KINABUKASAN
Nagising ako na puno ng kaba at hiya sa aking ginawa kagabi. Habang nag-aayos ako, patuloy na bumabalik sa isip ko ang mga kaganapan—ang halik, ang mga biro, at ang paraan ng pagtingin sa akin ni Travis.
Lumabas ako ng aking silid at tinahak ng daan tungo sa sala, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, ibinaling niya ang atensyon niya sa akin. Para bang siya ay nag-aantay, at ang mga mata niyang tila sumisiyasat sa aking mga galaw ay nagpatindi ng hiya sa akin. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang aking mga kamay.
“Good Morning!!.. Uhm,” bati niya, may ngiti sa kanyang mga labi.
“Um… Good morning din!” putol ko, mahinang boses. "Uhmm??? Kagabi...ehh...ano..ahmm wag na natin pagusapan!"
“Bakit hindi? I think you were adorable last night,” sagot niya, may halong pang-aasar.
Dahil sa kanyang mga salita, tila nagliyab ang aking pisngi. “Adorable? More like embarrassing!” sagot ko, nagtatangkang tumalikod para takasan ang kanyang mga tingin.
“Come on, don't run away,” sabi niya, habang sinubukan niyang humakbang palapit sa akin. “I just want to talk about it.”
“Seriously, Travis, I—”
Ngunit bago ko pa man matapos ang sinasabi ko, nahawakan na niya ang aking braso at hinila ako papalapit sa kanya. “Hey, I’m not done with you yet.”
At sa isang iglap. Nakatingin siya sa aking mga mata, ang kanyang mga labi ay tila nag-aanyaya at malapit ng dumikit sa akin.
Bago pa ako makapag-react, hinalikan niya ako. Ang init ng kanyang katawan ay pumasok sa akin, at naghalo ang takot at saya sa aking dibdib. Ang halik na iyon ay puno ng init. Hindi ako nakapiglas dahil hawak niya ang mga kamay ko.
Nang humiwalay siya, nahulog ang aking tingin sa sahig, nahihiya pa rin. “What was that for?” tanong ko, pero sa totoo lang, gusto ko 'yun!
“Just proving a point,” sabi niya, may ngiti sa labi. “You can’t just run away from things you want, Seah.”
“P-Point?” naguguluhan akong sagot. “Like what?”
“Like us,” aniya, at sa pagkakataong iyon, parang ang lahat ay nagbago. Naramdaman ko ang init sa aking pisngi at hindi ko alam kung anong sasabihin.
Agad akong humakbang pabalik, tinulak siya palayo at nagmadaling naglakad tungo sa banyo. “I need to… I need to think!” sigaw ko, sabay sara ng pinto.
Nang nasa ako sa loob, huminga ako ng malalim. Ang puso ko ay bumubusina, at ang pakiramdam ng halik niya ay umuulit-ulit sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit siya naging ganito, pero ang nararamdaman ko ay hindi maikukubli. Ang panghihinayang at takot ay naghalo sa loob ko.
Sa loob ng banyo, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. “Bakit ba ako nag-react ng ganito?” tanong ko sa sarili ko, habang pinapahid ang aking mukha ng malamig na tubig. "Seah!!! Umayos ka,girl!" protesta ko sa hangin.
Ngunit sa tuwing naiisip ko ang mga mata ni Travis, ang kanyang mga ngiti, at ang paraan ng kanyang pagtitig, nawawala ang katinuan ko. “This is so confusing,” sabi ko sa aking sarili. “Why does he have this strong effect on me?”
Pagkalipas ng ilang minuto, nagdesisyon akong bumalik sa sala. Nang lumabas ako, nakita kong nakaupo si Travis sa sofa, nag-aantay sa akin na parang walang nangyari.
“Sorry about that,” sambit ko, pinipilit ang sarili kong ngumiti habang naglalakad patungo sa kanya. “I just needed a moment.”
“Okay lang,” sagot niya, may nakakalokong ngiti.
"Bakit ako nag sorry? Eh ikaw itong—" bulalas ko, umiiwas ng tingin. “I mean the kiss?”
“Exactly. Taste good.” Tumayo siya at lumapit sa akin.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, at ang init sa loob ko ay muling bumalik. “So, what now?” tanong ko, nag-aalangan sa mga susunod niyang hakbang.
“Let’s just take it one step at a time,” sagot niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nag-iisip tungkol sa mga susunod na mangyayari. “So… what exactly are we doing now?” tanong ko, halatang naguguluhan ngunit may kasamang pananabik.
Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay nagliliyab sa init ng kanyang ngiti. “Well, I think we should just enjoy each other’s company for now,” sagot niya, habang unti-unting umuusad palapit sa akin.
Nagsimula siyang maglakad pabalik sa sofa kaya sumunod siya. “Maybe we can have a little fun and see where the day takes us?” pagiiba ko sa usapan,pilit kong inaalis ang awkwardness sa pagitan namin. “Fun like… you know… the kind of fun that makes us feel alive.” dadag ko.
“Or, if you’re brave enough, maybe we could try something a little more adventurous.” aniya.
“Adventurous?” ulit ko. Ano ang nasa isip niya? “Like what?”
“Maybe a little game of truth or dare?” mungkahi niya. Luma na pero sige game nalang ako. “It’s a classic, but with a twist. You have to promise to keep it interesting.”
Tumingin ako sa kanyang mga mata, at sa mga saglit na iyon, nag-umpisa akong ma-excite. “Okay, I’m in! But I warn you, I can be pretty daring,” sagot ko, may pag-pang-aasar sa aking tinig.
“Bring it on, Seah. I’m ready for anything,” sagot niya na may kompyansa.
“Pupunta lang ako sa kwarto.” pagpapaalam ko sabay ngiti. Naramdaman kong medyo kinakabahan ako sa mga nangyari sa amin.
***
Habang nag-aayos ako sa kwarto, napa-isip ako tungkol sa mga nangyari sa amin ni Travis. Parang masaya ako sa mga bagay na nagbago sa amin, pero nag-aalala rin ako kung paano ito makakaapekto sa amin.
Matapos ang ilang minuto,lumabas ako mula sa kwarto. Dumeretso ako sa CR, ngunit pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita si.... siya na topless, nag-aayos ng buhok.
“Waaah?!” sigaw ko, sabay takip sa aking mga mata gamit ang isang kamay, kahit na sa likod ng mga daliri ko, nakikita ko pa rin ang kanyang katawan.
“Seah! What the—” nagulat din siya at mabilis na tumalikod, nahulog ang shampoo sa kanyang kamay, at hindi kami makatingin sa isa’t isa.
“Sorry! I didn’t know you were in here!” sabi ko, naguguluhan at nahihiya. Pakiramdam ko ay nag-aalab ang aking mukha, pero sa kabila ng kaba ko, nagbigay ito ng kakaibang init sa aking dibdib.
“Uh, I—” sabi ni Travis, na halatang naguguluhan din. “I was just... taking a shower.”
“Yeah, I can see that!” sagot ko, at nag-panic ako sa aking sinabi, kaya’t tumalikod ako at inisip na dapat nang lumabas.
Ngunit hindi ako makagalaw. Nanatili ako roon, nakatingin sa sahig, ang puso ko ay parang sumasabog sa kaba. “I’m so sorry,” ulit ko, nagtatangkang lumabas.
“Wait, Seah,” sabi niya, na tila nag-iisip. “Are you okay?”
Umiling ako, “I’m fine, just... surprised!” Pumikit ako sa sobrang kahihiyan, ngunit kahit anong gawin ko, ramdam ko ang kanyang presensya sa likod ko.
“Are you sure?” tanong niya, na may halong pang-aasar sa boses. “I didn’t mean to scare you.”
“Okay lang ako! I swear!” sagot ko, pero nang tanawin ko ang kanyang katawan sa kabila ng takip ng kamay ko, parang hindi ko na kayang makipag-usap.
“Uh, I think ....I should go!” sabi ko, subalit hindi ko alam kung paano.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Cinta»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
