Makalipas lang ang ilang minuto naming palitan ng salita.
"Well, I have to go," sabi niya. "Take care of that ankle. If it doesn't get better, you should see a doctor."
"Wait, um, what's your name?" tanong ko, ngunit bago pa ako makakuha ng sagot, tinalikuran na niya ako at nag lakad na siya palabas ng lobby. Napaisip ako habang tinitingnan siyang naglalakad palayo.
Hays.
Sino ba talaga siya? Pinapasakit niya ulo ko.
Natahimik naman ako at nag-iisip kung anong mangyayari sa susunod. Ang bawat segundo ay tila may kapalit na katanungan. Sana makilala ko siya.
Habang nag-iisip ako, bumalik ang mga alaala ng mga sandaling nag-enjoy ako sa beach kasama ang mga kaibigan ko. Ang mga tawanan at mga aktibidad na hindi ko naisip na magiging parte ng panibagong alaala ko. Subalit, parang may butas pa rin sa puso ko, lalo na't hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit ako nawalan ng alaala.
***
Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik ako sa room. Nabutan ko naman ang mga kaibigan ko na tulog na.
"Kung sino man siya,pinapasakit niya ulo ko kakaisip sa pangalan niya." saad ko sa aking sarili habang nakaupo sa kama. Ang bawat sagot ay tila naliligaw sa dilim, hindi ko maabot-ni hindi ko makita. Lumapit ako sa bintana at naupo dito saka ko tinanaw ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan.
Naisip ko ang mga kaibigan ko, at kung gaano ako kasaya na nandito ako kasama sila. Ngunit sa kabila ng lahat, may parte sa akin ang tila nag-aasam na makilala ang lalaking laging nagliligtas sa akin. "Sana makita ko siya ulit," bulong ko sa hangin, umaasa na ang mga bituin ang makikinig sa akin.
Sa kabila ng pagod at sakit ng aking ankle, nagpasya akong magpahinga na. Ang mga tanong ko ay naiwan sa dilim ng gabi, umaasang may darating na sagot sa susunod na araw.
-----
Nagising ako sa masayang boses ng mga kaibigan ko habang nag-aalmusal. Agad akong bumangon at nakita ang mga platong puno ng masasarap na pagkain.
"Good morning, Seah! Tara, kumain ka na!" bati ni Frea habang abala sa pag-aasikaso ng mga pagkain.
"Wow, ang dami! Anong ganap?" tanong ko, nagtataka sa mga pagkain sa harapan ko.
"Lahat yan masarap! Pero kailangan mo talagang subukan ang pancakes, promise,magigising kaluluwa mo!" sagot ni Irene, saka ngumisi.
Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang mga plano ngayong araw. "Ano sa tingin niyo, after breakfast, maglibot tayo sa beach?" mungkahi ni Raizen.
"Sounds great! Gusto ko talagang makita ang buong lugar." sagot ko, na puno ng excitement.
"Perfect! I heard there are some beautiful spots na pwedeng pasyalan." sabi ni Irene.
"Okay, so let's finish breakfast and get ready!" saad ni Frea, habang pinupunasan ang kanyang bibig.
Matapos ang masayang almusal, nag-ayos kami at naghanda para sa araw na'to na puno ng adventure. Habang naglalakad kami patungo sa beach, ang hangin ay malamig at ang araw ay naglalabas ng magandang sinag.
"Wow, ang ganda dito!" bulalas ni Frea nang makakita ng puting buhangin at asul na dagat.
"Definitely a perfect place for exploring!" sagot ni Raizen, nakatingin sa malayo.
Habang naglalakad kami sa dalampasigan, napansin kong marami kaming mga spot na pwedeng libutin. "Saan muna tayo pupunta?" tanong ko
"Doon sa mga batuhan! Siguradong maganda ang view dun!" sagot ni Irene.
"Okay! Let's go!" sabi ko, tumatakbo na patungo sa unang destinasyon namin.
Ang saya ay walang katapusan sa oras na'to habang patuloy kaming naglalakad at nagkukwentuhan, nag-enjoy sa bawat sandali ng aming paglilibot sa resort.
Habang naglalakad kami sa tabi ng dalampasigan, ang mga alon ay dumarampi sa aking mga paa, at ang mga tawanan ng aking mga kaibigan ay nagbigay ng saya sa akin. Habang lumalapit kami sa mga batuhan, nahulog ang aking tingin sa isang maliit na cove na puno ng mga makukulay na bato at mga isda.
"Wow, Seah! Tingnan mo 'yan!" tawag ni Raizen, itinuro ang isang magandang spot. "Dito tayo mag-snap ng pictures!"
Agad kaming lumapit at kumuha ng ilang mga larawan. "Say cheese!" sigaw ni Frea habang ang lahat ay nakangiti at abala sa pagkuha ng mga larawan.
"Gusto ko ring kuhanan ang magandang tanawin," sabi ko, kinuha ang aking cellphone at sinubukan ang anggulo para makuha ang mga batuhan sa likuran namin.
Matapos ang ilang minutong pagkuha ng litrato, nagdesisyon kaming magpatuloy. "Tara na, gusto kong makita kung anong meron sa dako roon!" sabi ni Irene, na puno ng saya.
Nang makapunta kami sa dulo ng cove, napansin kong may mga locals na naglalaro ng beach volleyball. "Mukhang masaya 'yan!" sabi ko, naglalakas-loob na lumapit.
"Baka gusto niyong maki-join?" tawag ng isang local.
"Sure! Sali tayo!" sabi ni Raizen, at hindi kami nag-atubiling maki-join sa laro. Habang naglalaro kami, ang mga tawanan at sigawan ay tila nagbigay-buhay sa paligid.
Matapos ang ilang rounds ng paglalaro, naupo kami sa buhangin, nanghihingal ngunit masaya. "Sobrang saya! Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to!" sabi ko, tumatawa habang nagpapahinga.
"Talaga namang masaya kapag kasama mo kami!" sabi ni Frea, abala sa pag-aayos ng kanyang buhok.
"Okay, ano na ang susunod na gagawin natin?" tanong ni Irene.
"Siguro, pwede tayong maglakad-lakad sa paligid at maghanap ng mga souvenir!" mungkahi ni Raizen.
"Great idea! Gusto ko ring makakita ng mga lokal na delicacies," sabi ko, excited sa mga susunod na adventures na naghihintay sa amin.
Nagsimula kaming maglakad-lakad sa paligid, sinisilip ang mga tindahan at mga tao sa paligid. Ang oras ay tila hindi umuusad, at ang saya ng bawat sandali ay patuloy na sumasabay sa hangin.
Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang maliit na tindahan na puno ng mga lokal na produkto. "Tara, pasukin natin 'yun!" aya ko sa kanila, na sabik na sabik ang aking tono.
Pagpasok namin, ang mga mata ko ay pumukaw sa mga makukulay na handicrafts at mga pagkain na nakadisplay. "Ang ganda ng mga ito!" sabi ni Frea, abala sa pagtingin sa mga palamuti.
"Look at these!" sabi ni Irene, ipinapakita ang mga keychain na gawa sa mga seashell. "Perfect souvenir 'to!"
Habang nag-uusap kami, may narinig akong isang boses na hindi ko inaasahan. "Hi! Are you guys enjoying your trip?"
Lumingon ako at nakita ko ang lalaki na tumulong sa akin noong isang gabi. Napansin ko ang kanyang magandang ngiti at ang paraan ng kanyang paglapit sa amin. "Um, yes! Super enjoy!" sagot ko, ngunit naguguluhan ako kung bakut siya narito.
"Good to hear! I'm just browsing around. Kung kailangan niyo ng tulong, nandito lang ako." sagot niya, bago nagpatuloy sa pagtingin sa mga produkto.
Kinulbit naman ako ni Frea. "Siya 'yung lalaki, 'di ba?" tanong niya, nakatingin sa akin na may kuryosidad. "Anong pangalan niya?"
"Hindi ko alam. Hindi niya sinasabi."
"Looks like someone has a crush!" sabay na sinabi nina Frea at Irene, nagkatinginan at nagtawanan.
"Huy! Sinong may Crush!" depensa ko, agad na iniba ang usapan. "Tara na, maghanap tayo ng souvenirs!"
Ngunit habang nag-iikot kami, hindi ko maalis ang pag-iisip sa kanya. Bakit nga ba siya nandiyan? At bakit palagi na lang siya nandiyan kapag may nangyayari sa akin.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
