Natapos ang buong araw nang abala ang lahat. Naayos din namin ang mga detalye na kakailanganin sa party-mula sa seating arrangements, decorations, at pati na rin ang mga in-charge sa iba't ibang tasks. Ramdam na ramdam ko ang excitement ng lahat, pero habang umuusad ang oras, unti-unti ding lumalaki ang kaba ko para sa mismong gabi.
"Okay na lahat, guys. Bukas na lang tayo magkita," sabi ni Irene habang inaayos ang mga huling talaan sa phone niya.
"Grabe, parang ang bilis ng araw! Kinakabahan na ako," dagdag ni Frea, sabay hawak sa kamay ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya kaya totoong kinakabahan nga siya.
"Walang kabahan, magiging perfect ang night na 'to," sabi ko sa kanila, habang pilit nilalabanan ang sariling kaba. Habang naglalakad palabas ng campus, naramdaman ko na mas malapit na ang moment na hinihintay ko-ang gabing hindi ko malilimutan.
Bago ako sumakay sa kotse, huminga muna ako nang malalim. "This is it," bulong ko sa sarili.
----
Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi,ewan ko. Naeexcite ako na kinakabahan na waaah... I don't know what i felt this rollercoaster emotion.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad din akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa aking silid upang magpahinga at maghanda para sa party, bukas ng gabi. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin, masusing tiningnan ko ang aking repleksyon. Ang gown na napili ko ay isang eleganteng black and gold, na talagang kumikinang sa bawat detalye nito. Ang mayamang itim na tela,ang mga ginto at kumikislap ay tila nag-aanyaya ng mga tingin at pag-hanga.
Mula sa neckline hanggang sa mga dulo ng sleeves, ang disenyo nito ay nagbigay ng pakiramdam ng royalty, at sa tuwing lumalapit ako sa salamin, parang ako'y nasa isang fairy tale. Pinili kong ilugay ang aking buhok na may malumanay na alon na bumabalot sa aking mga balikat, na nagdaragdag ng pino at romantikong aura. Habang tinitingnan ang sarili ko, unti-unting bumabalik ang aking kumpiyansa-bagamat nag-uumapaw pa rin ang kaba.
While my mind was busy with the possible things that could happen at the party, I wanted to get to know Matteo better, and the idea of forming a new connection with him brought me joy and excitement. The questions that arose in my mind caused my heart to race-What would he be like? What would he think when he saw me in this gown?
Maya-maya, tumunog ang aking telepono, at napansin kong may mensahe mula kay Irene. "Seah, excited na ako sa party! Kumain ka na ba? Tara na at mag-ayos!" Napangiti ako sa kanyang mensahe at agad na nag-reply, "Oo, nag-aayos na ako! Excited na rin ako!" sakay ko sa kanyang biro. Sa bawat palitan ng mensahe, tila unti-unting nawawala ang aking mga pangamba.
Habang patuloy ang aking paghahanda, pinilit kong tanggalin ang mga negatibong iniisip ko. Kailangan kong maging positibo at yakapin ang bawat sandali. Habang lumilipas ang oras, nagdesisyon akong magkaroon ng kaunting snack upang mapanatili ang aking lakas. Habang kumakain, pinalakas ko ang sarili ko, pinangako na magiging maganda ang gabi at magiging memorable ang lahat.
Nang matapos ang mga huling paghahanda, nagdesisyon akong lumabas at humanga sa magandang tanawin ng araw habang unti-unting lumulubog. Ang mga kulay ng langit ay tila nag-uudyok sa akin na yakapin ang bawat pagkakataon sa gabing darating.
Sa wakas, nag-ayos ako at nagdasal na sana maging makabuluhan ang lahat. Nagpahinga ako saglit, at sa kabila ng pagkabahala, unti-unti akong nakaramdam ng kapanatagan.
"Bahala na," sabi ko sa aking sarili, habang ang puso ko ay nag-aalab ng pag-asa. "Isang bagong simula ito para sa akin, at handa na akong harapin ang anumang darating."
Bumalik na ako sa aking silid para magpahinga,ang buong araw ay nagdulot rin sa akin ng kapagodan.
××××××××××××××××××
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
