Chapter 9

93 27 1
                                        

Naglakad na ako patungo sa room namin, nasimulan na akong mainis for sure maghapon na akong badtrip. Nang makarating ako sa room namin ay tapos na sila sa ginagawa nila mag breabreaktime nadin ang iba,kahit na hindi pa time.  Kaya isa-isa ko nang kinuha ang mga notebook nila.

"Ano nangyari sa dean office?" saad ni Frea,bakas sa mukha niya ang kyuryusidad.

"About dun sa issue kinausap ako ng dean, nandun din si Matteo at yung nag spread ng issue, Catherine ang name." sagot,bago ko kinuha ang notebook niya.

"Hala!!! so kilala mo na kung sino ang may kasalanan?" usal niya,na para bang nakakita ng kayamanan sa pagka bigla.

"Oo muntik ko pa siya masampal kung hindi lang ako pinigilan ng Matteo na yun!"

"Pag nakita ko yung babae na yun makakatikim yun sakin!"  kompyansang saad niya,para bang kilala niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Ano ka ba okay na. Si Ma'am na ang bahala sa babaeng yun!"

"How about kayo ni Matteo?" She asked saka ngumiti nang pang asar.

"What about us?"  tanong ko ng naguguluhan. Ang labo kasi ng tanong niya.

"Oh, bakit namumula ka?" she quickly added.

"Ang pangit mo kasi mag tanong!" madiin kong usal,kaya naman napakamot nalang siya sa kanyang ulo.

"Eh namumula ka, nag tatanong lang naman ako about sa nangyari dun sa office!" saad niya,aba kasalanan ko pa ata.

"Okay naman na! Past is past Frea, don't bring it up again."

"Okay fine..... pero pag nakita ko yung Catherine nayun,humanda siya!" Madiing usal niya,na parang handa na sumabak sa gyera.

"Oh kilala mo ba kung sinong Catherine'yon?"

"Hindi! Pero kahit na,may paraan naman para makilala ko siya." saad niya,saka ngumisi.

"Gigil ka niya girl?! Di mo naman kilala ei."

"Edi ituro mo sakin kung sino, Mindset ba,Seah!" iritadong usal niya.

"Hi girls!" sabat ni Rai,na naglalakad papalapit sa amin.

"Ano nanaman kailangan mo?" Tanong ni Frea ni—walang pasakalye at tinaasan pa ng kilay si Rai.

"Kita mo na'tong kaibigan mo Seah, nag hi lang naman ako may kailangan na agad." pag p-protesta niya,na parang inapi ng sanlibutan.

"Im just kidding lang naman! Papansin."  saad ni Frea. Medyo wierd silang dalawa lately kasi hayst,ayoko na mag explain.

"HA HA HA nakakatawa."pang aasar ni Rai may pag palakpak pa.  Kaya naman hinampas siya ni frea ng notebook na nahablot niya sa mga kinolekta ko.

"aray ko naman!! masakit yun ah!" pag rereklamo ni Rai,sabay haplos sa braso niyang tinamaan.

"Deserve mo!" taas kilay na usal ni Frea,hayst para silang baliw.

"Ang sama mo!" iritadong saad ni Rai,saka tiningnan ng masama si Frea."Seah,save me! The lion was already to attached me."

"Attached? Hindi ba Attack?" nalilitong tanong ko, Napailing nalang ako.

"Sabi ko attack not attached. Nukaba nasaang planeta ka ba?" balik niyang tanong sa akin.

"Ewan ko. Pero ang narinig ko attached ei."

"Hirap kasi maging mabait sayo, kuhang kuha mo lagi inis ko!" sambit ni Frea. Saka nag-ambang susuntukin si Rai. Ngayon ay matalim na ang titig niya kay Rai.

"Tigilan nyo na yang dalawa pag bubuhulin ko na kayo ay!" saway ko sa kanila. "Rai akin na notebook mo!" dagdag ko pa,at nahampas ko pa siya sa balikat.

Dangerous Love Where stories live. Discover now