###################~
"Basta sa susunod. Hwag kang basta basta iiyak sa harap ng ibang tao. Kung gusto mo saakin ka nalang umiyak lagi...Ang panget mo kasi umiyak eh,may uhog! Ako sanay na ko."
Chapter 11 *With BFF*
Bwisit na to! "Yun na eh." inangat ko pa kamay ko."Mata-touch na ko eh kaso biglang banat ng ganun....gusto pa ba ng kurot?" taas kilay kong sabi sa kanya pero nakangiti kasi joke lang naman yun,pero inaambahan ko siya sa tagiliran niya.
Haha. Hindi ko pa nadidikit kamay ko sa tagilian niya,bumabaluktot na. Natatawa tuloy ako. :D
"Nandito pa pala kayo?"
Napahinto lang kami sa katatawa ng biglang may nagsalita sa gilid namin.
Si Nathan.
Kumirot na naman yung puso ko. Lalo na nang makita ko yung babaeng kasama niya ngayun.
Siya yung babaeng nasa gym nun eh. Yung nag aabot ng bimpo kay Nathan.
Pakiramdam ko nanliit ako. Literal na nanliit ah. Ang tangkad niya kasi. Hanggang tenga lang siguro niya ako. Hindi ko halata nun nung nakita ko siya sa gym. Ang ganda niya talaga.Maputi,maikli buhok, matangkad pa tapos muka pang mahinhin. Ganyan ba mga tipo ni Nathan? Aw. </3
"Pauwi na din kame." si Manuel na nagsalita...Gusto kong tanungin kung ano ba niya yang babaeng kasama niya pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.
"Mj. Kamusta naman?" :) sabe na eh,mahinhin nga. Pagbuka palang ng labi ang bagal. Hay. Girlfriend material talaga siya.
"Okay lang naman Jinky." Ah,siya pala si Jinky. So siya pala yung niyaya ni Nathan sa prom. "Ah,kayo ba uuwi na kayo?"
"Hindi pa. May kukunin pa kame sa gym eh." anung kukunin niya? O baka mag pa-practice siya. Tuturuan din ba niya si Jinky?
Gusto ng tumulo ng luha ko kaso hindi ko pwedeng hayaan. Kasi, ano ba niya ko? Wala naman diba. Wala lang. Nasasaktan lang ako.
"Aah sige,una na kame."
"Sige. Ingat kayo ah. Gerry,ingat." :)
"K-kayo din."
Pagkasabi ko nun tumalikod na kame ni Mj. Hinawakan pa niya ko sa braso. Alam kong alam niya na hindi ko kayang igalaw ngayon ang katawan ko. Buti nalang may kasama ako kundi,baka pagtawanan ako dito dahil na-tuod na ko.
Kasabay ng pagtalikod namin ang pagpatak ng luha ko. Pinunasan ko kaagad para hindi na makita ni Manuel. Nakakahiya na masyado.
Paglabas namin ng gate nag offer pa si Manuel na ihatid ako pero sabi ko sasakay nalang ako ng trike.
Pag uwi ko sa bahay, pumunta muna akong kusina para mag bless kay mama saka ako pumanhik na sa kwarto ko. Hindi na ata ako makakapag dinner. Wala akong gana.
Pagdating ko sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan...naiyak na ko...Napakababaw ko no. Umasa kasi ako kaya ko ganito. Oo alam ko,ako naman may kasalan kung bakit din ako ganito eh. Hindi naman niya intensyon at wala syang intensyon na gawin sa akin to. Ako lang naman tong,nag aasume na ako ang yayain niya sa prom.
Siguro ganito nalang talaga ko. Aasa sa wala,kasi mukang clique si Nathan tsaka yung Jinky na yun sa isat isa eh. Gwapo tapos maganda pareho pang mababait. Hay.At ako? Boyish na nga magsalita,hindi pa maganda,yung as in mapapa-wow ka kapag nakasalubong mo. Isa lang din naman akong studyante na hindi pansinin na mahilig lang kumain ng mani pag may nakita akong nagtitinda sa kanto.
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...