Chapter 18 *Take the risk*

314 3 0
                                    

Chapter 18 *Take the risk*

Nathan's POV

Akala ko, mapipigilan ko pa tong nararamdaman ko. Pero shzz. Aiish!! Para akong bakla! Hindi ko maamin na gusto ko siya. Im Inlove with her!

Im inlove with Gerry. Si Gerish Sison. Oo mahal ko siya. Sana masabi ko din sa harap niya.

Hindi ko maamin dahil ayokong masaktan si Mj. Matagal ko na syang kaibigan. Ayokong baliin ang usapang lalaki namin nuon.

*FlashBack*

"Pare. Naaalala mo nun? Haha. Si Nicole." -Mj

"O bakit anung meron kay Nicole?"

"Pareho tayong nagkagusto sa kanya no... Nag away pa nga ba tayo non?"

"Ah oo. Ibang klase ka kasi. Pero kinalimutan ko na yun pare." tagal tagal na nun. Elem palang.

"Ngayon dito ka na mag-aaral. Pareho na ulit tayo ng school,baka mamaya niyan  pareho na naman ulit tayo na magustuhang babae."

"Iba na yan kung lalaki pare." biro ko. Ang seryoso kasi nito. Gara. 

"Haha. Loko ka...pero hindi nga, sana hindi na maulit yun."

"Psh. Usapang lalaki..hinding hindi."

"O sige ha. Usapang lalaki!"

"Andami daming babae dyan eh. Magkakagusto pa talaga tayo sa iisa."

"Haha. Hindi yan!"

*End of flashback*

May pausapang lalaki pa kong nalalaman. Psh.

Kung sana kasi nalaman ko kaagad na mahal ko na siya bago pa sabihin sakin ni Mj eh. >.<

Aissh!

*Flashback*

"Pare tinamaan na ata ako kay Gerry." nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ko nalang pinahalata.

"Tinamaan? Lagi nga kayong nag-aaway."

"Anu ka ba. Parang hindi ka naman lalaki. Way ko lang yun para makausap siya palagi. At ewan ko ba pare,sabihin na natin na napapalambot niya ko. Sa isang ngiti palang niya,natutuwa na ko."

Ngayun lang siya nagkaganito sa babae. Alam ko yun. Bata palang kami magkasama na kami nitong parekoy kong to. Tinamaan nga ang loko.

"Kaso pare,may iba na siyang gusto."

"Aw! pano mo nalaman?"

"Basta alam ko lang." Sino naman kaya? Ugh. Napapaisip ako dun ah. tsk. "Ang sakit nga pare eh. Srsly,ganto pala feeling ng mainlove."

"Haha. Pare,lakas makabakla!" loko ko pero.... parang, nasasaktan ako?

"Lul! pero pare, pag ikaw nakaramdam ng ganito,tss baka mabaliw ka!"

Wala akong nasabi sa sinabi niya. Napaisip na lang ako. Pano nga kaya?

*End of flashback*

"Aaaarg!" nagulo ko nalang buhok ko. Damn it!!

Kahit anong piliin ko ako pa din ang talo.

Hindi ko alam kung aamin ba ko, magugustuhan naman ba ko ni Gerry. Basta ang alam ko lang.Kapag umamin ako,tapos na ang pagkakaibigan namin ni Mj. I dont want to lose any of them.

Siguro nga mas maganda na,na ganito nalang.

Na maging masaya para sa kanila.

"Anak. Nathan. Ano ba ang problema?..Masama yan nak, hindi mo nailalabas." sabi sakin ni mommy sabay akap sa balikat ko. Nakaupo kami sa may sofa.

"Mom. Mas maganda po bang ako nalang ang masaktan kaysa iba?"

"Nasasayo yan anak. Ano ba yung specific na problema. hwag mo na kong paisipin pa."

Si mom talaga. :)

"Si Mj po kasi."

"Oh what about Mj?...uh,let me guess.. Pareho kayo ng nagugustuhan babae no?" napatango na lang ako.

"Geee.Ang baby ko,may nagugustuhan na!"

-____-

Srsly? Nanay ko ba to o kaibigan?

"Teka teka." sabi niya sabay upo ulit. -___- Napatayo kasi siya. =___="  "So,ano namang problema kung pareho kayo ng nagugustuhan? Maganda nga yun eh,may thrill."

"Mom" -__-

Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko kay mommy o dapat kinimkim ko nalang. Tch.

"Haha. Joke lang anak...okay,magiging serious na ko... Alam mo ba nak,back to my own experience.Naranasan ko na din na ako ang nagparaya. Nagparaya ako para maging masaya yung kaibigan ko...Naging maganda naman ang resulta anak,dahil ayan,nakilala ko ang tatay mo at nabuo kayo...Kaso ito isipin mo anak ah, paano kung hindi ka maging masaya sa desisyon mo kapag dumating ang araw. Baka pagsisihan mo.Kasi habang may laban ka pa,habang hindi pa naman huli ang lahat ipaglaban mo...subukan mo. Napasaya mo nga ang kaibigan mo pero pano kung hindi naman pala talaga sila ang tinadhana...o edi parang wala lang din ang pagpaparaya mo... take the risk anak."

"E paano kung, pareho ko pa silang masaktan?"

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan anak." :)

"Thanks mom." mom knows best talaga.

"No problem anak...teka sino ba itong maswerteng babaing ito?"

"Papakilala ko po siya sa inyo kung hindi na po ako naguguluhan."

"Tss. kelan pa??"

"I dont know. Pero im sure,masasagot ko na din tong gumugulo sa isip ko mom."

"Sige...pero baby, uminom ka muna ng gatas ah."

"Mom naman. Hindi na ko bata. Sige akyat na po ko" sabi ko sabay takbo pataas.

Si mommy talaga. Bini-baby pa din ako until now.

Pero dahil sa mga nasabi ni Mommy.

Maybe...i should take the risk.

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon