Chapter 48

59 17 1
                                        

Pagkatapos ng ilang sandali, umalis si Travis sa silid, iniwan akong nag-iisip sa mga nangyari.

Ang katahimikan ay nakakabingi, at ang mga sugat sa aking braso ay humahapdi pa lalo, paulit-ulit kong naaalala ang aking pagkakagapos.

Napahawak naman ako sa tiyan ko na ngayon ay rinig ko na nang kumukulo.

Hindi nagtagal, biglang bumukas ang pinto ay isinuka nito  si Travis, may dala-dalang pagkain at bagong damit. "Here," sabi niya, habang inilapag ang mga ito sa mesa, ang kanyang boses matigas ngunit may pagpapakita ng responsibilidad. "I got you what you asked for."

Tumingin ako sa mga pagkain, at ang amoy ng carbonara at pizza ay nagpasimula sa pagkulo pa lalo ng aking tiyan. "You actually got it," sabi ko, hindi makapaniwala. "I thought you were just going to leave me here."

Tinitigan niya lang ako saglit,bago ibinalik ang atensyon sa mga dala niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa at kinuha ang pagkain bago umupo sa upuang nasa tabi nito. "I can't believe I'm actually eating this here," bulong ko sa sarili ko, habang sinimulan kong kumain.

Hindi ko na talaga napigilang mag tanong."Bakit mo kasi 'to ginagawa? Saka sino yung sinasabi mong gustong dumukot sakin?"

Binaling ko ang atensyon ko sa kanya ngunit tila nahirapan siyang sagutin ang tanong ko. "I had my reasons, and I can't tell you everything right now. Kumain ka nalang!!"

"Reason?" ulit ko, ang tono ko puno ng pagdududa. "You kidnapped me! So anong reason?"

"Seah, I know it's hard to understand." sagot niya, ang tinig niya humihingi ng pang-unawa. "But I promise, there's a reason behind all of this. It’s not as simple as you think."

"Reasons don’t justify your actions," sagot ko, ang boses ko puno ng iritasyon. "You think you can just take me and tell me you have reasons? Saka nasaan ang mga gamit ko?"

"I'm not trying to justify it," sagot niya, ang tono niya mas seryoso, ang presensya niya ngayon mas matatag. "Nasa Ibaba lahat ng gamit mo! Hindi ka pwede gumamit ng Cellphone!"

Nagpatuloy nalang akong kumain. "I'll eat this, but you still owe me answers, Travis. And I want them soon."

Tumango siya, at kahit na may iritasyon pa rin akong nararamdaman, nagbigay ako ng isang hilaw na ngiti. "At least you got my favorite," sabi ko, sabik na pinipigilan ang sarili ko na tuluyang bumigay.

"Ako ang maghahanap ng paraan para makuha ang tiwala mo, Seah," sabi niya ang tono niya seryoso at puno ng pag-asa. "I just need you to be calm with me."

Habang lumilipas ang oras, nararamdaman ko na unti-unting lumalambot ang puso ko kahit na nahihirapan pa rin ako. Alam kong kailangan kong maging maingat, ngunit may bahagi ng aking puso na nais magtiwala sa kanya.

Matapos ilang minuto namin na pag-uusap, nagdesisyon akong kailangan ko munang linisin ang sarili ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na walang ligo, ngunit ramdam ko ang amoy ng aking katawan at ang dumi na dumikit sa aking balat. "I need to take a shower," saad ko sa kanya habang nag-aayos ng mga damit.

"Okay," sagot niya, tumayo at nagbigay daan. "I'll wait here. Just... take your time."

Lumakad ako patungo sa banyo, ang puso ko punung-puno ng kalituhan. Pagsara ko ng pinto, tinanggal ko ang mga damit ko at tumapat sa malamig na tubig. Ang daloy ng tubig ay parang isang paghuhugas ng takot at alalahanin na bumabagabag sa akin.

Habang naliligo, iniisip ko ang mga nangyari sa akin. Kung paano ako dinala sa sitwasyong ito, at bakit siya, si Travis, ang dahilan. "Bakit ako?" bulong ko sa sarili ko habang ang tubig ay umaagos sa aking katawan. "Bakit ito ang pinili mong paraan sa ganitong sitwasyon?"

Nang matapos, tinuyo ko ang sarili ko gamit ang isang tuwalya na ibinigay niya. Tumingin ako sa salamin at nakitang may mga mata kong nanlalaki ang mga eyebag. Ang hagard ko na!

Ilang sandali pa, nagbihis ako ng mga damit na dala niya. Isang simpleng t-shirt at pajama, ngunit kahit papaano, pakiramdam ko ay mas komportable na ako. "Okay na ako," sabi ko habang lumalabas mula sa banyo.

Wala din akong ibang choice. Puro pajama at malalaking tshirts ang dala niya.

Paglabas ko, nakita ko si Travis na naka-upo sa isang sulok ng silid, tila nag-iisip ng malalim. Napansin niya ako at agad na tumayo. "You look better!" sabi niya, may bahid ng sinsiridad sa boses.

"Thanks," sagot ko, habang umupo ako sa mesa. "Now, can we talk about what's next?"

"Next? Simple lang,maki- Cooperate ka lang sa amin." sagot niya, lumapit siya sa akin at tumayo sa aking harap. "But remember, I need you to trust me, Seah. I’m here to help you."

Muli, nag-alab ang pagkalito sa akin. "I want to believe you, but...."

"Give me some time,"  putol niya, ang mga mata niya seryosong nakatingin sa akin.

Habang nakatingin ako sa kanya, alam kong hindi ko pa siya lubos na mapagkakatiwalaan, ngunit may isang maliit na pag-asa na umusbong sa puso ko.

Umupo ako sa kama at, nag-isip  ng mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin. Lumapit ako kay Travis, na nakatingin parin sa akin na may seryosong ekspresyon. "Travis," simula ko, "bakit mo ako dinala dito? Bakit sa gitna ng gubat?"

Tinignan niya ako nang may pag-aalala, ngunit hindi siya nag-atubiling sumagot. "It's complicated, Seah. I had to bring you here for your safety..."

"Safety?!" ulit ko, ang pagdududa at pagkalito ay muling umaakyat sa aking dibdib. "Is this some kind of sick joke? I'm trapped here!"

"Hindi ka naman talaga nakatrap," sagot niya, subalit ramdam kong hindi ito ang sagot na hinahanap ko. " Mas ligtas ka dito morethan anywhere else right now. There are people who want to hurt you, and I can’t let that happen."

"Who are they?" tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit. "And why should I trust you? You're the one who brought me here! You're the one who kidnapped me and bring me in this bullshit place!"

Pumikit siya sandali, tila nag-iisip ng mabuti bago sumagot. "They're connected to your past, and they know about you. I couldn't let them to do something against you! Unawain mo naman ako! Ipapaliwanag ko sayo ang lahat,pagkatapos ng lahat ng ito!" saad niya. Medyo lumakas nadin ang boses niya kaya natahimik ako.

"Protect me? By trapping me up in this house in the middle of nowhere?" Nagsimula na akong makaramdam ng labis na pagkabahala. "What kind of protection is that?"

"Minsan, kailangan mong magtiis para sa kaligtasan mo," sagot niya, ang boses ay malalim at puno ng pagkaseryoso. "I never wanted to put you in danger. I just... I care about you, Seah."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. "Care about me? How can you say that when you're the one who got me into this mess?"

"Dahil gusto kong ligtas ka!," sagot niya, tinitigan ako ng matagal, ang mata niya puno ng determinasyon. "And I’ll do whatever it takes to keep you safe."

Tila may bahagyang pag-aalinlangan sa naramdaman ko, ngunit hindi ko maiwasang magtanong, "So, what's the plan now? What are we going to do?"

"I'm working on it," sagot niya, ang mga mata matalim at puno ng tapang. "I’ll get us out of here. But for now, you need to trust me."

Sa kabila ng galit at takot na nararamdaman ko, may konting pag-asa na umusbong sa aking puso. "I’ll give you one chance, Travis. Just one."

Dangerous Love Where stories live. Discover now