Chapter 13

71 24 1
                                        

Habang naglalakad ako patungo sa canteen, sinubukan kong ayusin ang sarili ko. “Walang masama sa mga nararamdaman mo,” sabi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa kanilang mga paboritong upuan, nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Nang makita nila ako, nagtaas sila ng kamay at sumigaw,

“Seah! Saan ka nanggaling? Bakit ang tagal mo naman!” tanong ni Rai.

“Ah, nagpunta lang ako sa cr,” sagot ko, sabay ngiti kahit na sa loob ko ay naguguluhan pa rin. Pinilit kong sumali sa usapan, ngunit ang mga sinabi ni Matteo ay patuloy na bumabalik sa isip ko.

“Okay ka lang ba? Parang ang dami mong iniisip,” tanong ni Freya habang inaalok niya ako ng pagkain.

“Okay lang, masyadong maraming nangyayari,” sagot ko, ngunit ang totoo, ang utak ko ay abala pa rin kay Matteo. Habang kumakain kami, nagkukuwentuhan sila tungkol sa mga balak sa magaganap na themed night, pero ang isip ko ay hindi mapakali.

“Seah, excited ka ba sa themed night?” tanong ni Raizen, at doon ako napaisip. Kailangan ko talagang ayusin ang sarili ko. Kung gusto kong harapin si Matteo nang maayos, dapat mag-focus ako sa mga bagay na mahalaga.

“Oo, excited na ako! Kailangan lang natin mapag-usapan yan.” sagot ko, pinilit ang sarili na ngumiti. Pero kahit gaano ko kagustong maging excited, sa kabila ng lahat, ang utak ko ay patuloy na naglalaban sa mga nararamdaman ko para kay Matteo.

———

Malapit na mag-time kaya pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan naming bumalik na sa classroom. Habang naglalakad kami, nag-aalala pa rin ako sa mga nangyari kanina. Parang ang hirap isipin kung paano ko haharapin ang sitwasyon, lalo na’t nandiyan ang mga kaibigan ko na puro may katanungan.

Pagdating namin sa classroom, agad kaming umupo. Ibang guro na ang pumasok, at masayang nagbigay siya ng ngiti habang hinahanda ang kanyang mga gamit sa mesa.

“Good afternoon, class! Ready na ba kayo para sa aralin natin ngayon?” tanong niya.

Habang nag-uumpisa ang klase, sinubukan kong mag-focus sa discussion, kahit na ang isip ko ay abala sa mga nangyari kanina. Kailangan kong iwasan ang mga distraction.

“Okay class, idagdag niyo ang mga assignments niyo sa inyong mga notebooks,” sabi ng guro, nagbigay-diin sa mga assignment. Mabilis akong sumunod, sinisiguradong kumpleto ang lahat ng kailangan kong isulat.

Habang abala ang lahat sa pagsusulat, nag-usap kami nina Freya, Raizen, at Irene tungkol sa mga gagawin sa themed night.

“Seah, excited ka ba sa costume mo?” tanong ni Freya, na may ngiti.

“Excited, pero kinakabahan din. Kailangan talaga natin maging handa,” sagot ko, sabay isip sa mga posibilidad na mangyayari sa event.

“Balita ko formal suits daw ang outfit natin! Mas magiging classy tayo!”sambit ni Raizen, na tila sabik na sabik sa idea.

“Oo nga! Mas maganda kung ganun,” dagdag ni Irene."Sana lang lahat maki- Cooperate."

“Exactly! Pero wala na tayong masyadong oras. Saturday night na ang party, at limang araw na lang ang natitira!” sabi ni Freya, na nagbigay sa akin ng kaunting kaba.

“Grabe, ang bilis ng panahon! Kailangan talaga nating magplano,” sagot ko, nagsisimula nang mag-alala sa mga detalye na kakailanganin ko.

Nakangiti kaming lahat sa mga ideyang sinasabi namin at kahit na medyo naguguluhan pa rin ako sa mga nararamdaman ko, ang saya ng mga kaibigan ko ay tila unti-unting nagpapagaan  sa nararamdaman ko.

Natapos na ang third period class namin kaya lumabas na si ma'am. Kasunod naman ang pagpasok ng aming adviser na may ngiti mula sa kanyang labi. Tila ba ay may magandang balita na ibabahagi sa amin.

“Okay, class, gusto kong malaman ang mga plano niyo para sa themed night sa Sabado, May plano na nga ba kayo?” sabi ng guro, na tila nag-aanyaya sa amin na makibahagi.

“Ma'am, excited na po ako! Balita ko, ang theme ay ‘Masquerade Ball’! Dapat mas classy ang outfits natin,” Irene said. Filled of excitement.

“Dapat nga! Ang saya kaya! Pero kinakabahan din ako first time namin ni,Seah.” Frea, quickly added.

“Alam niyo ba na may mga prizes para sa best dressed? Kaya kailangan talaga nating maging standout!” sabi ni Jake, na tila nag-uudyok sa amin na mag-isip ng mga creative na ideya.

Habang nag-uusap ang buong klase, napansin kong nagkaroon ng energy ang paligid. Ang mga kaklase ko ay puno ng mga mungkahi at ideya tungkol sa mga dapat gawin para maging mas organize ang event.

“Dapat mag-organize tayo ng group para sa mga kailangan sa preparations! Mas masaya kung sama-sama tayong magplano,” mungkahi ni Ayesha na tila excited na excited.

“Oo nga! Kung magkakaroon tayo ng meeting para dito, mas magiging maayos ang lahat,” sagot ni Freya, na tila sabik na sumang-ayon.

“Ms.President , anong suit ang naiisip mo? Kailangan maganda ang dating mo!” tanong ni Raizen, na puno ng sigla.

“Black and white ang naiisip ko, pero parang kailangan ko ng twist,” sagot ko,kahit walang katiyakan.

“Perfect na idea! Tapos, baka pwedeng magdagdag ng konting gold o silver,oh diba. Perfect.” saad ni Irene.

Habang nag-uusap kami, unti-unting nawala ang mga alalahanin sa isip ko. Mas nakatuon na ako sa kasiyahan ng aking mga kaibigan at sa exciting na event na darating.

“Basta, promise niyo, magkiki-coordinate tayo! Ayaw ko ng kahit sino sa atin ang ma-outshine,” sabi ko, sabay tawa.

“Of course! Teamwork makes the dream work!” tugon ni Raizen, na nagbigay-diin sa aming usapan.

"Oh sya, Sige Ms.President mag usap kayo ng mga kaklase mo tapos sabihin mo nalang sakin ang naging dissicion nyo?” Sambit ni ma'am sa akin.

Pagkatapos ng talakayan tungkol sa Themed night ay nag patuloy na ang lecture ni ma'am,Kahit na patuloy pa rin ang mga katanungan sa isip ko tungkol kay Matteo, pinilit kong ma fucos  sa klase. Ang kaganapan sa Sabado na inaasahan kong magiging masaya ang lahat.

————

Natapos ang buong araw na nakaramdam ako ng halo-halong emosyon. Kaya naman bago ako umuwi ng bahay ay iniwan ko lahat sa school ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko.

Dangerous Love Where stories live. Discover now