Chapter 6 *Moment with him.*

459 10 3
                                    

Kahit badtrip talaga ako ngayon. Nag update ako. Enjoy.

(=

##################~

"Salamat Nathan. Bukas ko isosoli." :)

Chapter 6 *Moment with him.*

Napabuga ako ng malalim na hinga.Grabe!

Tamang hinala din ako minsan eh.

Ang oa ko! May kasama palang lalaki yung babae na ksama ni Nathan :D. At  malamang e girlfriend niya,nakaakbay eh. Nanghiram lang pala ata ng notebook yung lalaki. Kala ko silang dalawa lang eh. Medyo kumirot puso ko dun ah. Hay.

Pagharap ni Nathan. Nakita niya ko. Malamang,pababa ako eh. Siya paakyat.

"Ger---"

"Ouch!" Aray aray aray. T____T Ang shonga shonga ko talaga. >.<

"Gerry!" Nag-aalala siyang lumapit sakin. 

Naman kasi naman eeeeh. >.< Nadapa pa ko. Nakakahiya,ang shonga ko! Sa harap pa niya ko nagpaka clumsy!!

Sa sobrang pag ka amaze ko ata na nakita ko siya.Hindi ko namalayan na may isa pang baitang yung hagdan. >.<

Ang sakit. Umikot ata daliri ko sa paa. Napaupo pa ko.

"Ayus ka lang??" tanong niya habang tinitignan ako. Umupo din siya para pantay kami. Chinicheck niya yung binti ko.

>////< Aaah ayus na ayus!! "Ayus lang." tatayo na ko tapos inaalalayan niya ko. Ang daming koryenteng dumadaloy sa katawan ko. Shemaaaaay!! Ayoko,baka mamula akooo. "Okay lang ako,kaya ko tumayo mag isa. Salamat." :)

Kung di ko pa siya  pipigilan baka kung ano pang magawa ko...kaso pagtayo ko,parang pumutok isa sa buto ko sa paa,sa daliri rather. Aw! Ang sakit!....Napatumba tuloy ako---

Kaso hindi ako natumba. Sinalo niya ko.

Oh My goley wow!! NAKAKALOKA!! (capslock yan para madama niyo!! ) Kinikilig ako to the highest level above the north everest!!

Nakasandal ako sa dibdib niya! Shemay,siomai,siopao!! Ang bango bango bango niya! At nararamdaman ko pa yung hawak niya sa balikat ko tsaka sa kamay ko. Hindi ako makagalaw,ang sarap mahimatay!! Kaso hindi maaari!

"Okay pala ah. Halika muna,hilutin natin yang paa mo."

Humiwalay ako sa kanya pero nakahawak pa din ako sa kamay niya. >////< Suporta ba,para hindi mahulog ulit.

"Nako hwag na. Uuwi na ko." nakakahiya na. Promise.Nahihiya na ko sa kanya. Sana lang hwag akong mamula. 

"Anong uuwi? Gusto mo ba mabalian ka ng paa. Mahirap yan. Alam ko masakit."

"Pano mo nalaman? Hindi kaya." pagkakaila ko. Kahit ang sakit nga. Ayokong makita niyang ang weak ko. Baka maturn off eh.

"Madalas ko yang maranasan. Injury. Kaya kailangan mahilot. Sige ka,hindi ka makakalakad niyan.. Tara na."

Natakot naman ako sa sinabi niya. Kaya sumama na lang ako sa kanya. Nagpunta kami sa bakanteng room.

Iniupo niya ko sa upuan saka siya lumuhod sa harap ko. 

"Eh?! Hwag mo nang tanggalin. Nakakahiya!"

Gusto ko na talaga lumubog sa kahihiyan! Tinanggal ba naman sapatos ko. Uwaaaah! Hindi ako nagfoot powder,baka mabaho!! 

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon