Chapter 31

64 19 2
                                        

Lumipas ang isang buwan, at tila nagiging mas mahirap ang bawat araw. Nakatago ako sa bahay, nakakulong sa isang mundo na wala nang saya. Hindi ako nakalabas, at kahit ang mga kaibigan ko, hindi na pinapayagan ni Dad na makita ako. Para akong nasa bilangguan dahil sa kasalanang hindi ko ginawa, at araw-araw, lalo akong nanghihina.

Isang umaga, habang nag-aaral ng mga sinend ni Frea sa akin na lesson,biglang tumunog ang phone ko. Sa pagtingin ko, si Matteo ang nag-message.

Matteo: "Hey, Seah. I miss you. Can we meet? I have a plan."

Nagtaka ako sa kanyang mensahe. “What plan?” nag-reply ako, kahit na may takot sa puso ko. Isang buwan na kaming hindi nagkikita. Tinatawagan ko siya pero kapag wala si dad dito sa bahay. Palaging patago ang kilos ko.

Matteo: "I know it’s been a while, but I want to see you. Meet me at our spot tonight. I’ll find a way for you to sneak out."

Naramdaman ko ang panggigigil ng puso ko. Ang pag-asam na makita siya ay mas malakas kaysa sa takot na nararamdaman ko. “Sige, Matteo. I’ll find a way.”

×××××××××××××××××××××

Kinagabihan, nang makatulog sina Dad, pinilit kong lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdang upang walang malikhang tunog at nagdadasal na hindi ako mahuli. Pagdating ko sa labas, nabuhay ang mga alaala ng mga araw na kasama ko si Matteo, at ang puso ko ay punung-puno ng saya at takot. Para akong nakalaya sa hawla. Nagmadali akong naglakad at dahan dahang lumabas ng gate. Natiempohan ko kasing walang guard.

×××××××××××××××××××

Nang makarating ako sa secret base. Sa garden, nandoon na si Matteo, at ang ngiti niya ay nagbigay ng liwanag sa madilim na mga araw na pinagdaraanan ko.

“Seah!” tawag niya, lumapit sa akin at agad akong niyakap. “I was worried you wouldn’t come.”

“Hindi ko kayang mawala ang pagkakataong ito,” sagot ko, ang boses ko ay puno ng pag-asa. “What’s your plan?”

“I want us to escape. I found a safe place where we can stay, just until things cool down,” sabi niya, ang mga mata niya ay puno ng determinasyon.

Pero bago ko siya masagot, narinig namin ang mga yabag mula sa likuran. “Seah!” sigaw ng pamilyar na boses, ang boses niya ay puno ng galit.

Agad akong napaatras, ngunit huli na. Sa isang iglap, nahuli kami ni Dad. “You think you can run away from me?” galit niyang tanong.

“Dad, please! I love him!” sigaw ko, ngunit parang hindi siya nakikinig.

“Love? This is a matter of family honor! You’ve crossed a line, and now, you must pay the price,” sabi niya, at agad akong hinawakan sa braso.

Nakita kong si Matteo ay nagiging tensyonado, at sa mga mata niya, may takot na hindi ko maalis. “Seah, I won’t let him hurt you!” sabi niya, pero alam kong wala na kaming magagawa.

Bigla siyang hinawakan ng mga tauhan ni dad. Nanlaban siya ngunit lima ang kalaban niya kaya hindi rin siya nagtagumpay. Halos dumugo na ang mukha niya,dahil sa tinamong suntok ng mga tauhan ni dad.

"Stop!!!! Huwag nyo siyang saktan. Please! Dad. Im begging." humagulgol ako ng iyak, ngunit tila manhid si dad.

Pinaghahampas ko na siya ngunit hindi siya natinag. Mas humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Habang wala akong magawa kundi panuorin kung paano bugbugin ng mga tauhan niya ang taong mahal ko.

Nanlumo ako at halos mawalan ng lakas. Biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Tanging ang nakita ko nalang ang bubugsaradong katawan ni Matteo na unti unting nagiging malabo.

Dangerous Love Where stories live. Discover now