Inayos ko ang aking sarili nang mapansin kong papalapit si Matteo sa akin. Nagpanggap akong abala sa pagtingin sa mga tao sa paligid, subalit sa tuwing mabibihag ng aking mga mata ang kanyang porma, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang aura niya, puno ng charisma, ay tila nag-aanyaya sa akin na titigan siya.
"Sorry at natagalan ang paguusap namin ni Rina," sabi ni Matteo, habang nakangiti.
Nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang presensya, pero sa likod ng aking isipan, ang mga tanong ay patuloy na bumubulong sa akin, "Hindi okay lang,bakit kapa bumalik? Saya nyo nga ei." mahinang sambit ko,na may halong pagkasarkastik.
Tumango ako, kahit na may kirot pa ring nararamdaman sa dibdib ko. "Okay lang, Mukhang masaya kayo," sagot ko, pinipilit ang sarili na huwag magmukhang selosa. Pero sa bawat salitang lumalabas mula sa aking bibig, lalo akong nahuhulog sa ilalim ng mga tanong-may nararamdaman ba siya sa babaeng yon?
Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, parang nalaman niyang may kakaiba sa tono ko. "Seah, okay ka lang ba?" tanong niya, seryoso ang boses. Sa mga salitang iyon, tila nadurog ang aking depensa.
"Wala, okay lang ako," sagot ko, kahit na hindi ko alam kung gaano ako katotoo.
"Sige lang, kung may kailangan ka, nandito lang ako," sabi niya, na may sinseridad. Ang mga salitang iyon ay tila nagbigay sa akin ng lakas ng loob, pero nagdudulot din ito ng takot. Ano ang mangyayari kung tuluyan kong ipahayag ang nararamdaman ko?
Habang nagpatuloy ang sayawan sa paligid, parang kaming dalawa lang ni Matteo ang nasa paligid.
Matapos ang ilang saglit ng katahimikan, tumingin si Matteo sa akin nang may seryosong ekspresyon.
"Seah, nag seselos ka ba?" tanong niya, halatang nag-aalala. "Kanina kapa hindi kumikibo." dagdag pa niya.
Parang natigil ang mundo sa tanong na iyon. Wala akong ideya kung ano ang isasagot.
"Bakit naman ako magseselos?" mabilis kong nasagot, ngunit alam kong hindi ito tunog kapani-paniwala.
Nakita kong tumango si Matteo, na tila alam na may mali sa aking sagot.
Napabuntong hininga siya bago nagsalita. "Damn.Kung ano man ang iniisip mo,mas mabuting wag ka nalang magisip." aniya, saka bahagyang ngumisi.
Nangaasar ba siya? Nakakainis.
"Akala ko ba gusto mo ako? Bakit ansaya mo pa habang kausap ang babae na yun?" saad ko, dahil hindi ko na kaya magpanggap na okay lang ang lahat.
Tumingin sya sa akin ng seryoso at bahagyang ngumiti. " I knew it! Nagseselos ka kay Rina."sambit niya na parang natutuwa pa.
Nahulog ang tingin ko sa sahig, nag-aalangan na magsalita pero kusang lumabas sa bibig ko. "Kasi... parang nag-e-enjoy ka sa tuwing kasama mo yun." sabi ko, kahit na sa isip ko, walang kasiguraduhan kung anong mayroon kami.
Si Matteo ay tila nag-isip nang saglit, pagkatapos ay ngumiti. "Seah, hindi ko siya tinitingnan sa ganoong paraan. Masaya lang ako para sa kanya at sa mga nagagawa niya. Pero ikaw... ikaw ang mas higit na importante para sa akin." Sabi niya sabay hinawakan ang aking kamay, na kanina pa naka kuyom.
Nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang mga salita, kahit na may halo pa ring pagdududa. "Sana, makuha mo ang ibig kong sabihin," patuloy niya, na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.
"Matteo ano ba tayo? Anong meron sa atin?" tugon ko, kahit na ang mga tanong at pag-aalinlangan sa puso ko ay hindi pa rin ganap na nawawala. Nasabi ko na ang binabagabag sa aking isip at bigla nalang itong lumabas sa akig bibig.
"Sumama ka sa akin!" Sambit niya, himbis sagutin ang mga katanungan ko.
"Saan naman?" sagot ko. Nalilito kung anong gagawin niya.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
