Chapter 29

62 21 1
                                        

Nang makalabas si Ma'am ay agad naman pumasok ang isang matandang lalaki himbis na si Matteo ang narito ngayun.

“Good Morning! ABM- A, I am Mr.Cruz your teacher in General Mathematics. Kamusta naman ang klase nyo kay Matteo? May natutunan ba?” nakangiting sambit ng matanda.

Nagkatinginan kami ng mga kaklase ko. Medyo nagulat kami dahil sanay na kaming si Matteo ang nagtuturo sa amin ng Math. Halos isang buwan din kaya.

“Yes po, Sir! Marami po kaming natutunan,” sagot ng isa sa mga kaklase namin, na tila sabik na sabik.

“Good! Nakakatuwa naman. Huwag kayong mag-alala, nandito ako para mas palawakin pa ang kaalaman ninyo. Ready na ba kayo?” tanong ni Mr. Cruz, habang nakangiti at puno ng energy.

“Yes po, Sir!” sabay-sabay naming sagot, kahit na ramdam ko ang kaba ng iba sa Math lesson na ito.

“Great! Open your books to page 25, at doon tayo magsisimula. Gusto kong maging interactive ang class natin, kaya kung may tanong kayo, huwag kayong mahiyang magtanong, ha?”

Habang binubuksan namin ang mga libro, napansin ko na medyo masaya pala si Mr. Cruz magturo. Kahit na Math pa ito, nagawa niyang gawing light ang atmosphere. Tahimik kaming nakikinig habang nagpapaliwanag siya, at sa bawat example ay hinihikayat niya kaming sumagot.

————

Pag-dismiss ng klase, agad kaming nagsilabasan sa room at nagpunta sa cafeteria para sa breaktime. Kasama ko sina Irene, Frea, at Raizen, at gaya ng dati, masaya kaming nagkukulitan habang naglalakad.

Habang papunta kami, napansin namin ang isang grupo sa may field. Si Matteo, kasama ang mga ka-team niya sa football, nag pa-practice. Balita ko kasi may laban sila. Halos lahat ng estudyanteng nadaanan namin ay napapahinto at napapatingin sa kanya, ang iba pa nga ay nagkakagulo, pasimpleng kumukuha ng picture o kaya’y kinikilig na para bang artista ang nasa harap nila.

"Grabe talaga si Matteo, no? Parang may sariling fans club na kahit saan magpunta," sabi ni Irene habang tumatawa.

"Ay, bakit hindi? Gwapo na, athlete pa," sagot ni Frea, na nakikigaya rin sa kilig ng iba. "Di ba, Seah? Type mo rin ‘yan dati, eh!"

Napatawa ako at napailing. "Uy, hindi na ‘no! May iba na kong pinagkakaabalahan ngayon," sabi ko, sabay kindat sa kanila.

Tahimik lang si Raizen pero nakangiti rin habang pinagmamasdan kaming nagbibiruan. Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang mapansin si Matteo na abala sa pakikipag-usap sa mga teammates niya, pero tila aware din siya sa mga tanong at bulungan ng mga tao sa paligid.

Nagkatinginan kami nina Irene at Frea, at mukhang hindi nila mapigilang itanong ang alam kong matagal na nilang gustong itanong.

“Oy, Seah, aminin mo na nga kasi. Kayo na ba talaga ni Matteo?” tanong ni Irene, may halong excitement ang boses niya.

"Oo nga, Seah! Huwag mo kaming itago sa dilim," dagdag ni Frea, sabay kindat.

Napailing na lang ako, pilit na pinipigilang mapangiti. “Wala naman akong dapat aminin, 'no! Ang dami niyong iniisip.”

Pero kahit anong deny ko, alam kong halata sa mukha ko ang saya lalo na ang topic namin ang blush on ko.. Si Raizen, na tahimik lang at nakikinig, napatingin din sa akin na may bahagyang ngiti, na parang alam na niya ang totoo.

"Basta! Kung sakaling totoo man yan, eh di, good for you,(pero sana ako nalang matagal ko nang crush si Matteo ei)" sabi ni Irene na humagikhik habang patuloy kaming naglalakad papuntang cafeteria.

Pilit kong iniiba ang usapan, pero ramdam ko pa rin ang tingin nina Irene at Frea sa akin. Tila inaabangan nila ang kahit anong saaabihin ko.

“Eh kung kayo na nga ni Matteo, Seah, walang masama! Wag kalang papahuli kay tito.” bulong ni Frea, halos pabulong pa rin kahit halata namang gusto niya ng buong campus malaman.

“Ikaw naman, sobrang lowkey mo. Kung ako yan, proud na proud ako!” dagdag pa ni irene.

“Hala kayo, huwag niyo na ngang intrigahin si Seah,” sabay singit ni Raizen, pero may tawa rin sa boses niya. “Baka mamaya, masyadong lumaki ang balita.”

Napairap ako pero napangiti rin. "Nako, kung anu-ano talaga iniisip niyo. Wala nga, okay?” pero kahit anong deny ko, di nila ako tinatantanan.

Pagdating namin sa cafeteria, halos mapatigil kami dahil nandoon na rin si Matteo, kasama ang ibang teammates niya, abala sa pakikipag tawanan habang kumakain.

Ang bilis nila. Kanina nasa field lang sila tapos nalingat lang kami saglit,nandito na sila sa cafeteria.

Nagkatinginan kami ni Matteo, at may ngiti siyang tipid na ibinigay sa akin—isa sa mga ngiti niyang parang nagtataglay ng lihim na kami lang ang nakakaalam. Napansin ko rin ang ilang estudyanteng napapatingin sa amin, halatang curious kung may “something” ba talaga.

“Uy, Seah… kita mo ‘yon? Ang sweet ng ngiti sa’yo ni Matteo,” bulong ni Irene, kulang na lang kiligin siya para sa akin.

Napatakip na lang ako ng mukha at bumulong, "Hay naku, mag-order na lang tayo ng pagkain at tigilan niyo na ‘yan!"

Habang abala sina Irene at Frea sa pag-order ng pagkain, napatingin ako sa phone ko at nakita kong may bagong message.

Si Matteo.

Matteo: "Hey, Imissyou. Little dinasour."

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan, pero pilit kong pinigilan para hindi mahalata ng mga kaibigan ko na may “something” sa cellphone ko.

"Naku, baka pagtitinginan na naman tayo. Andiyan pa yung buong team mo!" tinipa ko at sinend sa kanya.

Mabilis ang naging reply niya.

Matteo: "Namumula ka, Little Dinasour. Mahalata ka ng mga kaibigan mo." 

Little Dinasour?? Bat naman ganyan ang tawag niya sa akin. Pinakalma ko nalang ang sarili ko dahil namumula na nga siguro ako.

Napakagat-labi ako, kinikilig pero tinatago. Bago pa ako mahalata, agad kong nireplyan ng.

"Little Dinasour?! Sige, teka lang ha! Kasalanan mo kung bakit ako namumula. Baka matunugan na nila Irene at Frea."

Nilagay ko na ang phone ko sa aking bulsa at pasimple ko siyang tiningnan sa kabilang table at pinagtaasan ng kilay. Pero Nginitian niya lang ako.

Halos makalimutan ko na ang lahat ng sinabi ni dad sa akin parang hindi ko kayang layuan ang lalaking ito, May kakaibang humahatak sa akin para suwayin ko ang utos ni dad. Kahit hindi ko alam kung may kasiguraduhan ba ang kaligtasan naming dalawa. Basta ang alam ko ay masaya ako kapag nakikita ko siya, ito yung unang beses na nakaramdam ako ng ganitong klaseng pagmamahal na kahit alam kung delikado ay mahirap talikuran at iwasan.

Paglingon ko sa table nila Matteo ay wala na sila dun parang bula bigla nag laho ng mabilis.

"Seah,kanina kapa tulala. Ayos kalang ba?" tanong ni frea.

"Okay lang ako frea!" sagot ko sa kanya.

——————

Nang matapos ang lahat ng klase ay napagdisisyonan kong makipagkita kay Matteo para sabihin lahat ng gumugulo sa utak ko dahil hindi ko na kaya pa na sarilihin lahat ng bumabagabag sa akin.

Dangerous Love Where stories live. Discover now