Habang nakaharap ako sa pintuan, pilit kong inaayos ang aking paghinga, pero parang hindi ko talaga kayang gumalaw. Hindi ko alam kung ang kaba o ang pagkalito ang dahilan kung bakit ako nananatiling nakatayo doon.
"Seah..." tawag niya at ang kanyang boses ay nagbigay ng kilabot sa akin. "Pwede ba akong magbihis muna? Or... plano mong panuorin ako?"
"A-Ah! Right! Sorry!" mabilis kong sabi, at halos mabunggo ko ang pinto habang nagmamadali akong lumabas.
Sa paglabas ko, napansin kong nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa mga damdaming biglang sumulpot nang makita ko siya sa ganoong ayos.
Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Napatigil ako at napahawak sa aking dibdib na tila nagtatangkang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nang lumabas si Travis, nakasuot na siya ng puting t-shirt at itim na short.
"Hey, sorry din. I should’ve locked the door," sabi niya, may konting ngiti sa kanyang labi na para bang aliw na aliw sa nangyari.
"Yeah... maybe next time, lock it." sagot ko, pilit na tinatago ang kaba na gustong sumilip sa aking ekspresyon.
"Hindi mo naman kailangang takpan yung mata mo. Mukhang kita mo rin naman lahat," biro niya, at naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko.
"Travis!" protesta ko, habang iniiwas ang tingin. Ngunit sa kabila ng aking hiya, ramdam ko ang mas malalim na koneksyon sa pagitan namin, at napagtanto ko kung gaano ako ka-komportable sa kanyang presensya—kahit pa nakakahiya ang sitwasyon.
***
Kanina pa kami nagde-decide ni Travis kung itutuloy ba namin ang Truth or Dare. Ngayon, parang hindi na ako makakatakas. Nakangisi siyang umupo sa harap ko, tila nasasabik na masimulan ang laro.
"Okay, Seah, no backing out this time. Game na?" tanong niya, nakatitig sa akin.
"Fine, game," sabi ko, sinisikap itago ang kaba. "Pero ikaw muna."
Tumawa siya bago magtanong. "Truth or Dare?"
Nag-isip ako sandali bago sumagot, "Dare."
Nakita kong ngumiti siya, mukhang pinaplano na niya ang dare. "I dare you to... tell me something na hindi mo pa nasasabi kahit kanino."
Napatigil ako, hindi inaasahan na magiging ganito agad ka-seryoso ang laro. Pero hindi pwedeng umatras. Nag-isip ako ng simpleng bagay na hindi pa niya alam.
"Fine," sabi ko. "Honestly...Takot akong maiwan."
Nakita kong napatango siya, bago ngumiti nang may pag-aasar.
Natawa ako, medyo nahiya. "Yeah, okay. Now your turn. Truth or Dare?"
"Truth," sagot niya, at nakita kong parang nagkukunwaring cool lang siya.
Napaisip ako saglit bago magtanong, "Ever since we met, naisip mo ba ako in a... romantic way?"
Nakita kong medyo nagulat siya sa tanong, pero sineryoso ang sagot niya. "Maybe... hindi lang minsan," sagot niya, sabay ngiti.
Bigla akong napalunok at naramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko.
“Okay, next! Truth or Dare?”
"Truth" mabilis kong sagot, halatang nagiging kampante na sa laro.
"Anong nararamdaman mo ngayon?"
Napatitig ako sa kanya,bago ko tuluyang sinagot. "umm..masaya,syempre!"
"Truth or Dare?" tanong ko sa kanya.
"Dare"
"I dare you to... say something sweet pero kailangan seryoso." mabilis kong sambit.
YOU ARE READING
Dangerous Love
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...
