utos niya, habang tinutok ang tingin sa labas. “I’ll check it out.”

“Travis, be careful!” sigaw ko, nag-aalala. Pero hindi siya nagpatumpik-tumpik at mabilis na naglakad papunta sa pintuan.

Habang nag-aabang ako sa sala, naramdaman kong sumisikip ang aking dibdib. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko, ngunit ang takot ay tila kumakabog sa aking puso. Hindi ko kayang isipin kung anong mangyayari kung may masamang mangyari sa amin.

“Travis!” tawag ko muli, pero wala na siya hindi niya ako sinagot. Nag-alala ako na baka mahuli siya ng mga taong iyon.

Maya-maya, bumalik siya, nakabawi ng hininga. “ We need to be alert!” sabi niya, ang boses niya ay tahimik at may diin.

“Anong gagawin natin?” tanong ko, natatakot parin sa mga maaaring mangyari.

“Just trust me,” sagot niya, at tumayo siya sa tabi ko, nakatingin sa bintana. “I’ll handle this. Just stay behind me.” Agad niyang itinaob ang sofa at tumambad sa akin ang mga baril. Agad niya iyong kinuha.

"B-bakit ka may ganyan? A-ano nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

"Shhh...." senyas niya. Kaya naman natahimik ako.

Habang nag-uusap kami, pakiramdam ko ay nag-uumapaw ang kaba at takot sa akin.

“Okay,”sambit ko ngunit ang boses ko ay basag na. “Just promise me we'll be safe.”

“I promised.” sagot niya, at sa mga salitang iyon,ay nagbigay sa akin ng kapanatagan.

Sa kabila ng maliwanag na sikat ng araw, nagpatuloy pa rin ang takot sa aking dibdib. Nang biglang may narinig akong malalakas na putok ng baril mula sa labas ng bahay. Ang ingay ay parang pagsabog, at ang mga bintana ay nayanig.

“Seah!” sigaw ni Travis, agad na niyakap ako at hinatak papalayo mula sa bintana. “We need to get out of here, now!”

Naramdaman ko ang tibok ng puso ko na tumitindi habang siya ay naka cover sa akin. “Travis, what’s happening?” tanong ko, nanginginig sa takot.

“Just follow me. We’ll go through the back!” sabi niya, at iginiya niya ako nang marahan papunta sa likurang bahagi ng bahay.

Mabilis kaming naglakad, at ang bawat putok ng baril ay nagpaparamdam ng panggigipit sa aking dibdib. Naramdaman kong bumibilis ang aking paghinga. Pero sa mga sandaling ito ang presenya niya ay nagbigay sa akin ng lakas at tapang.

“Stay close to me!” aniya, habang binubuksan niya ang likurang pintuan.
Lumabas kami ng bahay. inilagay niya ang kanyang braso sa bewang  tila protektado ako sa bawat hakbang ko.

“Travis, Ibigay mo na sa amin ang anak ni Mr. Altravo!" Sigaw ng isang lalaki.

“Bilisan mo mag lakad!" utos niya. Kaso lang sobrang hirap ng daan.

Habang naglalakad kami sa likuran ng bahay, napansin kong may mga anino sa paligid. Natatakot akong bumitaw sa kanya, ngunit ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa akin.

“Travis, What they wanted from me?” tanong ko, ang boses ko ay bumubulusok sa takot.

“I don't have time to explain anything seah!” sagot niya, ang boses ay may diin. “Just keep your head down and stay quiet.”

Naka-abot kami sa isang maliit na daan sa likuran. Hinawakan niya ang aking likod upang alalayab ako pasulong. “Go, go!” sabi niya, habang ang mga putok ng baril ay naririnig pa rin sa paligid.

***

Nang makalabas kami sa gubat hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit, at nagmadali kaming tumakbo sa kalsada.

Nang makalayo na kami, huminto siya at tiningnan ako. “Are you okay?” tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala.

“Oo, pero ano ang nangyayari?” habol hininga kong tanong, ang mga mata ko ay puno ng takot. Nanginginig narin ang buong kalamnan ko.

“Just follow me.I promise I’ll keep you safe,” saad niya, habang nagpatuloy kami sa paglalakad sa kalye.

Kahit tirik na tirik pa ang araw. Halos puro maisan at palayan ang nasa paligid namin. Wala din akong nakikitang sasakyan at bahayan sa paligid. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng lugar o kung nasaan kami.

Dangerous Love Where stories live. Discover now