Nang makalayo na kami, mabilis na kinuha ni Travis ang radio mula sa bulsa. Ang kanyang kilos ay maingat ngunit determinado. “I need to contact my team,” sabi niya habang pinipindot ang ilang button. Ang kanyang tinig ay kalmado ngunit may bahid ng pagmamadali. “Stay close, Seah.”
Hindi nagtagal, narinig ko ang malalim at pormal na boses ng isa sa kanyang mga tauhan mula sa kabilang linya.
“Tiger 1, this is Tiger 2. Captain, report your status. Over.”
“Complicated,” tugon ni Travis, matatag ang tono ngunit halata ang tensyon. “We’re moving to extract. I need immediate pickup at the designated location. Over.”
“Copy that, Tiger 1. Extraction team en route. ETA, ten mikes. Hold position and confirm location. Over.”
“Affirmative,” sagot ni Travis bago ibinaba ang radio. Huminga siya nang malalim, pagkatapos ay tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay malamlam ngunit seryoso. “Maghihintay tayo ng extraction. Kailangan nating magtungo papuntang Paradise Cove. Doon natin mahihintay ang bangka.”
“Sigurado ka bang ligtas doon?” tanong ko, hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.
Tumitig siya sa akin nang matagal, na para bang sinisiguro niyang nananatili akong kalmado. “We’ll make it. Stick with me, Seah,” sagot niya, ang bawat salita’y may diin. “I won’t let anything happen to you.”
***
Biglang huminto ang isang SUV sa harapan namin. Agad kaming sumakay, at nang makaupo na kami, mabilis na pinaandar ni Travis ang makina. Siya ang nagmaneho, habang ako’y nakaupo sa tabi niya, pilit nilalabanan ang kaba mula sa nangyari.
“Don’t be scared, Seah. We’ll be fine,” sabi niya, sabay lingon sa akin. Nagbigay siya ng tipid na ngiti, at kahit papaano, nagdulot ito ng kakaunting kapanatagan sa puso ko.
Habang binabaybay namin ang kalsada, naririnig ko ang ugong ng mga gulong at ang malamig na hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Pilit kong iniisip kung ano ang naghihintay sa amin, ngunit sa presensya niya, para bang unti-unting nawawala ang takot ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok kami sa isang makipot na daan. Sa dulo nito, nakita ko ang ilang tauhan ni Travis na naghihintay. “Here we are,” sabi niya habang huminto ang sasakyan. “Tara, bumaba na tayo.”
Pagkababa namin, agad kaming nagmamadaling pumunta sa bangka na nakatali malapit sa dalampasigan. “Let’s head to our island. It’s safer there—it’s private and secured,” sabi ni Travis, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa.
Habang umaandar ang bangka, nilingon ko ang likuran namin. Pilit kong sinisilip ang dilim, umaasang hindi kami sinusundan. Gusto kong makalayo sa panganib at makahanap ng pahinga sa Paradise Cove.
“Travis,” tawag ko sa kanya habang pinapaandar niya ang bangka.
“Why? Are you nervous?” tanong niya, mahinahon at puno ng malasakit.
“Sinong hindi kakabahan? Muntik na tayong mapahamak kanina! Baka sundan nila tayo… natatakot ako,” sagot ko, ang boses ko’y bahagyang nanginginig.
"I'm here, Seah," tugon niya, seryoso ang tingin ngunit puno ng paniniguro. “I’ll protect you at all costs. Don’t be scared.”
Tinitigan niya ako at binigyan ng isang ngiti—isang ngiti na tila may kakayahang burahin ang lahat ng takot ko.
“I trust you, Travis,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili.
Habang patuloy na umaandar ang bangka, hindi ko maiwasang mag-alala. Iniisip ko sila Mama at Papa, kung kailan ko ulit sila makikita. Matagal na rin akong hindi nakakauwi, at ang panganib na nag-aabang sa syudad ang pumipigil sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito, umaasa akong ang bawat hakbang palayo ay magdadala sa akin ng kapayapaan.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
