Habang naglalakad kami papasok ng venue, nakatingin si Matteo sa akin, parang nag-iisip ng malalim. "Are you okay?" tanong niya, at alam kong may mga tanong siya na gusto niyang ipaalam.
"Okay lang ako," sagot ko, ngunit sa kanyang tingin,para bang binabasa niya ang isip ko.
Nang makabalik na kami sa venue, agad akong sinalubong nila Frea, ang kanilang mga mata ay puno ng kuryusidad.
"Saan kayo galing ni Matteo?" tanong ni Frea. Saka iginiya ang braso niya sa braso ko.
"Ah, naglakad-lakad lang kami sa labas," sagot ko, sinisikap na maging relax sa sitwasyon. Sa likod ng aking isip, naglalaro ang kaba. I knew Frea was just trying to make sure everything was okay.
"Ang tagal niyo! Kanina pa kami nag hihintay dito." sabi ni Irene.
"Don't worry, we just lost track of time," sagot ni Matteo, tumingin siya sa akin at ngumiti na parang sinisigurong okay lang ako. Pero alam ko, may mga tanong siya na hindi pa niya masabi.
"Ahh.. Ganun ba?" sabi ni Frea, halatang nag-aalala.
"You don't need to worry about her, When she's with me!" sagot ni Matteo na Kinukumbinsi ang mga kaibigan ko, habang inaalala ko naman ang nangyari kanina. Parang may naglalaro sa isip ko-anong mangyayari kung malaman nila ang totoo?
"Okay.... fine!" sagot ni Frea, sabay akbay niya sa akin.
Ini-enjoy lang namin ang buong gabi, Halos marami din akong nakilala at higit sa lahat hindi ko malimutan ang halik ni Matteo sa akin. Ewan ko parang tumatak na sa utak ko at hindi na mawala wala pa.
Habang patuloy na tumatakbo ang oras, hindi ko maiwasan na bumalik-balik sa isipan ko ang nangyari. Lahat ng kilos niya-ang ngiti, ang paraan ng paghawak niya sa akin-lahat ay tila may mas malalim na kahulugan.
Pagkatapos ng halik na iyon, para bang may nagbago. Mas naging magaan ang bawat tingin niya, mas naging matamis ang bawat salita na nagmula sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng ito, may bumubulong sa isip ko na mag-ingat. Parang may isang bahagi ng pagkatao niya na hindi ko pa lubos na kilala-isang bahagi na maaaring maging delikado. Ngunit kahit anong pag-iingat ang subukan kong gawin, hindi ko maitanggi ang nararamdaman ko. Hinahanap-hanap ko ang presensya niya, ang init ng katawan niya sa tabi ko. Tila nahulog na ako sa kanya ng tuluyan.
Naisip ko, paano kung may itinatago siya? Ano ang kahihinatnan kung masyadong mahulog ang damdamin ko para sa kanya? "Ano ba naman itong iniisip ko,nakakabaliw." bulong ko sa aking isip.
Tumingin ako sa cellphone ko and it's already 9pm. Tinawag na rin ang lahat ng Seniors and collage sa loob ng venue para mag simula na ang mga hinandang pasabog ng collage departments.
Tinawag na ng Mc ang mga collage at nakita ko si Matteo na kabilang sa pumunta sa center ng stage dahilan kung bakit naghiyawan ang mga tao sa paligid.
----
Shocks kasama siya sa mag p-perform. Naramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Irene sa braso ko. Kilig na kilig ang babaita.
Nang mag simula ang music ay lalo pang lumakas ang hiyawan. Hindi maiitanggi na ang lakas ng hatak ni Matteo dahil halos naririnig ko lang ay ang mga babaeng hinihiyaw ang pangalan niya.
Matapos ang sayaw, nagkita ulit kami sa gilid ng bulwagan. Nakangiti siya, ang maskara niya ay hawak nalang niya sa kanan niyang kamay, at ang mga matang tila may lihim na sinasabi ay nag pahinto sa aking paghinga.
Nang makalapit siya ay natulala naman ako.
"Mukhang nag-enjoy ka sa performance ko ah." pabirong sabi ni Matteo, habang marahang humakbang palapit sa akin.
Tumawa ako, pero hindi ko maitago ang bilis ng tibok ng puso ko. "Grabe ka! Halos magwala yung mga babae mo.
"Babae ko?" nalilitong tanong niya,saka tinitigan ako ng matalim.
Lumapit pa siya nang konti, halos magkadikit na kami, at ngumiti nang malalim. "Ikaw lang ang gusto kong magwala para sa'kin. Naintindihan mo ba?"
Nang nagtagpo ang aming mga mata, ay ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. May halong biro ang sinabi niya. Hindi ako nakasagot agad-para bang tumigil ang oras sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Totoo ba ito, o laro lang sa kanya?
Ngunit bago pa ako makapagsalita, napansin kong papalapit samin si Rina, nakatutok ang tingin niya kay Matteo saka unti unting lumapit at ngumiti. "Matteo, ang galing ng performance mo kanina. Pwede ba kitang makausap sandali?" tanong niya, malambing at puno ng kumpiyansa.
Sumulyap si Matteo sa akin bago tumingin kay Rina. "Sure," sagot niya, pero sa tono ng boses niya, para bang nag-aalangan. Nakita ko rin ang pagtitig ni Rina kay Matte habang sumasayaw kanina, at ngayon, naramdaman ko na naman ang kirot na kanina pa nagbabadya sa dibdib ko.
Habang naglalakad si Matteo kasama si Rina palayo, hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong, "Wah,bakit ako magseselos,walang kami." bulong ko sa sarili ko.
Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko, naiipit sa pagitan ng mga damdamin ko at ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Ang sabi niya kanina, ako lang ang gusto niyang magwala para sa kanya-pero bakit parang—"
"Bakit nakakaramdam ako ng selos? Eh wala naman akong karapatan. Arghhh, nakakainis!" Pinipilit kong kontrolin ang sarili ko, pero mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko habang pinapanood silang nag-uusap. Gusto kong isipin na wala lang 'to, na wala naman kaming label ni Matteo, pero bakit ganito kalakas ang dating ng lahat?
Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na kinakalmot ang sarili kong damdamin. "Hindi kami, kaya dapat hindi ako ganito. Baka naman iniisip ko lang 'to nang sobra. Pero..." Bumabalik ang mga alaala namin ni Matteo-ang mga sandaling magkasama kami, ang mga tingin niya, ang halik na hinding-hindi ko makalimutan. Parang lahat ng iyon ay nagsasabi na may nararamdaman din siya para sa akin.
Pero bakit ngayon, habang kasama niya si Rina, parang biglang nagbago ang lahat?
"Walang-wala akong karapatan magselos," paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Pero kahit anong sabihin ko, hindi ko pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Bakit ba parang may hinahanap akong kasagutan na wala naman talagang malinaw na tanong?
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
