Chapter 3 *Slave*

610 13 8
                                    

Natuwa talaga ako sa comment mo sa A Bittersweet Feeling. So, eto dedicated sayo. Thank you. *kiligs* Kindly support this one din ah. ^^

##################~

"Hindi naman kasi ikaw ang maglalakad ng buong araw na madumi ang uniform. Tch"

Aray ah. Makapagsalita naman to. Parang ang sama ko ng tao.

Ang konsensya ko nga naman. 

"Ah eh." wala kong masabi. Kung ako nga naman maglalakad ng ganyan no, malamang pagtitinginan ako,eh ang dugyot pa, minus points kay crush yun. (Kung may crush man siya.Hehe.) "Pwede naman sigurong ano, uh, umuwi.Hehe.Suggestion lang." Nakakatakot siya kausap,swear. Wala kasi syang reaksyon e. Alam niyo yung poker,ganun eh. 

"Malayo bahay ko,hussle." ang arte. Kalalaking tao ah. Konyatan ko kaya to. 

"Hmm. Alam ko na! Linisan mo nalang sa cr"

"Sa tingin mo maaalis tong lahat?" 

Nayuko ako. Sa tingin ko hindi. Kainis naman,ang gwapo nito kaso ang sungit. Tubuan ka sana ng pimples sa ilong!

"Anu bang magagawa ko? Sorry na."

Ang sakit nito sa ego! Kaso mas pipiliin ko ba yun kesa sa konsensya?

"Wala" sagot niya.

Tinignan ko siya. Eye to eye kami. "Ang arte mo. Kung di lang ako nakokonsensya iniwan na kita dito eh. Sige ano,mag utos ka na. Kahit ano gagawin ko. Isa lang ah. Tss,bwisit." yung bwisit medyo hininaan ko. 

Tinitigan ko talaga siya eh. Kaso walang tinag,tinitigan din ako. At nagtitigan na nga kami. Ako busog na,siya umay na. JOKE.

"Be my slave for 1week and ill forgive you." aniya na ikinagulat ko.

"A-anong sabi mo? Slave? Aba teka oy ah, sa palabas ko lang naririnig yang mga slave slave na yan. Alam mo napakaarte mo talaga. Pwede namang ilibre nalang kita. Gusto mo lunch o kaya kahit dinner pa. Pero slave? No way no! Neck neck mo." kapal ng mukha. Slave talaga? Yung totoo, daming kaartehan sa buhay? 

"Ako pa maarte? Kala mo naman kung ano iuutos ko sayo. If you said no then no. Then you'll not get my sorry."

"MJ!" i heard someone calling... him? So, Mj pala pangalan niya. Napalingon din ako sa tumawag sa kanya.

O.M.G.

Si Nathan!

"Oh pre baket?" magkakilala sila? Ghad! Baka ikwento ako ng maarteng na to kay Nathan ah. Sumama pa image ko. Ugh.

"Ang tagal mo daw,kaya pinatawag ka sakin ni teacher Mai." sabi niya dito kay MJ.

Tapos tumingin siya sakin. "Oh,Gerish? Right? Magkakilala kayo?"

Speechless? Ako yun eh. Wala na naman akong masabi. Ugh!!  Napatitig tuloy sakin si MJ. 

"Pre anung nangyari dyan sa polo mo?" tanong ni Nathan kay Mj. "New style? haha." 

"Tss. Tanong mo dyan." sabay tingin sakin...ng -explain everything to him LOOK-... Haluuuuu. Yan na nga ba sinasabi ko eh.

"A-ano nasagi kasi siya nitong ano p-pangkulay na hawak ko. " sabi ko. Para akong inapi na ewan na bata dito.

"Ah ganun? Astig ah. Para kang sasayaw pre. Yellow? hahaha" 

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon